42 - The Turnover Kiss?

59.7K 1K 156
                                    

"Musta ang tulog ng girlfriend ko?" bungad sa'kin ni Kyle pagkapasok na pagkapasok ko ng gate ng school.

@#%&! Napagsunduan nga pala namin na ang tawagan namin ay Girlfriend ko at Boyfriend ko. Napag alaman kasi namin na wala pa nga pala kaming tawagan sa isa't isa dahil its either Classmate o yung pangalan namin ang binabanggit (na parang classmate lang ang dating) ang tawag namin sa isa't isa kaya ayun.

Kagabi eh halos sumakit mata ko sa kakababad sa screen ng phone ko plus kakatawa sa suggestions nya para sa tawagan namin. Kaya in the end, ito yung napagsunduan namin.. At ito ring pagkakataon ang kauna-unahang nagamit yung tawagan sa personal.. Kaya medyo naiilang ako @#%&

"Uy girlfriend ko! Ang tanong ko---"

"Maayos naman ang tulog ko, boyfriend ko @#%&!!!" may pagka-ilang kong sabi.

Tumawa sya kaya binatukan ko agad sya.

"Ba't parang scripted yun, girlfriend ko?" tanong nya na tatawa tawa.

"Ay bahala ka nga dyan! Nakapila na sila oh!" sabi ko sabay turo sa mga kapwa 4th years kung san may pilang nagaganap.

"Sya tara na, girlf---"

Nilagay ko yung kamay ko sa bibig nya kaya di nya natuloy. Aalisin ko na sana ng malaman kong nahawak nya na pala ito at saka hinalikan yun na para bang prinsipe sa isang classical novel @#%&

Hinawakan nya naman yung kamay ko ng mahigpit at saka tahimik kaming naglakad para pumila sa linya ng aming section. May mga tumitingin naman sa'min (dahil holding hands kami) pero mukhang nasanay na sila sa pangitaing(?) yun kaya wala na silang masyadong komento.

"Pila ng ayos 4th years" sabi nung guro namin (na syang na-assigned sa pagpapapila sa'min)

Pinauna ako ni Kyle. Mamaya pa ay nalaman kong may nakapatong na palang mga kamay sa may balikat ko (which is kanyang mga kamay). Hanggang sa umandar(?)/nagsimula ng umusad ang pila papasok ng gym at ayun, nagsimula na ang misa.

- - -

"O, picture picture!" sigaw nung Presidente namin kaya nagmistulang stampede yung lugar kung san nakatutok yung camera nyang DSLR.

Pinasama namin si Ma'am sa aming 'pre-graduation' pictorial(?) hanggang sa mag 1pm na at nagkayayaan ng umuwi (para makapag ayos na raw sila -- para sa mismong graduation).

"Hatid na kita" sabi ni Kyle.

"Ha? Ay wait, iihi lang" sabi ko ng tatawa tawa (kahiya kasi)

"Ah sige, hintay kita dito" sabi naman nya kaya agad agad akong nagmadali para pumunta sa may CR (pero puno sya kaya naghintay pa ako @#%&)

Nung turn ko na ay parang Pagsanjan Falls ang.. Wait, bakit ko to kinukwento? Hahaha amp! Ang iniisip ko ay.  Ahm, lung imbitahan ko kaya si Kyle mamaya? (wow parang ang daming handa ah)

Pero di ko alam kung anong sasabihin ko! Ahm, paano kaya kung isa sa mga ito? Tulungan nyo kong makapili ah:

- "May surprise party na inihanda sina Mama sa'kin.. iimbitahan ko sana ikaw? (uhm, party na surprise pero alam ko?)

- "Imbitado ka sa aking graduation party! Yey! Makakapunta ka?" (uhm, seriously? Di ko to masasabi!)

- "May maliit na salo salong magaganap mamaya sa aming bahay.. Kung wala kang gagawin, baka pwede kang pumunta?" (maliit na salo salo pero may patay baboy, kambing, manok at kung ano ano pa? May tarpaulin pa? Anu naman daw definition ko ng 'maliit na salo salo'?)

Wait, tapos na pala ang session so makaalis na sa CR at baka mag reklamo pa yung ibang naghihintay @#%&

Paglabas ko ay inayos ko muna ang sarili ko (para kahit ma-reject yung imbitasyon ko'y maganda ako whuuut?)

Palakad na ako papunta sa kung san ko iniwan si Kyle (habang nag iisip kung anong pinakamagandang message of invitation) ng makita kong papalapit sa aking harapan si Jonas.

Iiwas sana ako para wala ng gulo at eksplanasyon na magaganap ng kunin nya yung galanggalangan (wrist) ko at hinila ako sa isang lugar na walang masyadong dumadaan.

Kinabahan ako dahil medyo aware ako sa mga nangyyari sa Pilipinas na eksena dun sa palabas na "Saklolo". Yung bang haharass-in ka nung @#%& wag naman sana! Ayoko! Pero kung gagalitin ko sya, baka nga nya gawin pero pleaseeee wag sana---

"Congrats sa'tin dahil sa wakas ay gragraduate na tayo.. at salamat" sabi nya kaya nakahinga ako ng maluwag (pero ninenerbyos pa rin @#%&)

"Una, salamat dahil di mo ako pinaasa umpisa pa lang kahit umasa ako kahit konti.. Pangalawa, salamat dahil bago magtapos ang taon ay napalapit ako sa'yo at pinansin mo ako kahit di hamak na isa lang akong "Classmate" para sa'yo. Pangatlo, salamat dahil naipamukha mo sagad sa'kin na di tayo nararapat sa isa't isa kung kaya ay di ako nabaliw pa ng lubusan sa'yo. Pang apat, salamat dahil kahit isang beses ay tumawa ka sa aking pagpapatawa.. na ang totoo'y para sa'yo lahat.. Pang lima, salamat kahit nasaktan mo ko ay ayos lang dahil para sa'kin, ikaw yung una kong babaeng minahal at alam kong kahit impossible kang mahanap pa'y darating din yung para sa'kin.. Dahil naimulat mo ko na kung para kayo sa isa't isa, magiging kayo sa huli.. Sana wag mo kong kalilimutan ha.. Dahil kahit dumating man ang babaeng para sa'kin, kailan man ay di kita malilimutan dahil ikaw yung una kong pag-ibig. Alam kong corny pero alam ko na magsisisi ako kung di ko to sasabihin sa'yo. Ayoko ring mabuhay sa hinanakit. Kaya.."

Medyo nakaramdam ako ng kaba.

"Kung ayos at pwede lang sana.. Coleen.. Isang pabor lang na di makakarating sa kanya.. Coleen.. Pwede bang.."

Lumapit sya ng konti sa akin na dahilan ng sari-saring pakiramdam na naramdaman ko sa katawan. Sobrang kaba na halo halo na parang ewan?! Parang sasabog yung puso ko sa kaba @#%&

"Pwede bang.. Kahit isang mabilis lang.. Kahit isa lang.. Please?" tanong nya habang papalapit ng papalapit yung mukha nya sa'kin.

Nanigas yung paa ko na parang di makagalaw. Di ko rin magalaw yung kamay ko para itulak sya hanggang sa.. dumampi na yung labi nya sa labi ko at nalaman ko na lang na napapikit na ko sa ginawa nyang paghalik ng matagal sa'kin. Nangangatal yung buong katawan ko kasi alam kong hindi dapat pero wala akong magawa dahil nabato ako sa kinatatayuan ko! Siguro dahil sa sobrang takot at kaba na baka kung hindi ko sya pinagbigyan ay baka makuha sa'kin yung hindi dapat nyang makuha.

Pagmulat ko ng mata ko, ang una kong nakita.. ay ang seryosong mukha ni Kyle na nakatingin sa'min.

Ano ba tong ginawa ko?!

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon