16 - Sana rinig mo rin

99.3K 1.9K 270
                                    

"Tara" sabi nya at saka hinawakan ulit yung kamay ko. Hinila ko yun pabalik kaya napatingin sya. Inilagay ko naman yung kamay ko sa may cardigan ko at nagkunwaring may inaayos.

Tinabihan naman nya ako kaya sabay na kaming naglalakad.

"Wag na pala tayo manuod ng movie. Mauubos lang oras natin dun." sabi nya.

"Ah okay" sagot ko.

"Teka.. Baka gusto mo? Gusto mo bang manuod o kumain muna tayo tutal sabi mo kakagising mo lang. Di ka pa ata kumakain."

Sasabihin ko bang kakain muna? Kahiya naman kung ganun. First date ko pa naman ito. Malay ko nito!

"Sige, kain muna tayo" nakangiti nyang sabi.

Nakita kong hahawakan nya naman ako sa kamay kaya inunahan ko ng paghawak sa phone ko at kunyaring nagtetext. Dalwang kamay pa yung ginagamit ko @#%&

Sa may KFC kami kumain. May kinukwento sya sa'king mga bagay bagay habang tumatango lang ako sa kanya. Mas madalas din ang katahimikan.

Sana pala natuloy na lang yung Class date para maingay. Nakakailang palang magdate! Ang awkward lalo na pag di naman kayo!

"Di ko ba talaga sya mapapalitan?"

May naramdaman akong ibang hangin kaya medyo natigilan ako. Ano bang?

"Alam mo naman yung tinutukoy ko" patawa nyang sabi.

"Jonas naman!" sabi ko din ng patawa sabay palo sa balikat nya kahit kaharap ko pa sya.

Nagkangitian na lang kami habang inuubos namin yung pagkain.

Palakad-lakad lang kami ng magsalita sya.

"Ay onga pala.. Co.." sabi ni Jonas ng nakatigil.

"Co?!" sabi ko sabay tawa.

"Coco?" sabi naman nya sabay tawa din.

"Coconut" sabi ko ng seryoso kaya tumigil sya sa pagtawa at nagtitigan kami.

At saka tumawa kami parehas sa napaka-korning joke na ginawa ko.

Nagpatuloy kami sa pagtawa habang naglalakad kami.

"Ano nga pala yun?" tanong ko matapos kong tumawa.

"Ahh.. Samahan mo nga pala akong bumili ng panregalo" sagot nya.

"Panregalo? Kanino?" tanong ko.

"Kay Ma. Birthday nya na kasi bukas. Gusto kong magandahan sya sa regalo ko pero di ko alam kung anong ibibigay ko eh"

Whoaaaa. Ang thoughtful naman nyang anak! Ako nga, bati lang ginagawa ko kay Mama. Alam naman nyang kaunti sya magpapabaon eh kaya di naman sya nagrereklamo. Charewt lang.

Nagsimula na kaming magtitingin-tingin. Mag insert tayo ng isang Korean OST na masaya para i-fast forward ang nangyaring pamimili.

"Sir, doon po nagbabayad" nakangiting sabi nung saleslady.

"Ah sige---- Ay, ang haba naman ng pila dun. Wala bang ibang counter?" tanong ni Jonas dun sa saleslady.

"Wala sir eh. Mahaba din po sa iba." sagot naman nung saleslady.

Napansin ko naman ang tingin ni Jonas sa'kin.

"Ah! Ano.. Dito muna ako. Ayos lang" sabi ko.

"Sige, text kita kung malapit na ako." sabi nya at patakbong dinala yung bag na pinili namin para sa Mama nya.

Mamaya ay lumapit yung saleslady sa'kin.

"Ang swerte nyo po Ma'am sa boyfriend mo po!" nakangiti nyang sabi sa'kin.

Dahil medyo nailang ako, ngumiti na lang ako.

Mga 15 minutes na ang nakakalipas, mga walong customers na ata ang na-entertain nung saleslady eh nakatayo pa rin ako. At dahil nasa may bags section eh walang upuan. Medyo nangangalay na ako. Haruuuy shakit sa tuhod!

Kinuha ko yung phone ko at nagtext kay Jonas na sa labas na lang ng Department store kami magkita. Nagtextback din naman sya agad na "Ok at sensya na kung matagal"

Naglalakad ako papalabas ng makakita ako ng Rilakkuma stuffs!!! Nasabi ko ba sa inyo na ang natanggap ko nung Christmas Party ay hindi Rilakkuma? Haruuuy! Buti na lang at binigyan ako ni Kristel ng ballpeng Rilakkuma.

Anyway, ito talaga ang hilig ko kaya titingin muna ako! Tutal nung umalis ako ay sobrang haba pa ng pila, di naman masamang tumingin di ba? Sana nga lang ay hindi nakakainis yung saleslady-ng lalapit sa'kin.

Lumapit ako dun sa nakita kong malaking Rilakkuma bear. Ang cute-cute-cute-cute!!!

"Gigil na gigil ka dyan "Classmate" ah"

Halos mahulog yung puso ko nung marinig ko yung boses na yun kaya napalingon agad ako.

Ba't sya andito?

"O-Ohh.. K-Kyle.. Kaw pala yan.." sabi ko.

Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko na tipong rinig na rinig ko. Sana di nya rinig kung gaano kalakas yun.

"Kyleeeeee!" narinig kong boses ni Niña.

Lumingon naman si Kyle.

"Kyaaaaaaaa ang cute nung bear, Kyle! Ibili mo ko!" sabi ni Niña na may paghawak pa sa may braso ni Kyle.

"Pang bata yan! Kaw talaga." sabi ni Kyle.

"Ah, una na kami" dagdag nya sabay alis.

Habang papalayo sya ng papalayo, nagiging normal na naman ang tibok ng puso ko.

Sana pala naririnig nya kung gaano kalakas yung tibok ng puso ko. Para naman, kahit papaano ay may ideya syang may nasasaktan sa ginagawa nya.

Charot lang!

Ano ka ba Coleen!!! Ni di nga kayo. Ni di ka rin nya gusto! Ni wala syang pakialam sa'yo! Haruuujoskooooooo! Gising ka na nga Coleen! Kita mo yon? Ang sweet nila noh?!

Naglakad na ako papalabas ng Department store at saka hinintay si Jonas dun. Di naman nagtagal ay nakita ko na si Jonas at dahil malapit ng mag 7, umuwi na ako.

Hinatid nya naman ako. Though sabi ko, wag papakita kay Mama dahil mala-dragon yun. Pumayag naman sya.

"Salamat ah" sabi ko.

"Salamat din" sabi din nya.

"Pero pwede bang magtapat?" dagdag nya nung maglalakad na sana ako.

"H-Ha?" yun yung nasabi ko dahil di ko alam yung isasagot ko sa tanong nya.

"Kasi Coleen.. Gusto kita." sabi nya.

"Ah... Ahhh.." di ko alam ang sasabihin ko.

Siguro kung si Kyle yun.. Nasabi ko na sa kanya yung halos 7 years ko ng pinapractice sa tuwing nananaginip ako ng gising.

"Siguro iniisip mo "sya" no?"

Napatingin ako sa kanya.

"Uhm Jonas.. Salamat ah.. Pero"

"mahal mo sya?" sya yung nagtapos nung 'pero' ko.

Huminga kong malalim.

Magsasalita na sana ako pero inunahan nya ako.

"Hindi ko ba talaga pwedeng palitan ang pwesto nya sa puso mo?" tanong nya.

Masyado na akong naiilang kaya nginitian ko sya.

"Jonas naman eh! Geh na, gabi na!" pagpapalit ko ng topic.

"Coleen.. Please.. Ako na lang yung ipalit mo sa pwesto nya sa puso mo.. Please" hinawakan nya yung braso ko at parang iiyak sya kahit anong oras.

Medyo naiiyak na ako sa di ko alam na dahilan. Ang tumatakbo lang sa isip ko ay: Ayokong syang palitan sa puso ko kahit may iba syang mahal.

Pusong bato na kung pusong bato pero..

Mahal ko na si Classmate.

"Sorry Jonas.. Hanggang "Classmates" lang talaga" sabi ko at saka inalis yung kamay nya na nakahawak sa may braso ko. Iniwan ko sya doon na nakatungo.

Sorry Jonas.. Ayoko rin kitang saktan.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon