35 - Their relationship status

70.9K 1.5K 171
                                    

"Anak, boyfriend mo ba yan? May boyfriend ka na?" bungad na tanong ni Mama sa'kin.

Shet, di ko aakalain na maagang dadating si Mama sa school kaya naabutan nya kaming naka-hawak kamay ni Kyle habang naglalakad pabalik ng room @#$%

"Sagutin mo ko! Naglilihim ka? Naglilihim ka sa'kin, anak?!" dagdag pa nya.

"Eh.. Mama.." panimula ko.

Napansin kong magsasalita si Kyle pero pinigilan ko sya gamiit ng pagpisil sa kamay. Hinila naman ako ni Mama palayo sa kanya at hinila dun sa lugar na wala masyadong tao.

"Sya ba ang ginawa mong panakaip butas, anak? Anak.. h'wag na h'wag mong gagawing panakip butas ang isang tao!" sabi ni Mama.

"Di po.. s'ya po yung kinuwento ko sa inyo dati nung gabi.. nung drumadrama po ako" sabi ko.

"Eh? Sya ba yun? Akala ko ba may gerlprend na yung tinutukoy mong Classmate?"

"Eh.. wala na po sila.. umamin po sya sa'kin na ang totoo'y ako yung mahal nya, mwehehe" sabi ko.

"Aba?! Ganun ba? E bakit nilihim mo sa'kin?" tanong ni Mama.

"Di ko po kasi alam yung status namin -- MU po kami eh.." sagot ko.

"Nanliligaw pa lang sa'yo?" tanong ni Mama.

Tumango naman ako.

"Ah sige ganun ba? S'ya, punta ka na dun at mukhang tinatawag na kayo nung leader nyo" sabi nya sa'kin kaya kumaway ako sa kanya at patakbong lumapit kay Kyle.

Sinalubong naman ako ni Kyle at sabay na kaming umakyat ng building para bumalik sa room. Sinalubong naman kami ng mga kaklase naming busy na busy sa pag aayos at pagmamake-up. Buti na lang, may taga make-up kami. Baka kasi maging white lady ako kung wala

- - -

(Come on Barbie, let's go party!)

(Ah-ah-ah-yeah)

(Come on Barbie, let's go party!)

(uu-oooh-u)

(Come on Barbie, let's go party!)

(Ah-ah-ah-yeah)

(Come on Barbie, let's go party!)

(uu-oooh-u)

Masigabong(?) palakpakan ang bumungad sa'min matapos yung sayaw namin. Nakangiti naman kami habang bumaba ng entablado.

- - - 

1 month and a week later (March 21, 2013)

"Pikit at ang eyelashes ay maalis!" sabi ng kapatid ni Mama sa'kin na nag ayos sa'kin para sa Seniors' Ball.

  

Ang bilis ng araw no? Well, sa sobrang busy ko dahil ang saya-saya ko, hindi ko na nasasabi sa inyo ang bawat pangyayari sa buhay ko -- at namin ni Kyle.

  

"Nasa labas na yung shuta mo, ate!!!" sabi naman ng pinsan kong 8 years old pa lang.

"Di ko pa---" sasabihin ko sana na MU pa rin kami pero di na nya ako pinatapos dahil dali-daling naglabasan ang mga iba ko pang mga pinsan at sinilip yung dumating. Shet, probinsyang probinsya ang dating! Susuot lang ng gown, may pagpunta pa dito mga pinsan ko, san ka pa?!

"Ay gwapo nga, ateng!!!" rinig kong sabi ng isa kong pinsan.

Pinatuloy naman ni Mama si Kyle sa bahay at naghihintay sya sa may sala. Nasa kwarto pa naman ako habang sinusuotan ng mga alahas na hiniram pa ni Mama kay Titang taga-abroad @#$% Mas mahal pa to kesa sa buhay ko teh @#$%

Matapos yon ay bumaba na ako. Nakita ko naman si Kyle na naka tuxedo at nakangiti habang pinagmamasdan ako.

"Comment naman dyan koya!" sabi ng isa kong pinsan na 9 years old.

Ngumiti lang sa'kin si Kyle at napakamot sa may noo. Nagsimula naman ang picture taking. Matapos ang mahabang session na yon, pumunta na kami sa school. At kung pa'no? Kotse nina Kyle @#$% hiya naman ako sa nirenta kong dress sa kotse nila!

Tahimik lang kami sa may kotse. Titingin sa isa't isa at titingin sa may bintana.

Grabe di ko aakalain na---

"Di ko aakalain na magiging partner kita" sabi nya ng nakatingin sa'kin.

Weee, kilig naman ang lola mo pero ayaw ipahalata! Legal kaming mag MU! LOL

Nung tumigil ang sasakyan ay bumaba na si Kyle at saka binuksan yung pinto nung sasakyan sa tapad ko at inalalayan akong bumaba. Shet, daming nakatingin sa'min. Pinosition nya yung braso nya upang hawakan ko. Nakatungo akong naglakad papunta dun sa kung san nakakumpol yung mga kaklase ko.

Naramdaman ko naman ang kamay ni Kyle na inayos yung bangs ko kaya napatingala ako.

"Ba't ka nakatungo?" mahinang tanong nya sa'kin.

"Nahihiya ako ee" medyo nahihiya kong sabi.

Ngumiti sya at lumapit sa may tenga.

"You're the most beautiful" bulong nya.

Tumingin ako sa kanya matapos nyang sabihin yun.

"In my eyes" sabi nya na titig na titig sa'kin.

"Seniors, you can now enter the hall" anunsyo nung estudyanteng presidente ng hayskul.

Nagkatinginan kami sa isa't isa. Napangiti ako at ganun rin s'ya. Sabay naman kaming humakbang pauna habang ako'y ngiting ngiting nakatingin ng di nakatungo kundi sa harapan.

ClassmateWhere stories live. Discover now