Chapter Thirty Two

Start from the beginning
                                    

"Hahahahaha!"
Malakas na tawa ni Eazer. 

"Kasi nga di naman talaga sa yun lang ang pakay ko, Musika eh. Kaibigan naman talaga ang turing ko sayo at di lahat ay gawa-gawa ko lang. Yung iba dun, totoo."

"15, 14, 13, 12--"

"Musika, please patawarin mo na 'ko. Ayokong pati friendship natin, masira nang dahil lang sa kagag*han ko. Please? Please?"

"5, 4, 3, 2, 1. Okay, tapos na."
Di ako nakatingin sa kanya kanina pa dahil naiilang ako.

"Ano bang gusto mong gawin ko, ha? Tingnan mo mga kaklase ko o, naiinitan na sila sa field!" 
"O, kasalanan ko ba yan? Ako ba nag-utos? Ako may kasalanan?" Tiningnan ko na siya this time. 

"Oo na hindi nga kasi, ako nga kasi!" 
"Good!" 
"Ano na?"
"Anong ano na nga?!" 
"Sorry na!" 
"Sayawin mo muna yung kanta sa stage." 

Hindi ko alam pero basta nalang siyang lumabas sa bibig ko at natatawa ako. Hahahahahaha! Nanlaki ang mga singkit niyang mata.

"WHAT THE F-- AYOKO NGA!"  

"Okay! Madali naman akong kausap!" Ginaya ko pa yung tono sa pagsasabi nyan ni Sarah kay John Lloyd ha. Hahahaha!

"Fine!" 

Ano raw? Hahahaha! At dahil may mini stage naman dito sa field, binaba niya ang hawak niyang box at umakyat siya dun tapos may inutusang mag-operate sa sound system. Hala. Hindi ba siya papagalitan ng committees? Ah bahala siya. Wala na 'kong pake kung mapano siya dahil dyan.

Nag-play na yung intro!

"You gotta go and get angry at all of my honesty~" 

Natawa ako kasi medyo nahihiya pa siyang gumalaw. Nakatingin lang siya sakin at mukhang galit. Tumawa lang ako nang tumawa.

"You know I try but I don't do too well with apologies. I hope I don't run out of time, could someone call a referee? Cause I just need one more shot of forgiveness."

At nung umabot na sa chorus, napanganga ako kasi magaling naman pala siyang sumayaw!

"Kasali pala sa HipHop crew 'yang shokoy na yan." Siniko ako ni Eazer. 
"Eh? Ba't di siya nagpaparticipate dito sa school?"
"Tamad." 
"Aahh... Souka." (I see)

"Suka?" Natawa ako. 

"Oy, minsan lang mag-effort 'yang si Kenji para sa isang babae kaya maswerte ka."
"Ah, talaga?"
"Oo. Kaya tanggapin mo na sorry nyan. Effort 'to sobra ha. Pati ako nadamay pa. Langhiyang buhay 'to o."

"Pero thanks, Eazer."
"Yeah."

Okay, so I ended up forgiving Kenji. Binigyan niya pa 'ko ng dalawang balloon na apple green at baby blue which were my favorite colors tapos bouquet of yellow roses which I know, also represents friendship. Ah oo nga pala, binigay niya sakin yung plackards na nakasulat ang letters para di ko raw makalimutan na napatawad ko na siya. Baliw. So, ayun ngayon naglalakad kami pabalik ng classroom kasama si Eazer at ihahatid nila talaga ako this time. Nakakahiyang pagtinginan ng mga studyante pati teachers. Ang dami ko pang dala! Akalain nilang niligawan ako nitong asungot na 'to. Chismis na naman jusko.

Nung malapit na kami sa room, nakita ko si Melody na nasa labas at parang may pinagmamasdan. Di ko na siya pinansin. Ewan nalang kay Kenji kasi gusto niya naman yun eh. Who cares, care bears!

"Sige Kenji, Eazer. Thank you ulit... sobra."

Sobrang natuwa ako sa effort niya para lang makapag sorry sakin. Like, that was every girl's dream. Mainggit ka sana, Melody. Joke lang.

"Sige, kitakits mamaya." 
"Okay. Ingat kayo."
"Ikaw rin." They smiled then left. 
"Uuuuyyyy! Musikaaa! Ano yun, ha?"
"Sana ako rin noh maka experience ng ganyan!"
"Nakakainggit ka talaga, Musika. Huhuhu!"

Kilig na kilig ang mga kaklase ko't nagsilapitan sila para tingnan ang mga dala ko.

"Wala lang yun, guys."

"Wala raw eh nakita kaya namin yun! Lahat kaya ng students nagsilabasan para manuod. Bukambibig na nga ngayon kahit saan eh. Ikaw ha! Senior pala natin ka-love team mo. Yiieee!"
"Pati sila Ma'am at Sir kinilig. Sana sila din daw."

"Hoy, wala nga yun. Nag-sorry lang naman siya."
"Eh? Kaya pala di na kayo nagkakasama kasi nag-away kayo? Anong nangyari, girl?"
"Tapos na yun. Okay na kami. Magkaibigan ulit. Ganon lang."
"Sana may boy bestfriend din akong ganyan. Hahahaha!"
"Ang sweet naman ni Kuya Kenji noh!"
"Swerte mo, girl!" 

Oo na, ako na maswerte. As a friend!

Pero si Russel....

Namimiss kong makatext siya. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Malabo na kaya sila ni Melody? Natuloy ba ang plano niya kuno para sakin?

Itext ko kaya ulit siya? Magpapanggap parin ba ako? Talaga bang sasaya ako pag pinatuloy ko yun?




Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now