Chapter 36: Meet Blake's Family

Start from the beginning
                                    

"Psshh, anong gagawin mo dito? Mag e-emote?" Rinig kong tanong ni Channel.

"Saffire, deserve mong maging happy. Sa tingin naman namin, masaya ka kapag kasama mo si Blake." Sabi naman ni Stacey. Pagkakaisahan ako ganon?

"At huwag ka magpa apekto sa nangyari kanina.." sabi naman ni Flyne.

Naalala ko na naman ang sinabi ni Blake na We deserve to be happy.

"Oo nga Saffire. Hihihi nakakakilig kaya kayo, halatang may chemistry.." Kilig na kilig na sabi naman ni Flyne. Ehh? Chemistry? Wala ngang ka emo-mosyon yung taong 'yon eh.

"Ano bang gusto niyong palabasin?" Kunot-noo kong tanong sa kanila.

"Ang point lang naman namin, It's time to move forward.. Huwag kang kumulong sa past mo. Buksan mo ulit ang puso mo, para magmahal ulit.." Sabi ni Flyne at ngumingiti. Nag thumbs up naman ang dalawa.

"Ayoko siyang gawing panakip butas.." sabi ko sa kanila. At 'ayon sabay-sabay mga nagtaasan ng mga kilay.

"Hindi naman panakip butas 'yon eh.." Depensa ni Channel. Ang gulo nila. Psh!

"Sige na kasi Lead.. Kahit ngayon lang, magpakasaya ka huh! kasama mo ang lalaking nagmamahal sayo.." May malokong ngiti sabi ni Stacey. Ehh? Ano bang pinagsasabi nila? Lalaking nagmamahal sa 'kin?

"FINE!" Pagsuko ko sa kanila. Hindi talaga ako mananalo sa kanila. Tatlo sila eh. Kaya ito, tinext ko na si Blake.

Hinatid ako ni Flyne sa Park at dito ako nagpasundo kay Blake. Nakita ko naman siyang naghihintay kaya nilapitan ko na, umalis na din si Flyne..

"Let's go?" Tanong niya ng makalapit ako sa kanya.. "-Naiinis na ako sa lugar na ito." Halatang iritang-irita siya. Napatingin naman ako sa paligid dahil may mga babaeng nakatingin sa kanya at halatang kilig na kilig. Ang gwapo kasi ni Blake ehh!

Napangiti tuloy ako ng lihim. Ang cute pala ni Blake kapag naiirita. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa kotse niya.

"Huwag mo akong ngitian, baka halikan kita dyan.." Walang emosyon na sabi nito at ngumisi. Ako naman nagulat sa sinabi niya. Is he serious?

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at nag drive na siya. Hindi padin ako makapag salita dahil sa sinabi niya. Baliw na ba siya? Ako hahalikan niya?

"You're blushing Kaithelyn.." May ngising sabi nito kaya napatingin ako sa kanya na nag dra-drive..

"No! I'm not.." Walang emosyon kong sabi, pero alam kong nang-iinit ang dalawang pisnge ko. Grrrr!!!!! Gawa kasi ni Blake ehhh!

"Psshh! Alam kong gwapo ako, huwag mo na akong titigan.." Nanlaki ang mata ko ng marealize kong nakatitig pa pala ako sa kanya. Kaya agad akong umiwas ng tingin. Grrrr!! Nakakahiya..

Walang nagsalita pa sa 'ming dalawa hanggang sa pumasok kami sa napakalaking gate. Kanino naman kayang mansion ito? Ang ganda!!!

"We're here.." Sabi nito at bumaba na, pinagbuksan naman niya ako.

"Kaninong mansion ito? Anong ginagawa natin dito?" Nagtataka kong tanong kay Blake ng nakalabas na ako sa kotse..

"Ipapakilala kita sa parenst ko.." May konting ngiti sa mga labi niya. Ako naman napalunok.

"H-HUH? Ipapakilala? Ehh, Hindi mo naman ako Girlfriend eh." Sabi ko dito, nahihiya kaya ako. Atsaka, first time ito noh! Ipakilala sa magulang ng isang lalaki.

"As my new friend.. Not girlfriend." Sabi nito ng walang emosyon. Narinig ko pa siyang ngumisi."-Nag assume ka naman, may gusto ka talaga sa 'kin noh?" May ngising sabi nito at linapit ang mukha niya kaya nilayo ko siya.

The Good Girl In To a Gangster QueenWhere stories live. Discover now