Chapter 10: Fake or not?

9.7K 271 1
                                    

Natasha's POV

One week na ang nakalipas simula nung kilig session namin nung monthsarry. Hehehehe. Unforgettable 'yon. Ang saya talaga.

"Class sino ang pwedeng sumali sa balagtasan? Representative man lang ng section niyo.." Sabi ni Ma'am sa harapan. Activity na naman. Lagi na lang may activity dito sa School.

At ako? Hindi mahilig sumali sa mga ganyan, Mahiyain kasi ako at mahina ang loob.

"Sali ka?" Tanong ko kay Stephanie na nakatingin sa phone niya. Mabuti at hindi siya nahuhuli ng teacher. Kulit din netong babae na ito eh.

"Nope. Mahiyain ako e." Simpleng sagot nito. Parehas kami, mahiyain. Hehehe.

Nakita ko namang nagpapalista na ang mga sasali, yung kaibigan ni Cela sumali, si Cela naman hindi, tapos pati sila Jenny, kahit ang bhabes kong si Amor. Minsan na nga lang kami mag-usap eh.

Napatingin ako sa gawi ni Zander na katabi si Cela. Madalas ko na silang nakikitang magkatabi.

Pero Okay lang, may tiwala naman ako sa kanilang dalawa eh. Hehehe kaibigan ko naman si Cela eh. Atsaka, kahit medyo makirot sa puso, Okay lang ako.

"Natasha, Anong meron sa boyfriend mo at kay Cela?" Napatingin ako kay Stephanie sa tanong niya, nakatingin naman siya sa gawi nila Zander at Cela na nagtatawanan.

"Friends.." simpleng sagot ko na lang. At umub-ob sa arm chair. Sana talaga friends lang, pero ayaw kaya ni Zander sa manloloko, kaya hindi niya magagawang lokohin ako. TAMA! THINK POSITIVE LANG!

At dahil may activity na naman, ayon! ang teacher namin umalis na at ang mga representative, lumabas na para magpractice!

Borrriiing na naman! Huhuhu, teka may naisip ako! Hehehehe

"Yian, Pwede mo ba akong ipitan?" Tanong ko sa medyo katabi ko. Isang chair lang ang agwat namin.

Close ko din naman siya pero minsan lang kami mag-usap. Siya ang hairstylist ng klase hehehe.

"Sige. Matagal na kitang gustong ipitan, ikaw lang ang hindi masyadong maayos sa buhok." Nakangiti nitong sabi. Ayoko naman kasi talaga ng medyo nag-aayos eh. Pero tama siya! Hindi ako maayos sa sarili mas lalo na sa buhok. Basta ipit na lang.

Pagkatapos niya akong ipitan, ang ginawa niya sa buhok ko ay, pagapang na tirintas. Ayan! Maayos na. Hehehe

"Wow! Ang ganda mo lalo kapag naayusan.." Komento nito ng humarap na ako sa kanya. Ayiiehh! Binobola pa ako. Hehehe

"Wehhh? Pero salamat ha. Thank you talaga.." Sabi ko dito at tumango naman siya na may ngiti. Bumalik na ako sa upuan ko at napatingin sa 'kin si Stephanie. Ayan! Busy sa Cellphone kaya di ako napansin na wala na sa tabi niya kanina.

"Omyghod, Natasha.. You look like a lady now. Tao kana. Marunong ka ng mag-ayos. Ganda mo ngayon ha.." sabi ni Stephanie habang pinagmamasdan ako.

"Salamat sa puri mo na may konting lait hah!" Sabi ko naman dito, kaya napatawa siya. Bagay ba talaga sakin ang ipit?

"You're always welcome.. Pretty Natasha.." Sabi nito at binalik ang tingin sa phone niya. Katext niya parin ang Boyfriend niya. Naku!!

Hinanap ko si Zander para naman makita niya ang ayos ko ngayon, hehehehe. Para kaya sa kanya ito.

Kasi nga hindi ako palaayos. Dati konti, pero simula nung naging kami mas lalong hindi na ako nag-ayos sa sarili para bang kontento na ako sa itsura ko kasi may nag mamahal na sa 'kin.

Nakita ko si Zander, katabi parin niya si Cela at masayang nagkwekwentuhan. Kanina pa silang mag katabi. Wala bang balak tabihan ako ni Zander? Parang si Cela na ang girlfriend niya ahh! Nakakapangselos na talaga. Hindi ko na maiwasan ang selos!

The Good Girl In To a Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon