Chapter 23: Boredom

12.7K 385 2
                                    

Saffire's POV

Antok na antok parin talaga ako, halos wala akong tulog dahil hindi ako makatulog dahil sa mga nalaman ko, hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba o hindi.

"What?" Walang emosyon kong tanong kay Flyne kasi naman naka tungo ako sa arm chair ko tapos kanina pa siya nangangalabit.

"Highblood ka na naman.. Andyan na kasi si ma'am eh.." Sabi niya sabay nguso sa harap. Inis akong umayos ng upo, Tss. Walang kwenta.

Dahil imbis na lesson ang i-discuss, talambuhay niya ang sinasabi, dahil ang mga classmate kong mga baliw! Plano atang ubusin ang oras ng teacher namin sa pagkwe-kwento. At ang teacher naman namin, uto-uto nagkwento naman.

Kinuha ko na lang ang phone ko at nilagay ko na ang earphone ko sa tenga ko. Makikinig na lang ako ng music kesa makinig sa buhay ni ma'am.

Bigla na namang pumasok sa isip ko about 'dun sa Gangster queen.. Kasi, AKO? Ako talaga ang next Gangster queen... Tapos ama ko talaga si Mr. William Smith? Ang Gangster king? Wow!

Naniniwala na akong siya si Papa.. Kasi pinakita niya sa 'kin ang family picture namin.. Si mama, Ako, siya at si Natahaniel.. Pero nakakapagtaka kasi medyo malaki ang space sa tabi ko. Bakit kaya?

Tapos 'yung malaking kumag kagabi, nakakainis talaga.. Ang yabang kaasar! May gusto ako sa kanya? DUHH! NEVER.

Bigla naman akong napatingin sa likod, shit! Wrong move. Dapat pala hindi na ako tumingin dahil nakatingin sa 'kin si Zander na malaking epal naman sa buhay ko.

Umiwas na lang ako ng tingin, dahil baka isipin naman niyang mahal ko pa siya. Tss, NEVER!

Nang narinig naming nag bell, nag-ingay na ang mga classmate ko. Siguro success silang ubusin ang time ng teacher namin sa talambuhay.. Akala mo naman mga nakikinig at interesado eh.

"Saffire let's go?..." Tanong ni Flyne sa 'kin. Tinanggal ko na lang ang earphone sa tenga ko at tumayo na.

Pero bago kami makalabas ni Flyne may mga dakilang papansin ang naunang lumabas sa pinto. Walang iba kundi ang tatlong walang kwentang tao na nakilala ko.

Hindi na lang namin pinansin ni Flyne at nagtungo na lang sa Canteen..

"Ano ang bibilhin mo?" Tanong sa 'kin ni Flyne.

"Kahit ano.." Walang gana kong sagot. Naaantok pa talaga ako.. Gusto ko ng matulog.

"Walang kahit ano dito.." Sagot naman ni Flyne. Namilosopo pa si bruha.

"Funny! Kung ano ang bibilhin mo, 'yon na lang din ang akin.." Sagot ko na lang sakanya. Tumango naman siya at ngumiti.

Maya-maya pa ay dumating narin siya..

"Thanks.." sabi ko at kinuha ko na ang pagkain sa kanya. Nakakagutom, tapos antok pa ako.

"Alam mo Saffire, yung nakalaban ko kagabi parang namumukhaan ko.." Rinig kong sabi ni Flyne habang kumakain. "-Parang kakilala ko siya.." dugtong pa nito na, napapaisip na ngayon.

Baliw talaga ang babaeng 'to. Hindi ba niya talaga napansin na boyfriend niya 'yon? Pero si Antonio? Gangster din?

"Stephanie. Let's talk." Napatingin kami ni Flyne sa lalaking nakatayo ngayon sa harap ng lamesa namin..

The Good Girl In To a Gangster QueenWhere stories live. Discover now