Chapter 28: Let go of the past?

13.1K 319 28
                                    

Saffire's POV

"Lead..." Rinig kong boses ni Stacey sa 'kin. Anto na antok pa talaga ako, kaya hindi ko magawang imulat ang mga mata ko.

"Buhusan mo ng tubig ng magising.." Rinig kong sabi ni Blake. Ang sungit talaga Tss.

"Ahm. Ito tubig.." Rinig kong sabi ni Channel kaya nagmulat na ako ng mata. Tiningnan ko naman sila ng masama.

"Ohh! Lead bakit ganyan ka makatingin?" Tanong sa 'kin ni Stacey. Huh! Nagmamaang-maangan pa sila Hah!

"Sino ba naman ang matutuwa, natutulog ako. Bubuhusan niyo ako ng tubig.." Inis na sabi ko sa kanila na mas lalo silang napa kunot-noo.

"Huh?" Nagtatakang tanong nila.. Kitamotong mga to! Feeling innocent!

"Assumera.." Walang emosyon na sabi ni Blake. Teka nga! Ako ha ang sinasabihan niya ng assumera kapal Huh! Pero bawal mag aasume baka hindi ako.

"Hindi naman ikaw ang tinutukoy naming buhusan ng tubig eh.. Si Brent" sagot ni Channel. Kaya napatingin ako sa gawi ni Brent na tulog nga.. Nahiya naman ako! Assumera nga ako. Langya! Pahiya talaga ako.

"HOY BRENT GISING NA!." Sigaw ni Liam sa tenga ni Brent.

"Tangina naman Liam, Alam kong gwapo ako pero huwag mo naman akong gawing binge, gigising naman eh." Iritang sabi ni Brent.. Kawang Brent. Hahaha

Ngayon ko lang napansin, nasa labas pala ng Van sila Blake, Stacey, Channel at Liam.. Si Brent naman lumabas nadin, nakabukas ang pinto ng Van.. Kaya dama ko ang simoy ng hangin. Ang lamig! Tapos medyo gabi pa.

"Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanila at lumabas nadin ako..

"Four Am na Lead.." Sagot naman ni Stacey habang nakatingin sa malayo. Ang ganda naman ng View..

"Nasaan tayo?" Tanong ko sa kanila.. Kasi medyo may mga puno na eh. Pero may mga bahay pa at may seven eleven pa dito. Wow!

"Tagaytay na.." Sagot naman ni Liam. Loko! Alam kong nasa Tagaytay kami.

"Bakit tayo nandito sa maraming puno, parang papasukin natin ang kagubatan huh!" Sabi ko, at tiningnan ang gubat! Creepy!

"Pupunta tayo sa Secret headquarter ng Gangster King.." Walang emosyon na sabi ni Blake.. Wahh! Sana naman bumalik na ang mabait na Blake. Mas gusto ko pa yung mabait na siya ehh.

"Nassan na sila Flyne at Antonio?" Tanong ko sa kanila.. Kanina ko pa kasi napapansin na, Wala yung mag jowang 'yon eh.

"May binili lang ang dalawang 'yon.." Sagot naman ni Channel. Napapansin ko, ako lang 'yung tanong ng tanong. Tss, makatahimik na nga lang..

"We're hereeeeeee.." Boses pa lang alam ko na. May mga bitbit pa sila. Parang Groceries ata 'yon. Wahh! Siguro pagkain 'yon..

"Marami ba ang binili niyong pagkain?" Tanong ni Blake sa dalawang bagong dating. Tama ako! Pagkain ang binili nila. Hehehehe

"Yes, dahil alam kong matatakaw ang kasama natin.." Sagot naman ni Antonio. Talaga! Girlfriend pa nga lang niya eh. Matakaw na! Mabuti ako, sapat lang kung kumain.

The Good Girl In To a Gangster QueenWhere stories live. Discover now