Chapter 35: POV's

11K 282 0
                                    

Saffire's POV

Bumangon ako sa kama ko ng may ngiti sa mga labi, Bakit masaya ako? Dahil parin sa gabe! Tawang-tawa talaga ako.

Naligo ako at nagbihis ng hindi mapigilan ang ngiti ko sa mga labi. Pumunta na ako sa kusina dahil for sure, nandon na sila Stacey at Channel. Nanlaki ang mata ko nang nakit ko si Flyne.. At agad ko siyang yinakap.

"Akala ko one week ka pa mawawala?" Tanong ko sa kanya, pero masaya ako dahil nandito siya.

"Napag-isipan ko kasi, mas malungkot mag-isa, atlis dito kasama ko kayo. Mas masaya 'yon diba?" Nakangiti niyang sabi pero halata sa mga mata niya ang lungkot. She's not good pretender.

"Awww! GROUP HUG NAMAN DYAN!" sigaw ni Stacey at nag group hug na nga kami.

Sabay-sabay na kaming kumakain ngayon, at syempre dinadaldal nila Stacey at Channel si Flyne. Ako naman seryoso na ulit. Pero natatawa padin talaga ako.

"Saffire,and Flyne. Lipat na kaya kayo sa school namin? Para magkakasma tayong apat." Suggestion ni Stacey kaya napatingin ako sa kanya. Nagkatinginan naman kami ni Flyne.

"At saka, mayayaman din naman kayo eh! Kaya naman. Kayang-kaya niyo ang tuition 'don.." Dugtong naman ni Channel.

"We're now thinking about that.." Nakangiting sagot ni Flyne.. Tama siya, pinag-iisipan na talaga namin ni Flyne ang paglipat.

Pagpasok namin sa school, pinark na agad namin ang motor namin, nang papasok na kami sa room ng makita ko na naman ang magkapatid. Si Zander at Nard..

"Can we talk?" Halatang iritang sabi ni Zander. Ano na naman ang pag-uusapan namin? Atsaka, akala ko ba tinatamad na itong pumasok?

"What again?" Halata naman siguro sa boses ko na hindi ako interesado. Pshhh!

"Sige Saffire, mauna na ako sa room.." Napatingin ako kay Flyne at tumango ako. Naiwan na naman kaming apat dito, Si Amor, Nard, Zander and me. Ganda diba?

"Ano na naman ang sinabi sa 'kin ni Cela na, pinaparinggan mo daw siya sa status. Putangina Saffire, Walang ginagawa sayo yung tao!" Halatang galit na galit na sabi ni Zander habang naka kamao.

"Ehh? Pssh, para 'yun lang. Affected much naman siya.." Bored na bored na sagot ko. See? Sumbungera talaga. Tss.

"Anong 'yun lang? Umiiyak siya nung nagsabi sa 'min." Galit din na sabi ni Nard. Yung totoo? Kelan pa sila naging taga-pagtanggol? Sino sila? Batman? Superman? Mga tangang superhero!

"Huwag kang magielam Nard, I'm not talking to you.." walang emosyon kong sabi sa kanya.. Hinawakan naman ni Amor ang braso ni Nard at lumayo sila ng konti sa 'min ni Zander.

"Pwede ba Saffire, patahimikin mo na ang buhay namin ni Cela.." Inis na sabi ni Zander. Kapal naman nila! Buhay ko nga ang hindi nila pinapatahimik eh.

"What if ayoko?" Malokong sabi ko na lang. Ang sarap niyang asarin. Gustong-gusto ko na talaga siyang ihambalos sa imbornal.

"Kakalimutan kong babae ka.." Galit na galit na sabi niya. Pssh! Nonsense kausap. Bahala siya dyan.

"Matagal mo ng kinalimutan.." walang emosyon kong sabi at iniwan ko siyang naka kunot-noo, totoo naman eh matagal na niya akong kinalimutang babae ako, Nasaktan niya na ako emotionally and physically.

The Good Girl In To a Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon