Chapter 36: Meet Blake's Family

11.2K 348 8
                                    

Saffire's POV

Akala ko ba tinatamad ng mag-aral si Zander? Ehh bakit nandito ngayon? Tapos ang sweet pa nila ngayon ni Cela. Anyare? Psshh! Pero Pakielam ko ba?

"Saffire let's go?" Tanong sa 'kin ni Flyne.. Tumango naman ako sa kanya at tumayo na dala namin ang bag.

"Uy Flyne at Saffire, saan kayo pupunta?" Napatingin kaming dalawa ni Flyne sa pakielamerang classmate namin.

"The hell you care." Walang emosyon kong sabi at lumakad na palabas ng room. Narinig ko pa nga ang sinabi ni Flyne eh dun sa pakielamera.

"Pag-pasensyahin mo na si Saffire, mainit ang ulo hehehe. Ahmm! Dyan lang kami sa labas ng room. Wala namang teacher eh, sige bye!"

Nang nakarating na kami ni Flyne sa mga motor namin, nakatingin lang siya sa 'kin..

"Init ng ulo mo tehh" sabi ni Flyne sa 'kin at sumakay na siya sa motor niya kaya sumakay na din ako. "-Teka, saan tayo dadaan? Sarado gate and heler, may guard.." Nakangusong sabi ni Flyne.

Napangisi naman ako. Solved problem.."Sa likod, malamang!" Sagot ko lang at pinaandar ko na ang motor.

Nang makarating kami sa Arena, dumaan kami ni Flyne sa dinaanan namin ni Blake 'non... Nandito narin sila Stacey at Channel dahil nandito na ang mga motor nila.

Pagpasok namin sa Office, nandon na nga talaga silang lahat.. At syempre nandito din ang ex ni Flyne kaya for sure may awkwardness sa dalawa.

"Bakit niyo po kami pinapunta dito?" Seryosong tanong ko kay Gangster King. Napag-usapan namin ni Daddy na kapag tungkol sa mga ganitong bagay, huwag ko siyang tawaging daddy.

"Gusto ko lang sabihin tungkol sa war na magaganap next month." Sabi ni Gangster King at seryoso lang siyang nakatingin sa 'min.

"And?" Walang emosyon na tanong ni Blake..

"Gusto ko lang na mag training kayo.." Seryosong sabi ni Gangster King sa 'min. Training ulit?

"When and where Gangster king?" Tanong ni Channel kay Gangster King.

"Every night, here in Arena."

"Makaaasa kayo Gangster King, Mag tra-training kami dito..." Sabi ko lang sa kanya. Ngumiti naman si Daddy kaya ngumiti din ako.

"So it settled.. You may go guys.." Sabi lang ni Gangster King kaya tumayo na kaming lahat.

Napansin kong nakatingin si Antonio kay Stephanie. Kanina pa siya tumitingin kay Flyne..hmm. Halata namang mahal pa niya eh, pero bakit niya sinaktan?

Pagkalabas namin ng office, si Stacey at Liam nag-uusap. Si Channel at Brent nag kukulitan. Si Flyne nauunang maglakad habang si Antonio, nakatingin lang siya kay Flyne.

Si Blake alam kong nasa likod ko... Pasakay na ako ng motor ng hawakan ni Blake ang braso ko. Napatingin din ang mga kasama namin.

"Come with me.." Seryosong sabi lang niya. Kaya napa kunot-noo naman ako.

"I'm not in mood Blake. Sorry.." walang gana kong sabi at sumakay na sa motor ko at nauna akong umalis sa kanila.

Tutal hapon naman na. Wala na akong ganang pumasok. Kaya sa headquarter na ako dumiretso. Umupo ako sa sofa at rinig kong nandyan na sila Stacey,Channel at Flyne. Ang iingay eh.

"Saffire. Bakit hindi ka sumama kay Blake?" Rinig kong tanong ni Stacey at umupo sila sa tabi ko.

"I'm not in mood.." Walang gana kong sagot at pinikit ang mga mata ko.

The Good Girl In To a Gangster QueenWhere stories live. Discover now