43 - Future Plan.

Comincia dall'inizio
                                    

Naputol na ang pag-uusap namin ni Kuya dahil dumating na pala kami sa The Old Spaghetti House. Tinulungan naman nila akong makalabas. Nagpatiuna ng maglakad si Kuya, tapos kami ni Damon naman ay HHWWMPSSP. Ano 'yun? Holding Hands While Walking, May Pa-Sway Sway Pa.

Nagpakuha kaagad si Kuya Bryle ng table para samin at kaagad naman kaming nabigyan. Hindi naman kasi madami ang customers kaya marami-rami rin ang bakanteng table. Umorder kaming lahat ng Italian Spaghetti. Parehong Coke ang order nila Kuya at Damon, pero umorder ako ng Lemonade.

"So, Damon. Ano naman ang nakita mo rito sa bulilit kong kapatid? Ginayuma ka ba nito?" Sabi ni Kuya. Inabot ko naman siya para hampasin sa braso. Magkatapat kasi kami, at magkatabi kami ni Damon.

"Kuya, ang bad mo. Ano kayang nakita sa'yo ng girlfriend mo noh? Tsk!" sabi ko. Tumawa lang si Kuya at naghintay ng sagot ni Damon. Naku, Damon, ayusin mo sagot mo at baka managot ka dito kay Kuya!

"Well, siguro nga ginayuma niya ako. Though honestly, I am just dazzled by her, and also head-over-heels in love with her. Can't help it." Sagot ni Damon sabay kibit balikat. I just smiled to myself. Naku, naku, Damon. Umiibig ako sa'yo lalo.

Tumango tango naman si Kuya Bryle. "Mag-ingat ingat ka rito kay Serena. Iba 'to sa lahat ng babae. Kung hindi siya mag-aayos ng sarili, aakalain mong tomboy siya. Naku, when she was still a teenager, she used to play online games all night! Counter Strike, Ragnarok, Legend of Zalde... Zalde ba 'yun, Bonbon?" sabi ni Kuya.

"Legend of Zelda kasi, Kuya. Imbento ka." Sagot ko. Kuya just stuck his tongue out to me then turned to Damon.

"Ayun, tapos basa ng basa ng Marvel comics! And I guess nakita mo na ung collection niya ng mga toys and figures?" patuloy ni Kuya Bryle. Tumango naman si Damon. "Yeah, I saw it. I find it awesome and unique, actually."

Medyo naudlot ang pagsasalita ni Kuya dahil dumating na ung orders namin. Pagtapos ayusin ang lahat, nagsalita na naman si Kuya.

"Naku, kung anu-ano ang binibili nito ni Bonbon na laruan o kung ano na related sa mga kinukulekta niya. Tsk. Kaya mag-ingat ka dito. Baka mas maging lalaki pa 'to kesa sa'yo, Damon." Sabi ni Kuya. Papaluin ko sana siya kaso nakailag siya kaya tinusok ko na lang ng tinidor ung kamay niya.

"Ito din pala, Damon. Sa tingin mo, kilala mo na 'to sa tagal ng pagsasama niyo? Ilang buwan na ba kayo?" tanong ni Kuya.

"Five."Mabilis na sagot ni Damon. Medyo pahiya ako dahil di ko alam. Di kasi ako ung tipo na binibilang ung monthsaries eh. Anniversary lang talaga.

"Ayan. Ulyanin 'yan si Serena! Pero wag kang mag-alala, hindi naman 'yon magli-lead sa Alzheimer's, dahil sinasadya niya minsan kalimutan 'yon." sabi ni Kuya. I scowled at him. "Anong sinasadya?! Talagang nalilimutan ko noh." Katwiran ko.

"Sus! Nung birthday ko bago ako umalis dito ng Pilipinas, nung mga panahon na introvert pa ako, di mo man lang ako binati kahit alam mong birthday ko. Tsk." Sagot ni Kuya Bryle. Napangiti naman ako. Oo nga. Kasi nga nung mga panahon niya sinabi na aalis siya ng Pilipinas.

"At saka itong si Serena, sadista 'to. Mahilig manakit! Mahilig manghampas at mamalo. Kita mo naman kanina? Hinahampas ako at tinusok pa ng tinidor." Sabi ni Kuya. Tumawa naman ng malakas si Damon. Napailing naman ako. "Sige lang, Kuya Bryle. Siraan mo lang ako." Sabi ko.

Kuya Bryle raised his both hands in defeat. "I'm just telling the truth, Bon!" Tumawa lalo si Damon kaya hinarap ko siya. "Sige, tawa ka din dyan! Hmp!"

His Naughty Proposal [COMPLETE]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora