Hindi pa rin ako makakibo man lang, naaalala ko kasi kung paano nagalit si Hazel sa akin noon.

"Ella, hindi na ako galit. Sorry kung na-bring up ko pa. Isa pa, may kasalanan din naman ako noon, I treated Liam like an accessory" sabi ni Hazel.

Natahimik lang kami ng sandali. Ang awkward tuloy.

"Anyways, alam ko naman na magiging okay kayo ni Xander" sabi ni Hazel.

"Okay naman siguro" sabi ko at binigyan ako ni Hazel nang nagtatakang tingin.

"May problema ba?" Tanong niya.

"Parang?" Sagot ko. "May minor problem kasi ngayon, but minor lang naman" panimula ko.

"At 'yun ay?" Tanong niya.

Pinaliwanag ko sa kanya 'yung sitwasyon namin kay Tess. Nung natapos ako ay medyo nakasimangot na si Hazel.

"Nagkita sila ni Xander sa US pero nag-assume na girlfriend na agad?" Tanong niya.

Tumango lang ako. "Ganito kasi, ginamit lang niya si Xander para maipakita sa friends niya na may boyfriend pa siya" paliwanag ko.

"Tss... Iba na lang sana kamo ang kinuha niya. Nahiya naman ako diyan" naiirita na sinabi ni Hazel. "Buti 'di mo sinabunutan"

Natawa naman ako. "Ayoko naman ng ganun, kaya nga umalis ako"

"Iniwan mo siya ng kasama si Tess?!" Napahampas bigla si Hazel sa mesa kaya napatingin sa amin 'yung ilang estudyante.

"Kaysa naman mapaaway pa ako" dahilan ko.

"Nako... Ella, Ella, Ella" sabi niya habang umiiling pa. "At times like this, dapat bantayan mo si Xander ng 24/7!" Sabi niya.

"Ha?"

"Sa sobrang gwapo ba naman nung manliligaw mo, marami rin na magkakagusto diyan. Maraming pwedeng umagaw diyan. Hindi mo masabi" paliwanag niya habang ginagalaw pa niya 'yung mga kamay niya.

"Loyal si Xander" katwiran ko.

"Yeah right, lalaki pa rin iyan" sabi ni Hazel sabay inom nung drinks niya.

"Iba si Xander" dagdag ko pa.

"Nasabi ko na rin iyan" kontra ni Hazel.

"Nagbibigay ka ba ng payo o nagpapaka-bitter?" Tanong ko.

Napanguso naman si Hazel. "Probably both"

Huminga na lang ako nang malalim. "Okay ka na ba talaga kay Liam?" Tanong ko.

"Ella, ikaw at si Xander ang pinag-uusapan" sagot niya.

"I know, pero syempre naaalala ko pa rin 'yung sa inyong dalawa" sabi ko. "Kasalanan ko pa rin kasi iyon"

Hinawakan naman ni Hazel 'yung kamay ko. "Okay lang kami ni Liam, okay? Hayaan mo na maging bitter ako but ayos lang naman ako" nakangiti niyang sinabi.

"'Wag ka ng iiyak nang dahil sa kanya, ha?"

"Hindi na" umiling siya. "Ang ganda ko kaya, maraming mas gwapo pa na manliligaw sa akin" biro niya at natawa naman ako.

"Wow, ikaw na ang confident" sabi ko. Pero totoo naman, ang ganda kaya ni Hazel.

"Sino mas maganda, ako o si Tess?" Tanong niya.

"Malamang sa ikaw" sagot ko.

"Echosera, may galit ka lang kaya kay Tess" sabi niya at parehas lang kaming nagtawanan.

Naunang tumigil si Hazel ng pagtawa. "Si Xander, oh" turo niya.

Lumingon ako at nakita kong papalapit sa amin si Xander, wala si Tess. Binati siya kaagad ni Hazel saka kinamusta. Naupo naman si Xander sa tabi ko.

BitterELLA : Move on na ba Talaga? (#Wattys2016)Where stories live. Discover now