Canada

1.6K 25 1
                                    



"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" ..batid ko ang pag-aalala ng bestfriend kong si Jessey habang nag iimpake ako ng gamit

"Oo naman bf, hindi naman pwedeng habang buhay akong magmumukmok dito. Sapat na yung tatlong taon na para sa sarili ko. Isa pa naaabala ko na din kayo ni Riri dito, tsaka pumirma na ako ng contract dun sa modelling agency sa Pinas kaya kailangan ko talagang bumalik" ..sinigurado ko sa mga salita ko na okay na ako, para di na rin siya mag-alala.

"Bf, alam mo namang kahit kailan hindi ka naging abala samin. Tsaka what's this contract thingy sa Pinas, akala ko ba ayaw mo na that's why you stop accepting offers" ..hindi pa rin siya kumbinsido na okay na ako kaya nag side hug ako sa kanya "Bf, okay na talaga ako. Wag ka ng mag-alala" .. napangiti naman siya at inakbayan ako. Nakangiti naman si Riri samin at ginantihan ko din siya ng ngiti

"Flight 0830 to Philippines.." ..napalingon ako ng tinawag na ang flight ko at kinuha ko na ang luggage ko.

"Basta kung ano mang mangyari, andito kami ha. Pwedeng pwede kang bumalik dito" ..paalis na ako at lahat pero etong bestfriend ko, di talaga matigil hay. Kaya naman nilapitan ko na siya at hinug para kumalma na din sya. "Alagaan mo bf ko ha. Nako babalian talaga kita pag pinabayaan mo to"..natatawa kong sabi kay Riri at nag hug din kami

"Welcome ka lagi dito, tandaan mo yan. Ingat ka dun ha. Ikamusta mo nalang kami sa kanila" ..paalala sakin ni Riri, tumango nalang ako at nginitian siya. Nag hug uli kami ni Jessey at hinigit ko na ang maleta ko at tumalikod na sa kanila. Naglakad na ako pabalik sa realidad.


-


Hi guys, salamat sa lahat ng nagbasa at natuwa sa oneshot story na Library. So now, I'm going to make not a oneshot but a short story nalang muna. Busy pa eh. Christmas gift ko na to so hope you enjoy!




Chances (KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon