"Maam kayo na lang mag-grupo samin! " napatakip ako ng bibig nang masabi ko ng malakas ang nasa isipan ko.

Lumingon sa akin lahat ng mga kaklase ko at tinignan ako ng nagtatakang tingin.

" Ay! May tao pala dyan sa likod" sabi ni Jenna at dahil dun ay nagtawanan ang lahat ng mga classmates ko.

Napayuko na lang ako dahil patuloy nila akong pinagtatawanan. Ano ba Krystal? Last three months mo na nga lang dito palalalain mo pa yung sitwasyon mo?

" Tahimik!! Pasensya na binibining Krystal pero susundin natin ang gusto ng mas nakararami." Sabi ng teacher namin.

Eto yung ayaw ko eh.

Nagu-umpisa nang maghanap ng mga ka-grupo ang mga kaklase ko habang ako eto nagmamasid na naman sa kanila.

Masaya silang nakikipag-grupo sa mga kaibigan nila. Wala na naman akong makaka-grupo.

Wala naman kasing gustong makipag-grupo sa akin. Kaya eto yung pinaka-ayaw ko na part ng pinaka-ayaw kong activity ng school. Yung kayo mismo ang pipili ng mga makaka-grupo nyo.

Maya maya ay mukhang karamihan ay meron nang kagrupo habang ako ay wala pa rin.

" Uy wala pa akong ka-grupo " napalingon ako dun sa nagsalita at biglang lumiwanag yung mukha ko.

Wala pa palang ka-grupo si Ysabelle, sya yung isa sa mga medyo mabuti ang turing sa akin dito sa classroom. Kahit hindi ko sya gaanong ka-close ay kinakausap naman nya ako pag nagtatanong ako.

Nagkaroon ako bigla ng di ko inaasahang lakas ng loob na i-approach sya.

"Ysay? Wala ka pang ka-grupo? " pagtawag pansin ko sa kanya.

Lumingon naman sya sakin at alanganin ang ngiting sumagot " Oo eh " sabi nya at agad na humarap sa mga kaibigan nya upang pilitin na isali sa kanila.

Napahinga muna ako ng malalim. Kelangan kong may maka-grupo sa final project namin kasi malaki ang percentage ng project pag final quarter na.

" Uhmm.. Y-ysay.. A-ano tayo na lang magka-grupo" buong lakas ng loob kong tanong sa kanya.

Puno nang pag-asa kong inaantay ang sagot nya nang sumenyas sya ng sandali at muling nagpalinga-linga sa room namin.

" Ahm.. Meron na kasi akong ka-grupo eh" sabi nga sabay nagpumilit pa rin sa mga kaibigan nya.

Naglaho lahat bigla ng pag-asa na kaninang nasa puso ko. Ang sakit nun ah, akala ko pa naman papayag sya dahil sya lang naman ang medyo nakaka-usap ko pero eto nga...

MARAMING NASASAKTAN SA MALING AKALA

Pinilit ko ang sarili kong hindi maiyak. Siguro Plan B na lang ako.

Ang kausapin ang teacher namin na magi-individual project na lang ako.

Eto lagi ang nagagamit kong plan kasi palagi rin namang bigo ang plan A ko. Haaay!! Mukhang maghihirap na naman ako ng isang linggo dito.

Pagkatapos ng klase ay agad na rin kong nagpunta ng parking para maka-uwi na rin ako agad.

I can't take another disapointment this time. So much for that.

Maya-maya ay nakarating na ako agad sa mansyon naming bahay na walang tao. Hindi kasi pinapayagan ni mom na makakita ng katulong kung saan saan kahit na naglilinis sila.

Natuwa ako nang makita ko si mom na nasa sala. Sa wakas, may isa sa kanila na makakasama ko ngayong gabi.

Honestly, 3 months na silang hindi umuuwi dito ng gabi. Yung time na nag-away sila ay umalis sila kaagad kaya ako na naman mag-isa nung gabing yun.

Pero there she is, mukhang mapapalitan ng kasiyahan yung naramdaman ko kanina.

Agad akong lumapit sa kanya " Hi, good evening mom" bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi nya.

"Good evening Krystal. Change your clothes because we're having dinner out, hurry up" nakangiting sabi sa akin ni mom.

Lumiwanag ang mood ko at buong siglang nag-ayos para sa dinner namin.

Kahit na kelangan kong mag heels ngayon ayos lang dahil makakasama ko naman si mom sa special dinner na to.

Actually, this is the first time na mag-dinner kami nang walang occassion or walang ka bussiness deal si mom.

Napalingon ako sa pinto nang makarinig ako ng mahihinang katok.

"Good evening Señorita Krystal kami po ang mag-aayos sa inyo ngayong gabi." nakayukong banggit ng katulong nang buksan ko ang pinto.

Teka? Bakit kelangan pa ng ganito?

Mukhang hindi pala ito yung inaantay ko na special dinner with mom.

Bussines dinner pala to.

Ilang beses ba akong madi-disappoint ngayong araw?

Maya-maya nakarating na kami ni mommy sa Harrison Hotel, isang five star hotel, na pagdadausan ng birthday ng nililigawan nyang bussiness partner.

And as we walked ourselves inside the venue ay panay ang paalala sa akin ni mommy ng mga do's and dont's.

"Stay polite everytime Krystal. And please, be elegant and move with grace understood?" buong diin na paalala sa akin ni mommy.

"Yes mom" matamlay kong sagot sa kanya.

Eto na naman ako, kelangan ko na namang umarte na maganda ang pagpapalaki sa akin at na close na close ako sa parents ko.

Pwede na ata akong mag-artista kasi lagi naman akong pina-practice nila mom and dad.

Okay KRYSTAL LIER AND PRETENDER MODE ON!

Only ExceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon