CHAPTER XXIV Whatever it takes

20.4K 332 19
                                    

Ilang araw ng hindi umuuwi si Alexis simula ng mangyari yun,tinatawagan ko sya pero naka off ang phone nya..nag aalala ko para sa kanya at nasasaktan ako sa nangyayari samin..gustong gusto ko ng makita si Alexis..sa mga araw na hindi ko sya nakakasama duon ko nalalaman kung gaano sya kaimportante sakin..napakalaki kong tanga para gawin yun sa kanya…

“Anak may problema ba kayo ni Alexis? Ilang araw na syang hindi umuuwi ah”-sabi ni mom

 Hindi ko masabi ang totoong dahilan kaya minabuti kong wag na lang magsalita.

“Puntahan mo sya sa office nila at kausapin mo…ang mag asawa pag may problema pinag uusapan yan”-sabi ni mom

Tama si mommy kaya nagpunta ako sa office ni Alex at duon nakita ko sya habang may nakaakap sa kanyang ibang babae.

“Alex???”

Tinawag ko si Alex at napalingon sya sakin at pinuntahan ako pero sumunod din yung girl.

“Bakit nandito ka?”-tanong ni Alex

“Ilang araw ka na kasing hindi umuuwi nag aalala kami ni mommy”-sabi ko

“Eh sino pa ba ang dapat nyang uwian dun? Hindi naman sya mahal ng asawa nya..”-sabi ng girl

Hindi ko alam kung sino yung babae na to pero hindi sya sa akin pinapakilala ni Alex

“Hi…I’m Stephanie…ex ni Alex”

Kusang nagpakilala sakin ang babae pero halatang galit sya at ayaw sa akin,kaya inaya na ko ni Alexis palabas.

“Ano bang ginagawa mo dito…bakit hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka?”-sabi ni Alex

“Paano kong sasabihin sayo eh laging naka off ang cp mo,Alex ano to? Bakit kasama mo ang ex mo at nakaakap pa sya sayo?”-sabi ko kay Alex

Nasaktan ako sa nakita ko pero pinauwi na ko ni Alex…kaya  ba sya nanlalamig sakin nun dahil meron na syang iba..dahil bumalik na ang ex nya?

Ilang oras lang sumunod na pauwi si Alex.. dumiretso sya sa kwarto kaya sinundan ko sya..nahiga lang sya at humiga rin ako sa tabi nya..

“Alex…I’m sorry…” TT.TT

Hindi sya nagsasalita kaya mas lalo akong nasasaktan…

Bumagon si Alex at nagbibihis pero pinipigilan ko sya.

“San ka na naman pupunta? Pupuntahan mo na naman yung ex mo? Hindi…hindi ka aalis”-sabi ko kay Alex habang nakaharang sa pinto

Nagpupumilit umalis si Alex kaya pinagbabato ko sa kanya yung mga unan..

“Cathy tumigil ka na!huwag kang umarte na parang may halaga ko sayo! Alam ko naman kung ano lang ang gusto mo….pera lang…dahil una pa lang hindi mo na ko minahal,sa bawat oras na hahalikan kita umiiwas ka at sa bawat I love you na sasabihin ko hindi mo matugunan,isa pa nabasa ko lahat ng conversation ninyo ng Arvin na yon..kaya please lang tumabi ka na dyan”-galit na sabi ni Alex

Nasampal ko sya sa sinabi nya..Hindi ko akalain na alam pala nya, kaya pala nagbago sya at nanlamig sakin…

“Sorry Alex..Hindi !Alex hindi…asawa pa rin kita..hindi ka aalis,kung aalis ka sasama ko.”

Ayokong umalis si Alex dahil alam ko na pupuntahan lang nya ang ex nya at hindi ako papayag dun.

“Ok…fine…hindi na ko aalis tumigil ka lang..”-galit na sabi ni Alex

Lumabas sya at lumipat ng kwarto….nahihirapan na ko sa sitwasyon ko..bakit ba kasi sinayang ko ang pagtitiwala at pagmamahal na binigay nya sakin.

Marrying a Stranger (girlxgirl)Where stories live. Discover now