CHAPTER IV Trying hard

21.3K 385 0
                                    

“Anak…Cathy..umuwi na tayo anak..ok na ko”

   Nagising si mommy at hindi ko alam kung dapat kong sabihin na may breast cancer sya.

“Mommy hindi pa kayo ok,wag ka na po masyadong mag isip,magpalakas ka mommy,mayamaya nga po pala si Gail ang magbabantay sa inyo kasi po may work ako”-sabi ko kay mom

  Kailangan kong kumayod ng doble para kay mommy pero pano? Kailangan matustusan ang tuluyang gamutan ni mom para maagapan ang sakit nya..naiisip ko si Dad kung hindi sya naging talamak sa sugal hindi mangyayari to pero huli na para sisihin ko pa sya.

“Hello friend…oh gising na pala si tita”-si Gail dumating na para sya ang magbantay kay mom

“Friend ikaw muna bahala kay mom,eto yung pera kung sakaling may ipabiling gamot para sa kanya”

  Naibigay ko kay Gail ang huling pera ko para kung sakali na kailangin ni mommy may perang magagamit.

“Mommy…Gail pasok na muna ko ha…Gail si mommy ok?”-sabi ko habang paalis.

 Ilang minuto lang nakarating agad ako sa event,pero kahit anong rampa ang gawin ko hindi talaga sasapat yun,kailangan doble o triple pa ang trabaho ko,pero parang napaka imposible na mangyari na pwede kong pag sabay sabayin ang tatlong trabaho.

“Cathy…bakit nakatayo ka pa dyan,bilisan mong magbihis at mag start na ang event”-sabi ni Direk

 Minsan hindi ko maiwasang matulala sa nangyayari sa buhay ko.

Marrying a Stranger (girlxgirl)Where stories live. Discover now