CHAPTER II The beginner

24.5K 423 3
                                    

    Ilang araw na rin akong nagwowork as a model sa isang company at kumikita na rin ako unti-unti,natutulungan ko na si mommy ngayon,nasasanay na rin ako sa work ko at sobra ang pasalamat ko sa Diyos dahil binigyan nya ko ng chance tulad nito at nagpapasalamat din ako kay Gail.

“Girls magready na kayo,malapit ng mag start ang show”-sabi ng isang staff sa company na pinapasukan ko

  May event kami ngayon,rarampa kami para mag endorse ng mga bagong damit at mga bagong style,nasanay na akong rumampa at ang sarap sa pakiramdam.Nasanay na rin akong humarap sa maraming tao,para bang nagkaruon ulit ako ng pag asa para maibalik yung dating buhay na meron kami ni mommy.Hindi ganun kalaki yung kita ko pero pwede na kesa sa wala.

  Ilang oras din tumatagal ang event kaya nakakapagod din rumampa ng pabalik balik.

“Ganda mo talaga teh”

Si Gail ang nagsalita,kasama ko sya sa dressing room,sya rin kasi ang nag aayos sakin at namimili ng dapat kong isuot.

   Masarap rin ang may kaibigang bakla,hindi ka na maiinip may mapagkakatiwalaan ka pa at masasabihan ng problema,mula pa ng simula best friend na talaga kami ni Gail.

  Ilang sandali lang natapos na rin ang event at umuwi na kami ni Gail.

Marrying a Stranger (girlxgirl)Where stories live. Discover now