CHAPTER IX Right by your side

19.9K 371 4
                                    

Pumayag ang doctor na maiuwi na si mom pero tuloy tuloy pa rin dapat ang chemo nya,kaya masayang masaya kami ni mommy na sa wakas makakalabas na kami sa hospital,si Alexis ang nagbayad ng lahat ng bills namin at eto sya rin ang maghahatid samin pauwi…medyo malapit lang ang bahay namin sa hospital kaya mabilis rin kami nakauwi…pero pagdating namin sa bahay lahat ng gamit namin nasa labas na,may isang linggo kasi akong hindi nakauwi sa bahay dahil nakabantay ako kay mommy ang huling uwi ko eh yung kumuha ko ng mga damit.

“Anak…Cathy…bakit nasa labas na ang mga gamit natin?”-sabi ni Mom

“Wait mom…alex…titingnan ko lang para malaman”-sabi ko

 Nang pagkababa ko ng sasakyan may lumabas sa pinto na babae at sinabing sila daw ang bagong umuupa sa bahay,hindi na raw kami nakakabayad sabi sa kanila ng may ari ng bahay ,kaya iniliabas na ang mga gamit namin at kinuha ang mga natira naming mga appliances,halos manlumo ako,akala ko ok na lahat tapos problema na naman.

“Cathy what happened?”-Alex said

“Pinaalis na kami…may bago ng nakatira rito..”-sabi ko kay Alex sabay kuha ng mga gamit namin

Tinulungan nya ko na dalhin lahat ng mga gamit namin at isinakay lahat sa sasakyan nya.

“Cathy pwede kayong tumira ni tita sa bahay namin,ako na lang mag isa dun at gusto ko rin ng makakasama”-Alex said

 Hindi ko alam kung dapat ko bang tanggapin yung offer nya napakarami na rin kasi nyang naitulong sakin,kahit pa sabihin na ikakasal kami hindi naman pwedeng lahat na lang sya,nahihiya rin ako at nagiguilty dahil napaka buti nyang tao.

“Alex nakakahiya,hahanap na lang kami ng bagong mauupahan ni mommy”-sabi ko

“Hindi…alam mong kakagaling lang ni tita sa hospital at kusang loob ko inooffer sayo to,wag ka nang mag alala ok,sige na tara na”-sabi ni Alex

Dahil sa pilit ni Alex pumayag na rin ako at tama sya kakagaling lang ni mom sa hospital.

Ilang saglit lang dumating na kami sa bahay ni Alexis,napakalaki nito para sa kanyang mag isa,mansion ang bahay nya at apat na sasakyan ang nakaparada,may swimming pool,malaking garden at napakaganda ng bahay,pero nakakalungkot na mag isa lang sya na mga katulong lang ang tanging kasama nya.

Marrying a Stranger (girlxgirl)Where stories live. Discover now