CHAPTER XX Secret Affair

19.4K 307 11
                                    

“Hon…dadalin ko lang si mom sa hospital,chemo kasi nya ngayon”-sabi ko kay Alex

Gusto nga nya na ihatid pa kami pero hindi na ko pumayag dahil may work pa sya.

Nang makapunta kami sa hospital pinapunta na si mom sa room para ichemo…

“Hi…Catherine?”-sabi ng lalaki

“Yes? Sino ka?”

Hindi ko kilala ang lalaki pero namumukhaan ko sya,gwapo sya at matangkad para bang nakita ko na dati.

“I’m Arvin,kasama mo ko sa modelling nun,hindi mo na ba ako naaalala?-sabi ng lalaki

Kaya pala parang nakita ko na sya at pamilyar ang hitsura nya.

“Ahhh..oo nakikita nga kita”-sabi ko

“Mabuti naman naaalala mo na ko,matagal ko nang gustong lapitan ka nun pero walang pagkakataon,tapos eto kausap na kita,bakit hindi ka na nga pala nagmomodel ngayon?-Arvin said

Hindi ko alam ang ibig nyang sabihin pero kinuha nya ang number ko at tinawag na ko sa loob para iassist si mommy…

“Hi Catherine ^__^”-text ni Arvin

 Nagtext agad sya sa akin,nireplyan ko rin naman sya….hanggang matapos ang chemo ni mommy at makauwi sa bahay ay katext ko si Arvin,nag eenjoy ako na katext sya.

“Honey I love you”-text ni Alexis

Kasalukuyan syang nasa work at minabuti ko na lang na hindi magreply kesa magsinungaling na mahal ko rin sya hanggang ngayon kasi hindi pa ko sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya.

“Arvin calling”-tumatawag si Arvin kaya sinagot ko,nag aaya syang lumabas

Hindi ko alam kung dapat ba kong sumama pero alam ko sa sarili ko na gusto ko talaga nag aaya kasi sya na manuod ng modelling,rarampa kasi sya at isa pa namimiss ko na rin na rumampa.

Buong araw ko yata nakatext si Arvin at nag eenjoy ako na katext sya.

“Hon….kamusta pagpunta sa hospital tumatawag ako kanina pero busy yung phone mo”-kakarating lang ni Alex galing work

“Ahh..ahh ok naman hon…ah si Gail kasi kausap ko kanina”-sabi ko

Nabubulol ako sa sinabi ko,nakuha kong magsinungaling kay Alex..ayoko rin naman na may isipin sya pag nalaman nyang lalaki ang kausap ko.

Marrying a Stranger (girlxgirl)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt