"It's been a long time," kaswal pang sabi ni Madam Erlinda habang pasimpleng hinahagod nang tingin ang kabuuan nito. "By the way, I would like you to meet Austin, my son and his girlfriend, Natalia," pakilala pa sa amin ni Madam Erlinda na pasikreto pang kumindat sa akin. Gusto ko man sana tumutol ay bigla akong nahiya. Alam kong mabuti lang din ang intensyon nila, pero hindi pa rin ako komportable. May bahagi sa aking parang nakatali pa rin kay Vaughn.

"Oh, what a pleasant surprise." Sarkastiko pang ngumiti si Marcia na para bang hindi makapaniwala sa narinig. "It was so nice to meet you Austin. I heard a lot about you." Nakangiti pa niyang sabi at binalewala ang aking presensya.

"Thank you," pormal namang tumango si Austin at naramdaman ko ang kamay niya sa backrest ng upuan ko.

"Oh well, ayoko namang masira ang araw ninyo. But Austin, just a piece of advice. You're a handsome and rich guy, mag-iingat ka lang sa mga nagkalat na linta na puwedeng sumipsip sa yaman mo. Ang dami kasing ganyan ngayon. Alam mo na..." makahulugan pa niyang sabi habang pinapaulanan ako nang matatalim na tingin.

Kinuyom ko ang aking palad at nagpigil nang emosyon. May tamang panahon para sagutin ko ang mga ibinibintang niya sa akin. Sa ngayon, pagbibigyan ko siya dahil ayoko namang ipahiya ang mag-inang Briones. Naging mabuti sila sa akin. Alam man nila ang aking nakaraan ay ayoko pa rin silang idamay sa gulo ng buhay ko.

"Thanks for your concern, Ma'am. But you know what? I am a very lucky guy with my girlfriend. She's so far the best," nakangiting sabi pa ni Austin at malamlam ang mga matang tumitig sa akin. Tipid akong ngumiti at mabilis ding nag-iwas nang tingin dahil hindi ko kayang tagalan ang tingin na iyon.

Muli akong napatingin sa kinalalagyan ni Vaughn na madilim pa rin ang mukha at parang irritable.

"Enjoy your dinner." Mapakla pang ngumiti si Marcia bago tuluyang lumayo. Napahugot ako nang isang malalim na buntong-hininga at pinisil lang ni Madam Erlinda ang aking kamay.

"You'll be fine, Nat. Nandito kami para sa'yo." Matamis pang ngumiti si Madam Erlinda sabay haplos sa aking pisngi. Hindi ko alam kung bakit sobrang bait nila sa akin. Daig pa nila si Nanay Tere sa pagpapakita nang malasakit sa akin. Ramdam ko ang pagturing nila sa akin bilang pamilya.

"Salamat po." Tumango ako at muling tumingin kay Austin na malamlam pa rin ang mga matang nakatitig sa akin.

Pero agad ulit akong nag-iwas nang tingin dahil ayokong bigyan nang kahulugan ang ipinapakita niya ngayon. Hindi ako handa sa relasyon. Mabuting tao si Austin, pero hindi ko pa rin makuhang magtiwala nang buo. Tinanggap din ako ni Vaughn noon. Pero alam kong hahabulin ako nang nakaraan ko at alam ko ring tulad ni Vaughn, hindi matatanggap ni Austin iyon. Ikakahiya rin niya ako balang araw. Kung nagiging mabuti man silang mag-ina sa akin, alam kong dala iyon nang awa at wala nang iba pa.

Matapos ang magarbong dinner na iyon ay agad na rin namang nagyayang umuwi si Madam Erlinda. Nakahinga ako nang maluwag at kanina ko pa rin gustong umuwi. Muling nagkrus ang landas namin ng mga magulang ni Vaughn pero wala naman silang sinabi dahil na rin sa presensya ni Madam Erlinda at Austin.

Pero hindi pa man kami nakakalabas nang tuluyan sa lobby ng hotel ay agad kong narinig ang malakas na boses ni Vaughn na tumatawag sa akin. Wala sana akong balak huminto pero mabilis siyang nakaharang sa aking harapan.

"We need to talk, Natalia," seryosong sabi pa niya sabay hawak sa aking kamay.

"Bitiwan mo ako," mahina ngunit matigas na sabi ko pa at alalang napatingin sa paligid namin. Ayoko nang gulo.

"Let her go, Vaughn," mahinahong singit pa ni Madam Erlinda. "Natalia is Austin's girlfriend. Give my son a little respect will you?"

Agad na nagdilim ang mukha ni Vaughn at kunot-noong napatitig sa akin.

"That's just impossible, Madam," pormal naman ding sagot ni Vaughn sabay taas sa daliri ko at walang sabi-sabing isinuot ang singsing na ibinalibag ko na sa kanya kanina. "She's my fiancée."

"Ano bang?!" Matalim ko siyang tinitigan, pero tanging ismid ang isinagot niya a akin.

Tangka ko sanang aagawin ang aking kamay para muling hubarin ang singsing, pero mas hinigpitan pa niya ang hawak doon.

"That was before, Vaughn. Hindi na ngayon," mahinahong sabat ni Austin na halatang nagpipigil lang din.

"We never had a formal break up. I am sorry, but I am never letting her go," matigas pang sabi ni Vaughn sabay baling ulit sa akin. "You're still in love with me, Natalia and I still feel the same way. We can fix this."

Pinilit kong paglabanan ang luha at inagaw ang kamay kong hawak niya. Mabilis kong inalis ulit ang singsing at muling ibinalibag iyon sa kanya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan. Hiwalay na tayo. Malinaw na ba?" Sarkastiko akong ngumiti at agad na rumehistro ang lungkot sa kanyang mga mata.

"You're not breaking up with me. No way. I wouldn't allow that," naguguluhan pa niyang sabi at nagsusumamong tumitig sa akin.

"I just did," maagap ko pang sagot sabay hawak sa braso ni Austin. Tila naintindihan naman niya ang ibig kong ipakahulugan at mabilis naming tinalikuran si Vaughn na tulalang nakatitig sa singsing na muling nalaglag sa kanyang paanan.

Pumarada ang magarang sasakyan ng mga Briones sa aming harapan at agad na rin kaming sumakay doon. Pagkaupo ko pa lang ay agad na naglandas ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ito na nga siguro ang closure na kailangan ko. Dapat na akong magmove on at kalimutan na si Vaughn.

Nang makauwi kami sa mansion ay agad akong nagdiretso sa kwarto at doon ibinuhos ang luha ko. Matapos ang lahat ng mga nangyari, alam kong walang nabago sa nararamdaman ko para kay Vaughn.

Mahal ko pa rin siya.

Sa kabila nang ginawa niyang pagtalikod, mahal na mahal ko pa rin siya.

Magpapalit na lang sana ako ng damit nang makarinig ako ng katok sa pinto. Pagbukas ko noon ay bumungad ang mukha ni Madam Erlinda na alalang tumitig sa akin. Hindi ako makakapagkaila dahil nasisiguro kong namumugto ang aking mga mata dahil sa pag-iyak.

"Puwede ba kitang makausap, Nat?"

Tumango ako at itinodo ang bukas ng pinto para papasukin siya.

Naupo kami sa munting sofa malapit sa bed at malungkot pa siyang tumitig sa akin.

"I need to tell you something, Nat," seryosong sabi pa niya at ito ang pangalawang pagkakataon na mag-uusap kami nang masinsinan. Ang una ay noong tanungin niya ako sa eskandalong kinasangkutan ko noon kay Charlie. Nand'un pala sila noon at nawitness nila ang mga nangyari.

"Tungkol po saan?" takang tanong ko pa at pasimpleng dinaanan ng daliri ang mukha kong baka basa pa rin ng luha.

"About your father, Nat."

Kumunot ang aking noo at takang tumitig sa kanya. Kilala niya ang Tatay ko?

"Kilala n'yo po ang Tatay ko?" Hindi ko na rin napigilang magtanong.

"Yes, Nat," tumatango pa niyang sagot at parang nananantiyang tumitig sa akin. "He's my husband's brother."

Napaawang ang aking labi at parang 'di pa rin maproseso ng utak ko ang kanyang sinabi.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now