Chapter 12

120K 2.7K 154
                                    

CHAPTER 12

VAUGHN CRAIG's POV

After that kiss from Natalia I didn't think I got enough sleep. Damn! Ano bang nangyayari? It wasn't even torrid! Smack nga lang 'yun! Fvck! Get a grip of yourself!

Maaga pa lang ay nakatanggap na rin ako ng text galing kay Sam. Nagpapasama sana siya mamasyal pero wala ako sa kundisyon kahit pa ang pagpasok sa opisina.

Paglabas ko ng kwarto ay agad kong nakita si Natalia na abalang nagluluto. This is weird. Hindi ako sanay na may ibang babaeng gumagamit ng aking kitchen.

"Good morning," pormal namang bati ko at agad naman siyang napalingon sa gawi ko. She looked nervous though.

"G-good morning..." Tipid naman siyang ngumiti at agad kong napansin ang pamumula ng kanyang pisngi.

"How was your night?" Naglakad ako palapit at tila taranta pa niyang kinagat ang kanyang labi habang mabilis na inambunan nang tingin ang aking mukha.

"Maayos lang," nahihiya pa niyang sagot at muling itinutok ang atensyon sa pagluluto. "Sorry, pinakialaman ko na ang kusina mo. Sa ganitong paraan makabawas man lang ako," mapait pa niyang sabi kasabay nang mapaklang ngiti. She's obviously uncomfortable.

"What are you cooking?" Dinungaw ko ang kanyang niluluto at noon ko lang napag-alaman na noodles lang pala iyon. I thought it was something special. My senses wasn't working right. Damn.

"Hindi ko kasi alam if heavy meal ba ang kinakain mo sa umaga. Wala akong makitang pagkain sa ref mo... Kaya eto..." Ngumiwi pa siya na parang nahihiya.

"Hindi ako kumakain dito. Though I can cook pero wala lang talaga akong panahon." At hindi ko na rin matandaan kung ilang beses ko pa nga lang ba nagamit ang kitchen.

"Ahh..." Marahan lang siyang napatango at agad na ring pinatay ang stove. "Kumain na tayo," Kayag pa niya at wala ako sa sariling napatango habang pinagmamasdan ang kanyang kilos.

Naghain siya ng noodles sa mangkok habang medyo nanginginig ang kamay. She seemed really nervous. Nakakatakot ba talaga ang kagwapuhan ko? Hmm...

Kakaiba si Natalia sa lahat ng mga babaeng nakilala ko. Sa galaw pa lang ay alam ko nang wala siyang arte sa katawan. At kahit pa wala siyang make-up ay ang ganda-ganda niya talaga. She's beautiful like Sam. Kagandahang 'di nakakasawang tingnan. Though I've dated a lot of beautiful woman on my existence, hindi ako naging ganito kainterasado kahit na kanino. There was something in her that pulled me. It must be my d!ck doing the thinking, huh?

Pinagsaluhan namin ang mainit na noodles at kahit pa ilang beses na akong nakakain nang ganito ay parang kakaiba ang sarap nang pagkain ko ngayon. Or is it maybe may kasalo ako this time? Weird... Am I starting to get sentimental? Gay. Fvcking Gay.

"Was your mother been treating you like that ever since?" I needed to ask. Ang hirap kasi paniwalaang may ganoong klaseng ina.

Mapait lang siyang ngumiti at tila nag-aalangang sumagot.

"Um, she's my stepmother. Matagal nang wala ang nanay ko."

"Oh, I'm sorry about that." Bahagya lang akong napatango at marahan lang siyang napangiti sabay iling.

"It's okay."

"So, you're really Cinderella in a modern world, huh?" Hindi ko napigilang ngumiti dahil sakto naman pala ang itinawag ko sa kanya. And, she's got that innocence that fit for Cinderella.

Sa halip na sumagot ay mapait lang ulit siyang ngumiti at muling sumubo ng noodles. For the first time, I think I run out of words to say. I felt the need to comfort her but I just didn't know what the right words are.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now