Chapter 9

105K 2.9K 96
                                    


CHAPTER 9

VAUGHN CRAIG's POV

I really got pissed this time. At 'yung sinabi ko kay Natalia the other week ay pinanindigan ko talaga. I didn't go to that club again. I dated Sam and made out with her most of my free time. I thought every thing was going to be easy. But I was so wrong. This thing with Natalia was bugging me.

"What the fvck are we doing here, dude?" irritable pang tanong ni Terrence na himalang nakahon ko ngayon.

Nakatambay kami hindi kalayuan sa tinitirhan ni Natalia. With the help of her co-workers sa carinderia na pinapasukan niya ay nalaman ko ang exact address niya.

"Will you just stop asking?" matigas pang sabi ko.  Kakamut-kamot naman siya ng ulong lumabas sa aking red Ferrari.

"You're acting like a weirdo." Umismid siya sabay pagmamasid din sa paligid namin. "Do you mind telling me who exactly are we stalking here?" tanong pa niya at gusto kong pagsisihan ang pagsasama sa kanya.

"Nobody," matabang na sagot ko lang. Wala pa ako sa sariling tumingala. It's almost dark and I really didn't know what the hell was going on with my head. This is bullshit. Ano nga bang ginagawa ko rito?

"Are we stalking the girl from the club? The stripper?"

Napabaling ako sa kanya at iiling-iling na tinitigan siya nang masama. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Sana ay hindi ko na lang isinama 'tong gagong 'to. For sure ay hindi niya ako lulubayan sa panunukso. I am hating myself right now.

"Puwede bang itikom mo na lang 'yang bibig mo!" inis pang asik ko at malakas lang siyang natawa.

"Sabi ko na nga ba, e!" Humahalakhak pang sabi niya at wala akong nagawa kundi ang mapailing. Sarap patulugin sa suntok ng gago! "Ton needs to see this."

"You're not fvcking tell him anything!" banta ko pa at muli na naman siyang nagtatawa sa isang gilid. Lumapit siya sa kinakatayuan ko at nanatili ang tingin ko sa two storey house na yari sa kahoy. Mukhang panahon pa ni Maria Clara gawa ang bahay base na rin sa kalumaan. Kahoy pa rin ang bintana na itinutulak lang pasara.

"This is interesting." Nakitingin din ang gago sa bahay na tinitingnan ko at prente pang sumandal sa kotse at humalukipkip. "Gusto mo bang magkaroon ulit nang marka sa mukha?"

"Will you fvcking shut up!" igting ang bagang na sabi ko at gusto ko na siyang busalan sa bibig ngayon.

This was a bad idea. Really bad.

"But wait, dude. Paano si Sam? I thought you like her?" Mataman pa siyang tumitig sa akin habang nagpipigil nang ngiti.

"Idol mo ba si Boy Abunda? Seryoso?" Kumunot ako at muli na naman siyang humagalpak nang tawa. Fvcker.

"Oh no, dude. Nakakapanibago lang kasi. Though you've been like that with Sam, pero now, it's different. You knew nothing about this girl we're stalking right now. Or did you made your research, didn't you?"

"You won't shut your mouth, wouldn't you?"

"If only you'll answer, fvcker," natatawa pang sabi niya at malalim lang akong bumuntong-hininga bago sumagot.

"I am just challenged. Sa dami ng babaeng dumaan sa kamay ko, 'yang stripper pa na 'yan ang hindi ko makuha."

"Whoa..." natatawa pang sabi niya sabay umiling-iling. "You must really like her. Kasi kung hindi, hindi ka naman siguro mag-aaksaya ng oras para habul-habulin pa siya."

"Like I said, I am just challenged. No likes or whatever possibilities you have in mind," pasupladong sagot ko pa habang nananatiling nasa bahay ang mga titig ko. Just what the heck?! Ano nga bang ipinag-aaksaya ko nang panahon dito? Kung tutuusin ay puwede ko naman siyang puntahan na lang sa club pero nauunahan ako ng pride. Hindi ko pa rin lubos maisip na kaya akong tanggihan nang isang kagaya niya! Jeez! She's just a fvcking stripper!

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now