Chapter 17

106K 2.9K 109
                                    


CHAPTER 17

NATALIA's POV

Matapos naming kumain ng dinner ni Vaughn sa isang Chinese restaurant ay saglit muna rin kaming nagpunta sa supermarket para mamili ng mga stocks niya sa suite. Hindi naman din daw niya ugali ang mamili kahit pa mahilig siya magluto. Karaniwan daw kasi ay sa labas na siya kumakain o 'di kaya naman ay nasa gimikan siya sa gabi. Mas marami pa rin daw ang oras na ginugugol niya sa paglilibang kaysa ang pananatili sa suite.

"Get all you need, Cinderella," sabi pa niya habang seryosong kumukuha ng mga imported na de lata.

"Bakit parang ang dami mong kinukuha?" Napamaang ako lalo pa nga't sa buong buhay ko ay 'di pa ako nakapag grocery nang ganoong kadami.

"Dalawa na tayo sa suite. Palagi pa kitang pinapagod kaya ayokong magutom ka," nangingiti pa niyang sagot at alam na alam ko ang pamamagod na tinutukoy niya. Mabilis na nag-init ang aking pisngi. Ang halay talaga ng utak ng taong ito. Buti na lang talaga at gwapo.

"Kung anu-ano na namang tumatakbo sa utak mo," nakairap pang sabi ko.

Nagkibit balikat naman siya at banayad na pinisil ang aking pisngi.

"Ang takaw mo nga, 'di ba?" nanunukso pa niyang sabi.

"Oo na lang." Umirap ako at manipis lang siyang napahalakhak. Hindi ko naman maipagkakaila ang lakas kong kumain. Sa kain ko na lang kasi idinadaan ang stress ko. Pero karaniwan naman ay puro kanin lang at walang ulam. Sanay na nga rin akong asin minsan ang aking inuulam.

"Pero kataka-takang ganyan ang katawan mo kahit mas malakas ka pang kumain sa akin," natatawang sabi pa niya at mahina ko lang siyang tinampal sa braso.

"Hindi naman ako tabain kaya 'wag mo na punahin ang pagkain ko," nahihiya pang sabi ko. 

"Nah, nakakaaliw ka nga, e. Most of the girls I knew, parang ibon lang kumain."

"At ano ang tingin mo sa akin?" Hinarap ko siya at hindi pa man ay parang tawang-tawa na siya.

"I am not saying anything." Nagtaas siya ng dalawang kamay at maluwag na maluwag ang kanyang pagkakangiti. Ang gwapo! "Pero mas mahina naman siguro sa construction worker ang pagkain mo," dugtong pa niya habang pigil na pigil ang ngiti.

"Ewan ko sa'yo, Vaughn." Umirap ako at itinulak ang push cart.

"Ang ganda mo talaga kapag napipikon ka, Natalia," sabi pa niya. At kahit na hindi ko siya lingunin ay alam kong nakangisi siya. Lihim din akong napangiti dahil nakakatuwa rin naman pala ang kalokohan niya.

Pero hindi pa man kami nakakalayo ay ganoon na lang ang gulat ko nang makasalubong namin ang buong pamilya ko!

Bakas din sa mukha nila ang pagkagulat na para bang hindi inaasahang makikita ako roon. Nagdilim ang mukha ni Nanay Tere pati na rin si Andrea na para bang umay na umay sa mukha ko.

"Ate!" naiiyak pang yumakap sa akin si Trina at 'di ko rin naiwasan ang maapektuhan. Miss na miss ko na kasi siya.

"Yna..." Hinaplos ko ang kanyang likod at mas lalo lang kaming napaiyak na dalawa. Nakatitig lang sa akin si Vaughn na para bang naaawa. "Kumusta ka na?"

"Mabuti naman, Ate. Ikaw? Kumusta ka na? Saan ka nakatira?" Magkakasunod pa niyang tanong at noon na kumalas nang yakap sa akin.

Pinunasan ko ang aking luha at pinilit na ngumiti.

"'Wag mo akong alalahanin, Yna. Maayos ako. Ikaw ba? Nag-aaral ka bang mabuti? May baon ka pa ba?" Hinawi ko ang kanyang buhok at pinunasan rin ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon