"Why didn't you call a witness? Sayang naman ang pagkakataong nai-video man lang sana kita," nang-iinis pang sabi ni Dalton at alam kong kating-kati rin siyang makita akong pumapalpak katulad niya. But I am smarter than him. I wouldn't give him the benefit to witness anything.

"I will never give you that chance, dude." Ngumisi ako at natatawa naman siyang umiling.

"What are you planning for your birthday?" seryosong tanong pa ni Tyrone.

"I don't have any," kaswal na sagot ko lang. "Nasa America naman sina mama."

"Maglibre ka naman! Kuripot ka talaga!" natatawang sabi pa ni Terrence.

"I have a plan for that day."  And, most of that plan included Natalia getting naked on my bed.

"All right." Makahulugan pang nakipagngisian si Dalton kina Chance. Ano kayang iniisip ng gagong 'to? "When will your parents be home?"

"Probably early next week," sagot ko bago diretso nang upo. "Same day I planned to introduce Natalia to them."

"It's a big party then." Si Chance na tumangu-tango pa. "Do you need a back-up?"

"I need you guys there. My parents invited a few people closest with the Del Valles. Ayokong igisa nila ako nang buhay doon."

"Gago ka kasi." Si Tyrone na seryosong umiling lang.

"I know. Hindi ko naman din inaasahan 'to. I fell in love with Natalia. There is something about her. I just don't know what. It's hard to explain," nalilito ko pang paliwanag dahil iyon naman ang totoo.  Hindi ko alam kung anong mayroon si Natalia na nakapagpabaliw nang husto sa akin. 

"She's probably good in bed." Si Terrence na ngumisi pa.

"Did she gave you a good blow job?" nakangisi pang tanong ni Dalton at sinamaan ko siya nang tingin pabalik.

"She's all basic, dude," mapaklang sagot ko. "But it doesn't matter and I actually don't care."

"Basic, huh?" Si Chance na nakipag high five pa kay Terrence.

"Pussy whipped." Si Dalton Ace na malakas pang humalakhak.

Pero sa halip na magsalita ay umiling na lang ako at hindi naman din sila titigil sa pang-aalaska sa akin.

~~

After work tulad nang napag-usapan namin ni Natalia ay sinundo ko siya sa Greene's Mall. Plano ko na kasing magsabi sa pamilya niya tungkol sa balak naming pagpapakasal. Gusto ko silang isama sa small gathering na magaganap sa bahay kapag umuwi na ang parents ko galing America.

Saglit kaming dumaan sa isang restaurant para kuhanin ang pagkaing inorder namin. Saktung-sakto sa dinner ang dating namin.

"Sure ka na ba rito, Vaughn?" alalang tanong pa ni Natalia. Hindi ko alam kung bakit parang nagdududa pa rin siya.

"I am 101 percent sure about this, Natalia. Nasabi mo ba sa kanila?"

"Sinabi ko..." nag-aalangang sagot pa niya sabay kagat sa kanyang labi.

"And?"

"Okay lang naman daw."

"What are you worried about then?"

Sa halip na sumagot ay tumahimik lang siya na para bang ang lalim nang iniisip.

"Don't tell me you're changing your mind, Natalia?" Kumunot ako at minsan ay nahihirapan pa rin akong basahin ang tumatakbo sa utak niya.

"No, no..." Mabilis pa siyang umiling at mapait na ngumiti. "Come on, baka naghihintay na sila." Hinawakan niya ako sa kamay at nag-aalangan naman akong tumango.

Pagpasok namin sa kanilang munting tirahan ay agad na bumungad ang pamilya niyang naghihintay sa amin. Sumalubong sa akin si Tita Tere para kuhanin ang mga dala kong pagkain at inilagay iyon sa dining table.

"Good evening po sa inyo," pormal kong bati at mga nakangiti naman din sila sa amin ni Natalia.

"Sa palagay ko ay dapat muna tayong kumain para hindi lumamig," suhestiyon pa ni Tita Tere na nasa kusina na at sinenyasan pa kaming magpuntahan doon.

Tumango lang din si Natalia at kagat ang labi niyang kumapit sa aking braso.

Nagpuntahan kami sa kusina at doon nga ay pinagsaluhan namin ang mga pagkain. Sa totoo lang ay hindi pa rin ako masyadong at ease sa pamilya ni Natalia. I'd seen how they treated her before. Pero mahal niya ang pamilya niya kaya wala akong choice kundi ang pakitunguhan sila nang maayos.

"Sigurado na ba kayo sa papasukin ninyo?" tanong pa ni Tita Tere na bakas din ang pag-aalangan sa mukha.

I cleared my throat at bahagya pang sumulyap kay Natalia na tila kinakabahan. May approval man nila o wala, I will still marry her.

"Yes," diretsong sagot ko dahil wala na ring magpapabago sa desisyon ko.

"Paano ang pamilya mo, Vaughn? Tatanggapin ba nila ang kapatid ko?" seryoso pang tanong ni Andrea.

"I will introduce her to my family by next week. May small gathering na gagawin sa mansion and I would like to invite your presence there if that's okay?" Pinagpalitan ko nang tingin sina Tita Tere at Andrea nang tingin. Si Trina naman ay nanatiling tahimik lang at pangiti-ngiti habang kumakain.

"That's good. At least malalaman ng pamilya mo ang mga plano ninyo," sabi naman ni Tita Tere.

"Yeah, that's my plan." Dinungaw ko si Natalia at nahihiyang ngumiti lang din sa akin. "So, do I get your approval on this, Tita? Can I marry her?" baling ko pa kay Tita Tere.  "But for the record, I will marry her even without your approval.  It's only that Natalia meant the whole world to me and she treated you her only family.  Your opinion on this, is important to her."

Saglit siyang natahimik bago marahang tumango. Hindi ko pa rin matantiya kung masaya ba sila o papaano.

"Ang kasal ay hindi kaning isusubo mo at kapag napaso ay iluluwa mo lang, Vaughn," seryosong sabi pa niya. "Alam mo naman siguro kung saan nanggaling si Natalia. Handa mo ba siyang panindigan sa pamilya mo?"

"Pakakasalan ko po si Natalia, gustuhin man o hindi siya ng pamilya ko," sigurado ko pang sagot at iyon din naman ang gagawin ko. No one will stop me from marrying her. Even if that means going against everybody.

Tumango lang naman si Tita Tere at makahulugan pang nakipagtinginan kay Andrea na hindi ko rin mabasa ang reaction.

Matapos ang dinner naming iyon ay napagpasyahan ko na ring magpaalam.

"Thank you sa pagsasabi mo sa pamilya ko, Vaughn," malambing pang sabi niya.

Tipid akong ngumiti at wala naman siyang dapat ipagpasalamat. It's what I needed to do to make her happy. Gusto ko ring makasiguro siyang seryoso talaga akong pakasalan siya. I'd never been this sure. It's a big step, but I wanted this so bad.

"I will do everything just to prove my intentions, Natalia."

Tipid siyang ngumiti at mabilis akong niyakap. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg at kumpleto na agad ang pakiramdam ko. Saglit akong humiwalay at mariin siyang hinalikan sa labi.

"I love you," sabi ko pa habang paunti-unti pa rin siyang hinahalikan sa labi.

"I love you too."

Those words are enough to make my day.


HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now