"I missed you the whole day." Hinalikan niya ako sa sentido.  Dampi pa lang ng kanyang labi ay nanghihina na ako.  Dinungaw ko ang kanyang gwapong mukha at halos magningning ang kanyang mga mata sa pagtitig sa akin. He's breathtakingly handsome at walang duda roon.

Ipinulupot po ang aking mga kamay sa kanyang baywang at isinandal ang aking ulo sa kanyang malapad na dibdib. Sobrang bango niya at namiss ko talaga ang amoy niyang iyon.

"Can you move in with me again?" seryosong tanong pa niya at noon na lang ulit ako napaangat nang tingin sa kanya.

"Para namang ubra, Vaughn." Ngumuso ako at napabuntong-hininga naman siya.

"Nagsama na tayo sa iisang bahay, Natalia. Wala naman sigurong problema sa inyo."

Napaisip ako at sa totoo lang ay hindi madaling pagdesisyunan iyon sa ngayon.  Nahihiya pa rin naman ako kina Nanay Tere. Hindi ko alam kung sang-ayon ba sila sa gan'un. Kung noon ay hinayaan lang nila ako dahil galit sila sa akin, ngayon ay iba na. Nagbago na sila. At mukhang mahal na rin naman nila ako. Or at least iyon naman kasi ang ipinapakita nila.

"Hindi ko alam, Vaughn. Ayoko namang may masabi na naman sila sa akin," pag-amin ko rin naman.

"Gaano ka ba kasigurong totoo na sila sa'yo?" kunot-noong tanong pa niya at napaisip ulit ako.

Hindi ko naman din kayang sagutin 'yun dahil halos nagsisimula pa lang kami.

"Basta okay na sila sa akin. Wala kang dapat ipag-alala, okay?"

"I want you with me, Natalia. I am craving for you pretty badly."

"Puro naman kamanyakan nasa isip mo." Umirap ako at manipis lang siyang napahalakhak.

"Well, I can't deny that. I missed making love with you. But the thing was, I just want you by my side. That's all that matters to me," seryosong sabi pa niya dahilan para tumagos iyon sa puso ko. Sweet. "Though our physical connection is a plus," pilyong dugtong pa niya at manipis ko lang siyang kinurot sa tagiliran. Napaigtad siya at tumawa.

"Sabi ko na nga ba may kalokohang karugtong 'yun." Umirap ulit ako at kinabig naman niya ako palapit.

"But nah," iiling-iling na sabi pa niya. "Gusto lang kitang kasama ulit. Iyon lang."

Palihim akong napangiti dahil iyon din naman ang gusto ng puso ko.

Hindi naman nagtagal ay dumating ang pagkain namin at masayang pinagsaluhan iyon.


Matapos naming maghapunan ay dumiretso kami sa suite ni Vaughn. Sa elevator pa lang ay hindi na niya mapigilan ang sarili niyang hawakan ako. Ramdam kong sabik na sabik siya sa akin at ganoon din naman ako sa kanya.

Nang makapasok kami sa kanyang suite ay agad niyang hinubad ang kanyang pang itaas habang mapusok na inaangkin ang aking labi. Pakiramdam ko'y nangangapal na ang labi ko sa diin ng kanyang halik. Inihiga niya ako sa sofa habang patuloy akong hinahalikan. Nakakarating na ang kanyang mga kamay sa maseselang bahagi ng aking katawan at mas lalo lang iyong nagpa-init sa aming nararamdaman.

"I love you..." Bulong pa niya habang walang sawa pa ring ginagalugad ang aking bibig. Ni hindi ako binigyan nang pagkakataong makasagot man lang sa kanya.

Halos mapunit ang aking blouse sa marahas niyang paghila at natatawang tinapik ko lang siya sa braso. Napangisi siya na para bang nauunawaan ang aking sinabi pero hindi pa rin tumigil at itinuloy pa rin ang paghalik. Pinaghiwalay niya ang aking mga hita at bigay todong ipinaramdam ang kanyang harapan. Napasinghap ako at hindi pa man ay parang nasasabik na ako sa susunod niyang gagawin.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon