May pagmamahal.

Inalog ko ang aking ulo at mukhang nasosobrahan na nga ako sa ilusyon. Sinong gago ang maiinlove sa kagaya ko? At impossibleng si Vaughn ang prince charming ko.


Matapos ang gabing iyon ay bumalik na kami ni Vaughn sa kanyang suite kinaumagahan. Marami raw siyang trabaho sa opisina na kailangan pa niyang tapusin. At mas gusto ko rin namang doon na lang kami dahil naiilang talaga ako sa kanilang mansion. Natatakot akong abutan ng kanyang mga magulang doon at baka tulad nang iba ay hamakin lang din nila ang pagkatao ko.

Matapos kong maligo ay naabutan ko si Vaughn na nakaupo si bed na para bang hinihintay ako. Nakabihis na siya at halos mapatanga na naman ako sa kanyang kagwapuhan.

"Akala ko ba ay papasok ka na sa opisina?" tanong ko sa kanya at hinila lang niya ako palapit.

"I'm sorry about last night." Tiningala niya ako at mapait lang akong ngumiti. Hindi rin naman namin napag-usapan ang nangyari kagabi dahil sa pag-iwas niya.

"Sigurado ka bang gusto mo pa ako rito?" Ako mismo ay natatakot sa tanong ko na 'yun. Natatakot ako sa possible niyang isagot. Lumipas ang gabi na halos wala siyang kibo at parang ang lalim nang iniisip.

Sa halip na sumagot ay tinanggal lang niya ang buhol ng robe ko. Kumalabog ang aking puso at sa tagal naming magkasama, ang hirap masanay sa ganoong galaw niya. Ibinuka niya ang robe ko at napalunok na lang ako. Wala akong suot na saplot sa katawan at buong laya niyang tinitigan ang yaman ko sa katawan.

Hinaplos niya ang aking dibdib pababa sa aking baywang at kinabig ako palapit. Isinubo niya ang aking tuktok at napasabunot na lang sa kanyang buhok. Saglit siyang napatigil at tiningala ako. Hinaplos niya ang aking pang-upo at kinabig pa ako mas palapit.

"No one is allowed to touch you like this, Natalia. Remember that, hmm?" seryoso pa niyang sabi.

Nanghihina akong tumango sabay mariing kinagat ang aking labi. Hindi ko rin naman maisip na may ibang hahawak sa akin nang ganoon. Si Vaughn lang din ang gusto ko at wala nang iba.

"As much as I want to make love with you right now, I really need to be early at work." Muli niyang ibinuhol ang aking robe at parang ibig kong mainis. "Hindi rin ako sure if masusundo kita sa work mo mamaya. But I will try, okay?"

Tumango ako at hinaplos ang kanyang buhok. Tumayo siya at hinapit ako sa baywang.

"I'll see you later, okay?"

"Ingat ka, huh." Mahina ko pa siyang tinapik sa dibdib at agad siyang yumuko para halikan ako sa labi. He smelled so good!  Wala ako sa sariling mahigpit na napakapit sa kanyang suit habang dinarama ang malambot niyang mga labi.

"Damn it," mahinang mura pa niya sa aking labi nang tumugon ako sa kanyang halik.

Pero bandang huli ay tila nakakuha siya nang lakas na lumayo at umiling-iling.

"I need to go." Pinisil niya ang aking pisngi at para bang napipilitan pang magpaalam. "Goodbye, Cinderella."

"Goodbye, prince charming."

Natawa lang siya sa naging tugon ko at muli akong hinalikan nang mabilis sa labi.

"Take care."

Nagmamadali siyang tumalikod at malungkot naman akong napatitig sa kanyang likuran.

"I love you..." mahina ko pang sabi at mapait na ngumiti. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko.

I'm in love with Vaughn.

********

VAUGHN CRAIG's POV

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now