"He's pussy whipped but he just can't admit it," natatawang sabi pa ni Janella at halos sabay-sabay kaming napalingon sa kinalalagyan ni Vaughn kasama si Sam at mga kaibigan nito.

Nagseselos ako. Iyon lang ang alam kong totoo sa ngayon.  Ang makita siyang kinakausap ang babaeng minamahal niya ay pumipiga nang kuntodo sa aking puso.

"Hindi pa ba siya nagtatapat sa'yo?" nakangiting usisa pa ni Jordan.

"Naku, malabo po kaming dalawa." Umiling ako at napasulyap pa sa mga barkada nitong napapasulyap din sa gawi namin. Nasisiguro kong ako rin ang pinag-uusapan nila.

"You can't say that." Si Kirsten. "Pupusta ako. Vaughn likes you." Bigay todo pa itong sumandal at saglit pang kinawayan ang gwapo niyang anak na buhat n'ung gwapo rin niyang asawa na si Chance. Wala akong masabi at napapalibutan ako ng mga magaganda at gwapo. "I'd never seen him like this at all." Muli ay bumaling kami sa kinalalagyan ni Vaughn at saktong pagtingin din niya sa akin.

Naghiyawan sila at agad akong pinagtutukso. Iiling-iling si Vaughn sa kanyang kinalalagyan na para bang nahuhulaan na niya ang nagaganap na pag-uusap naming mga babae.

"Pabebe 'tong si Vaughn!" Malakas pang tawa ni Jordan. "Pero kinikilig ako in fairness." Nakangiting tumingin pa ito kay Vaughn at tamang parang nagpipigil siya nang ngiti sa kinatatayuan niya.  Mariin nitong kagat ang labi at hindi maikakaila ang ngiti sa kanyang mga mata.

"Balitaan mo kami kapag kayo na, huh," nakangiting sabi pa ni Janella.

Tumango ako at nahihiya pa rin akong makipag-usap. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na sila nagtanong nang kung ano. Naging tagapakinig na lang ako at hindi talaga ako komportable makipagkuwentuhan sa kanila. Pero ramdam ko namang nage-effort silang maging kampante ako sa kanila.


Matagal din bago bumalik si Vaughn sa table namin. Naubos ko na ang aking pagkain at naiwang nakatiwangwang ang pagkain niya. Si Jordan ang nagtiyagang kumausap nang kumausap sa akin kahit pa halos wala naman siyang makuhang sagot. Kahit papaano ay nalibang ako sa mga kuwento niya. Nang lumaon ay nakisama na rin sina Janella at Kirsten at nagkuwento rin tungkol sa mga love life nila. Hindi ako makapaniwalang para ring fairy tale ang mga storya nila. Ang swerte nila sa kanilang mga asawa na bukod sa sobrang gwapo na ay mahal na mahal pa sila. Nakakalungkot isipin na hindi ganoon ang kapalaran ko.

Ni hindi ko namalayan ang oras at sa totoo lang ay parang gusto ko na umuwi. Isa-isa na kasing nawawala ang kanina ko pa kausap dahil sa kanilang mga anak. Mali talagang nandito ako.

"Hi." Agad akong napaangat nang tingin sa bumati. Isang gwapong mukha ang bumungad sa akin at kung hindi ako nagkakamali ay parang nakita ko siyang kasama ni Sam.

"Hi." Tipid akong ngumiti at kahit yata ang makipag-usap sa kanya ay 'di ako komportable.

"Can I?" Tiningnan pa nito ang bakanteng upuan sa tabi ko at wala akong nagawa kung 'di ang tumango. "Thanks." Matamis pa siyang ngumiti at agad na naupo sa tabi ko. "By the way, I am Mason. You are?"

"Natalia." Iwas pa ang mga mata kong tumitig sa kanya. Hindi ako sigurado pero parang pamilyar ang mukha niya.

"Hey,Mason, anong ginagawa mo d'yan?" nakangiti pang tanong ni Terrence 'di kalayuan sa amin.

"Panira ka ng moment, dude!" Iiling-iling pang sabi ni Mason at nagkatawanan lang silang dalawa. Hindi naman na nakisali ulit si Terrence at itinuon ulit ang atensyon sa kanyang barkada.

"You look familiar," sabi pa ni Mason at mataman akong tinitigan.

"Marami siguro akong kamukha," mapakla ko pang sagot pero sa totoo lang ay kinakabahan ako.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now