"Says who?" Nakakunot-noo pa ring tanong niya.

"Pero Vaughn—"

"Tayong dalawa ang manonood, 'di ba?"

"Wala namang mawawala if si Sam naman ang kasama mo, 'di ba? Ayokong pagselosan niya ako Vaughn. Ayos lang sa akin na umuwi na."

"No, Natalia. Sasama ka sa aming manood," pagpipilit pa nito sabay hawak nang mahigpit sa kamay ko.

Wala akong nagawa kung 'di ang mapasunod. Matalim ang titig sa akin ni Sam at kulang na lang ay mamatay ako sa kanyang paninitig. Pinilit kong tanggalin ang hawak sa akin ni Vaughn pero sadyang ang higpit nang hawak niya sa aking kamay.

Nakabili na ng ticket si Sam at taas ang kilay niyang tumingin sa kamay naming dalawa. Sinamaan ko nang tingin si Vaughn pero binalewala lang niya iyon at diretso pa rin akong hinila papasok sa sinehan.

Naupo kami sa gitna at hindi pa rin binibitiwan ni Vaughn ang kamay ko. Umupo sa kabilang gilid niya si Sam kasama ang mga kaibigan nito na pare-parehas may bitbit na popcorn at drinks. Kami lang ni Vaughn ang walang pagkain. Sa kakamadali ay mukhang nakaligtaan na rin niya.

"Would you like some popcorn?" tanong pa ni Vaughn.

"Hindi na. Busog pa naman ako," tanggi ko pa at ayoko rin namang mapag-iwanan si Sam ang kasama. Paniguradong magigisa ako nang wala sa oras.

Nagsimula ang movie at noon ko na lang napansin na nakapulupot ang kamay ni Sam sa braso ni Vaughn. Hindi ko tuloy malaman kung ano ba ang dapat na maramdaman. Pakiramdam ko ay nakikipag-agawan ako sa kanya. Or mas tama sigurong ako ang mang-aagaw sa eksena. Ano ba itong pinapasok mo, Natalia?!

"Um, c.r. lang ako," paalam ko pa kay Vaughn.

"All right. Samahan na kita." Tangka sana siyang tatayo nang pigilan ko siya.

"Hindi na. Ako na lang." Pilit ko pang inaninag ang mukha niya sa dilim. At kahit 'di ko masyadong aninag ang mukha ni Sam ay alam kong nakatingin din siya sa akin.

"All right." May pag-aalangan ang mukha niya na para bang may nababasa sa aking kakaiba.

Tumango ako at nagdiretso pababa papunta sa comfort room. Saglit akong nag-ayos at malungkot na tumitig sa repleksyon ko sa salamin. Gusto ko sanang isipin na nagkakagusto na sa akin si Vaughn pero sa bandang huli ay ako pa rin ang kumokontra sa isip ko. It's just impossible. Nangangarap na naman ako nang gising. Inalog ko ang aking ulo at lumabas sa comfort room. Pero gan'un na lang din ang gulat ko nang makita si Vaughn!

"Anong ginagawa mo rito?" Lumapit ako sa kanya at sinalubong niya ako.

"Naniniguro lang akong hindi mo ako lalayasan," seryosong sagot naman niya at napabuntong-hininga na lang ako. Sa totoo lang ay balak ko talagang hindi na bumalik doon para bigyan sila nang pagkakataon ni Sam na makapagdate.

"Ayaw mo bang masolo si Sam? Chance n'yo na, 'di ba?" Pinagmukha ko pang nanunukso ang aking boses kahit na parang kinukurot naman ang puso ko.

"Don't play cupid, Natalia. Si Cinderella ka remember?" natatawang sabi pa niya at umirap naman ako.

"Vaughn naman, e!" Sumimangot ako at mahina siyang hinampas sa braso.

"Come on, let's go home," kayag pa niya sa akin palabas.

"Wait..." pigil ko rin naman. "What about Sam?" Alala pa akong napatingin sa madilim na daan pabalik sa sinehan.

"The movie is boring. And, besides, parang ayaw mo akong kausapin dahil nand'un si Sam. Mas mabuti pang umuwi na nga lang tayo."

"Alam mo ang gulo mo. Si Sam 'yun, 'di ba? Ang babaeng mahal mo?"

Natigilan siya sa sinabi ko at matamang napatitig sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero 'di naman niya maituloy tuloy.

"Let's just go home. Ako na bahala kay Sam." Inakbayan niya ako at iginiya na nga palabas nang tuluyan doon.

Halos kakaunti na lang ang mga tao sa oras na 'yun. Hindi pa man kami nakakarating sa parking lot ay agad na tumunog ang cellphone ni Vaughn. Sinagot niya iyon at bahagya pa niya akong dinungaw.

"Sam?" Napabuntong-hininga pa siya at panandaling natahimik. Bumagal din ang aming paglalakad habang nakikinig sa kausap. "I am really sorry. We need to go home. Sorry if 'di na kami nakapagpaalam. Ang sakit na din kasi ng ulo ko."

Saglit ulit siyang natahimik at siguro ay pinapakinggang maigi ang sinasabi ni Sam. Natitiyak kong hindi siya natutuwa sa ginawa naming pagwa-walk out nang walang paalam. Ang tigas din naman kasi ng ulo nitong si Vaughn.

"I am really sorry, Sam. Enjoy the movie," iyon na lamang ang isinagot niya at pinutol na rin ang tawag.

"Anong sabi?" simple ko pang usisa at mapakla lang siyang ngumiti.

"'Wag mo na isipin 'yun. Ako na bahala kay Sam," iwas na sagot pa niya at hindi na rin ako nangulit pa.

Nakaakbay pa rin siya sa akin at wala ako sa sariling iniyakap ang kamay ko sa kanyang baywang. Napatitig siya sa akin at mariing kinagat ang kanyang labi.

"Bakit?" taka pang naitanong ko.

"Wala." Umiling siya at nagpatuloy lang kami sa paglalakad papunta sa parking lot.

Nang makarating kami sa kanyang sasakyan ay saglit ko siyang pinigilan at tinanong.

"Vaughn, ayokong sumama bukas. Hindi talaga ako comfortable."

"Natalia..." Umiling siya at pinisil ang aking pisngi. "I want you to come with me. Alam ko, gusto mo nang matapos ang arrangement na'to, pero sana sa kahit sandaling panahon, hayaan mong ma-enjoy ang panahong kasama kita."

Natahimik ako at napayuko. Ang sarap pakinggan ng mga salita niya. Hindi ko kayang ikaila sa sarili kong nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Pero ayoko nito. Alam kong walang patutunguhan ito.

He's not in love with me.

Gusto lang niya ang katawan ko at wala nang iba pa.

"Hindi na natin pag-uusapan pa ang bagay na ito pag-uwi, Natalia," matigas na sabi pa niya sabay kabig sa akin para halikan ako sa labi. "I would really want to go home and make love to you," malambing pa niyang sabi at muling sinakop ang labi ko. Tinugon ko ang kanyang halik at naramdaman ko na naman ang kalabog ng aking puso.

This is not good, Natalia.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now