"How are you, Yaya? Namiss kita." Saglit akong humiwalay at tiningnan ang kanyang mukha. She's been with the family for almost two decades. Hindi na nga rin siya nakapag-asawa dahil mas pinili niya ang buhay kasama kami.

"Namiss din kita nang sobra. Ang tagal mo na 'di pumupunta rito," nanghihinampo pang tanong niya.

"I've been dead busy with work, Yaya."

"Talaga lang, huh?" Makahulugan pa siyang tumingin kay Natalia na abala sa pagmamasid sa paligid habang mariing kagat ang kanyang labi.

"Oh, yeah." Maagap ko rin namang hinawakan ang kamay ni Natalia na obviously ay tensyonado dahil sobrang lamig ng kanyang palad. "Yaya Aida, this is Natalia. Natalia, this is my yaya. She's been with us since I was a baby."

Mabilis na bumitaw si Natalia sa aking kamay.  Hindi ko naiwasang mapataas ng kilay.  Umiiwas, huh?

"Hello po. Nice to meet you po." Magalang naman ding bati ni Natalia sabay abot sa kamay nito. 

"Ang gandang bata naman," ngiting-ngiti namang ganting bati ni Yaya at pasimpleng kumindat sa akin. "Eto ang unang pagkakataon, hijo," makahulugan pa niyang sabi.

"It didn't come to mind," walang interest na sagot ko lang pero mas lalong lumuwag ang ngiti sa labi niya. But, she's right. Natalia is the first woman I brought home. Well of course, Sam is an exception since she was my childhood friend.

"Naghapunan na ba kayo? Magluto ako saglit."

"Sige, Yaya. Kakain kami," sagot ko pa at bahagyang minasahe ang kanyang balikat.

"Namiss kitang bata ka." Pinisil niya ang aking pisngi.  I missed her too. Buhay prinsipe ako kapag nandito sa mansion. Asikaso ang lahat para sa akin. "Pero marami kang ikukuwento." Sumulyap pa siya kay Natalia na abala pa rin sa pagmamasid.

"Shut up, Yaya." Mabilis kong ginagap ang kamay ni Natalia na nanlalamig pa rin. "Tawagan mo na lang ako, Yaya."

Ngiting-ngiti pa rin siyang tumango habang marahan kong hinihila si Natalia papanik sa second floor.

"Saan ba tayo pupunta?" nakakunot-noo na tanong pa ni Natalia. She looked really tensed.

"At my room, Cinderella." Nilingon ko siya at tanging irap lang ang isinagot niya sa akin."My room is located at the left side at katapat ko ang dalawang guest rooms at entertainment room. Sa right side naman ay room ng parents ko at apat na guestrooms."

"Ano bang gagawin natin sa kwarto mo?" namumulang tanong pa niya.

"I just want to show you something. Relax," natatawa pang sabi ko.  Parang nahuhulaan ko na kung anong tumatakbo sa utak niya.  A part of me wanted to kiss her already because of her flushed cheeks.

Binuksan ko ang kwarto at pinindot ko ang switch ng ilaw. Kasabayan noon ay ang pagbubukas rin ng aircon.

"Come in." Isinara ko ang pinto at muli na naman siyang nagmasid. 

Well at least, everything looks clean.

There isn't anything special about my room. Wala akong kahilig hilig sa pagdidisenyo. Basta't malinis lang ay okay na sa akin.  For some, they found it plain.  Too plain actually.

"Wala ka talagang hilig sa kulay, Vaughn," nakangiting puna pa niya habang iginagala ang paningin.

"You noticed, huh?" nakangiting sagot ko pa at mabilis na naghubad ng pang-itaas.

"Ano bang ipapakita mo sa akin?" She's blushing. At gusto kong matawa dahil parang alam ko na ang naglalaro sa isip niya.

"Just my bird, Cinderella," nakakaloko ko pang sabi at mas natriple ang kanyang pamumula.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now