Narinig ko ang pag-ismid niya pero wala namang sinabi. Nagdiretso siya sa kusina at ekspertong gumalaw doon.

"I don't have rice. Okay lang sa'yo ang ramen?" Nilingon niya ako at marahan lang akong napatango. "Feel yourself at home," seryosong sabi pa niya at tila ako robot na sumunod na lang.

Naupo ako sa may dining table at wala pa ako sa sariling napatitig sa madungis kong katawan. May kaunting galos din ako sa hita at binti dahil sa pagkaladkad ng mga lalaki kanina. Niyakap ko ang aking sarili at pinigilang maiyak. Hindi ko na naman maiwasang maawa sa sarili ko.

Halos mapaigtad ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Vaughn na may dalang tubig. Iiling-iling siyang tumitig sa akin at napatikhim. Pinagdikit ko ang aking mga hita at nag-iwas nang tingin.

"Pagkatapos mong kumain, puwede kang maligo sa banyo," may parungit pa niyang sabi sabay talikod.

Hindi naman nagtagal ay lumapit na ulit siya sa akin bitbit ang ramen. Ibinaba niya iyon sa table at lalong nadoble ang pagkagutom ko nang maamoy ko ang mainit na noodles.

"Dig in," seryoso pa rin niyang sabi at marahan lang akong tumango. Nagugutom na talaga ako.

Saglit siyang umalis at parang sa kwarto nagpunta. Sinamantala ko ang pagkakataong wala siya at ninamnam ang sarap ng ramen. Ito na yata ang pinakamasarap na ramen na natikman ko!

Nang makatapos akong kumain ay tsaka lumabas si Vaughn sa kwarto. Mukhang binigyan talaga niya ako nang pagkakataong makakain. Basa rin ang kanyang buhok at nakapagpalit na siya ng sando at shorts.

"Are you done?" pormal pang tanong niya at hindi ko napigilan ang mapadighay nang malakas! Nakakahiya! Sumungaw ang mumunting ngiti sa kanyang labi pero bumalik ulit iyon sa seryosong ekspresyon.

"Come on, you need to change." Nagpatiuna siya sa paglakad at dali-dali ko namang ininom ang tubig bago sumunod sa kanya.

Pagbungad pa lang sa kwarto ay nanuot nang husto ang amoy ni Vaughn sa ilong ko. Hindi maikakailang mas madalas siya roon. May malaking bed sa sentro ng kwarto at may munting opisina malapit sa may veranda. Tulad sa sala ay wala ring masyadong disenyo pero elegante pa rin naman ang dating. Sobrang linis lang sa mata. Sa may pader ay may flat screen t.v. na hindi ko matantiya kung ilang inches. Naputol ang pagmamasid ko nang bigla na naman siyang magsalita.

"Use these. Kumpleto ang mga gamit sa loob. Feel free to use it." Itinuro pa niya ang bathroom sabay abot sa nakatuping towel. "May clothes din d'yan... and lingerie. Bago naman 'yan." Napakamot pa siya ng ulo na para bang nahihiyang mayroon siya noon.

Tipid lang akong ngumiti at hindi na rin naman ako magtataka. Madalas siguro siyang mag-uwi ng mga babae dito.

Pagtapak pa lang ng mga paa sa banyo ay naamoy ko ang tila sabong ginamit ni Vaughn. Amoy pa lang ay 'di kataka-takang kababaliwan ng mga babae. Ibang klase.

Tinanggal ko ang coat ni Vaughn pati na rin ang suot ko sa pagsasayaw. Hindi ko na naman namalayan ang paglandas ng luha sa aking mga mata. Binuksan ko ang shower at nilunod ko ang aking mga luha sa tubig. Alam kong hindi pa ito ang katapusan ng lahat. Kailangan kong magbayad kay Vaughn. Sa paraang mas madali. Sa paraang alam kong gusto n'ya. At gustuhin ko man sanang ibigay ang lahat sa taong aking papakasalan balang araw, alam kong impossible na iyon ngayon. Dahil ito ang hinihingi nang pagkakataon sa akin.

Nang makalabas ako ng banyo ay naabutan ko si Vaughn na nakaupo sa paanan ng bed at nanonood ng t.v. Simpleng white crop top at shorts lang ang suot ko pero and'un ang pakiramdam na parang hubad na ako. Kinagat ko ang aking labi nang maglakbay ang kanyang mga mata sa kabuuan ko.

"Come here," malamig pa niyang utos at wala sa loob kong napatango.

Halos manlamig ako habang diretsong pinagmamasdan ang kanyang bughaw na mga mata.

"Sit." Pinagpag pa niya ang espasyo sa tabi niya at may kung anong dinukwang sa kanyang likuran.

First aid kit.

Mabilis niyang binuksan ang box at kumuha ng bulak mula roon. Saglit siyang lumuhod sa aking harapan at pinagmasdan ang aking gasgas. Pinagmasdan ko ang kanyang seryosong mukha at hindi ko mapigilan ang mamangha. Sobrang gwapo talaga niyang nilalang. Perpekto kasi ang lahat sa kanya. Nang mapagawi ang tingin ko sa kanyang nakadepinang panga ay pinigilan ko na lamang ang aking sariling haplusin iyon. Saglit niya akong tinapunan nang tingin at agad naman akong napayuko sa kahihiyan. Nahuli niya akong nakatitig.

Pinatakan niya ng gamot ang bulak bago iyon banayad na ipinahid sa aking gasgas sa tuhod. Nakaramdam ako ng kaunting hapdi at agad naman niyang hinipan iyon. Agad na nanindig ang aking balahibo sa init ng kanyang hininga.

"It will heal faster," seryosong sabi pa niya at ibinaba muna ang bulak sa loob ng box. May kinuha siyang panibagong ointment at inilagay sa cotton buds. Saglit ulit niya akong tinitigan bago ipahid ulit iyon sa mga gasgas ko.

"Salamat..." tipid kong sabi dahil sa totoo lang ay kinakabahan na ako. Kailangan kong magbayad ng utang kay Vaughn.

Mabilis na tumayo si Vaughn dala ang ginamit na bulak at cotton buds. Itinapon niya iyon sa may banyo at muling bumalikwas palapit sa akin. Kinuha niya ang first aid kit at naglakad palapit sa side table. Binuksan niya iyon at ipinasok ang kit sa loob.

"You can sleep here. I'll be at the guest room. If you need anything just call me," sabi pa niya at hindi ako makapaniwalang hindi niya ako sisingilin ngayon!

"Puwede akong matulog sa guest room. Ikaw na dito." Agad akong tumayo at iiling-iling lang siyang lumapit sa akin.

"Dito ka na. 'Wag makulit," masungit pa niyang sabi at hindi ko maiwasang mapanguso. Ang sungit n'ya talaga ngayon. Siguro nga ay sinagad ko siya noong huli naming pagkikita.

"Galit ka pa rin ba?" wala pa sa sarili kong tanong at sarcastic naman siyang ngumiti.

"Why would I?" Nag-taas siya ng kilay at 'di napigilang ngumiti. "Go to bed, Cinderella."

"Thank you." Mataman akong tumitig sa gwapo niyang mukha at parang nagningning ang kanyang mga mata.

Tumango lang naman siya at walang ibang sinabi.

"Good night," tipid na sabi lang niya sabay talikod.

"Um, Vaughn..." nahihiyang tawag ko pa sa kanya at saglit siyang napahinto at bumaling ulit sa akin.

Mabilis akong lumapit sa kanya at tumingkayad para halikan siya sa labi. Natigilan siya na animo'y nakakita ng multo at napatitig sa aking mukha.

"Good night." Noon na ako tumalikod at para bang sobrang init nang pakiramdam ko sa aking pisngi.


HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now