"Alright..." Mariin niyang kinagat ang kanyang labi as if telling me na bitin siya sa kiss.

Matapos ko siyang maihatid sa kanilang bahay na halos 30 minutes din ang layo sa mansion namin ay may kung anong nag-udyok sa akin na dumaan muna sa club. Ang nag-iisang strip club na binabalik-balikan ko dahil kay Natalia. This was the reason why I couldn't get serious with Sam. Hindi ko pa rin mapigilan ang tumingin sa ibang babae tulad ngayon. At hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ang pagkakagusto kong makuha si Natalia.

It's almost eleven o'clock in the evening at sobrang mausok na rin sa club. Nagkalat na rin ang mga lasing at higit na mas marami ang bilang ng mga bouncer. I wonder kung nakatapos na bang magsayaw si Natalia? Iginala ko ang aking paningin sa paligid at agad na nahagip ng aking mga mata ang hinahanap ko. Ka-table niya ang isang hindi katandaang lalaki pero kung hindi ako nagkakamali ay kakilala ko sa negosyo. Si Mr. Capingco. I thought he's separated. Napatiim bagang ako habang nakatitig kay Natalia na nakukuha pang ngumiti habang kausap ang matanda. Like what the fvck? Bakit nakukuha niyang ngitian iyon samantalang ako ay hindi?

Saglit na natigilan si Natalia nang mapagawi ang titig niya sa akin. I froze for a minute and her gaze fixed on me.

"What are you doing here, dude?" Agad akong napalingon sa nagsalita. I knew it was him. Si Amir. Siya lang naman ang kakilala kong may ganoong accent.

"Just dropping by," tipid na sagot ko lang at agad naman siyang napangisi nang mapatingin din sa kinalalagyan ni Natalia.

"You won't give up it, huh." Natatawang tinapik pa niya ako sa balikat at malalim na napabuntong-hininga. "Mr. Capingco seemed to like her. May kalaban ka pa ngayon."

"She won't be going with that old man," confident namang sagot ko at saglit na inihiwalay muna ang tingin kay Natalia.

"Want anyone to pleasure you tonight? It's on the house." Kinindatan ako ni Amir at bahagya lang akong umiling.

"I'd be fine with whiskey today."

"Sure," tatangu-tango pa niyang sabi at muling lumayo sa akin.

Naupo ako hindi kalayuan sa kinalalagyan ni Natalia at nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Hindi pa man ako nagtatagal sa kinakaupuan ko ay may babaeng lumapit sa akin.

"Need company lover boy?" mapang-akit pa niyang tanong at pilyang ngumiti. Bumaling ako kay Natalia na noon ay huling-huli kong nakatitig sa akin at salubong ang kilay. Napangisi ako at agad na hinawakan ang babaeng nasa harapan ko sa puwitan. Nice ass.

"I think so, sweetheart." Tiningala ko siya at wala naman din siyang pag-aalangan na tumabi sa akin. Agad niyang ipinulupot ang kanyang kamay sa aking baywang at dinampian nang maninipis na halik ang aking leeg.

"Sobrang bango mo, lover boy..."

Hindi ako kumibo at nananatiling nakapako ang tingin ko kay Natalia na bahagyang napapangiti habang kausap si Mr. Capingco. But I knew that she was uncomfortable.

"You want to go somewhere, lover boy?" tanong pa noong babae habang hinahaplos ang abs ko pababa.

"No," mabilis na sagot ko lang kasabay nang pagbaba ng whiskey na binanggit ko kay Amir kanina. Tumango ako sa waiter at agad naman siyang naglaho sa paningin ko. I changed my mind. Ayoko pa rin talaga nang ibang kasama tonight. I wanted Natalia so bad.

"Why not? Ayaw mo ba sa akin?" tila naghihinampo pa niyang sabi at payak na tawa lang ang lumabas sa bibig ko. Wala akong panahong makipagbolahan.

"You're not my type, miss," diretsong sabi ko lang at para bang hindi niya inaasahan ang sasabihin ko. Ngumuso siya at nagkunwaring nagtatampo talaga kahit na panay pa rin ang haplos niya pababa sa abs ko.

"Puwede kong ibigay sa'yo ang kailangan mo ngayong gabi nang libre, lover boy," sabi pa niya at hindi na bago iyon sa pandinig ko. Kahit mga disenteng babae ay malayang ibinibigay ang sarili nila sa akin.

"I am not really interested," mapaklang sagot ko lang at nang bumaling ulit ako kay Natalia ay lukot na lukot ang kanyang mukha. Was she jealous? Napangisi ako sabay inom sa whiskey.

Tumayo siya sa kanyang kinakaupuan at nakairap na tumalikod. Where is she going?! Wala ako sa sariling napatayo at agad na hinila n'ung babae ang kamay ko.

"Saan ka pupunta, lover boy?"

"None of your fvcking business," malamig na sagot ko lang sabay tabig sa kanyang kamay.

Sinundan ko si Natalia na tila papunta sa bandang likuran ng club. At noon ko na lang napansin na exit door pala ang nilabasan niya.

Saktong paglabas ko rin ay dumampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. It's a lot better in here. Masyado nang suffocating ang amoy sa loob ng club.

Naabutan ko siyang nakaupo sa isang tabi at umiinom ng tubig.

"Hello, Cinderella," nakangiting bati ko naman at nakakunot-noo naman siyang napabaling sa akin.

"Ikaw na naman," masungit pa niyang sabi sabay inubos ang kanyang mineral water.

"Aren't you happy to see me?" kunwari ay nagtatampo ko pang sabi at isang mapaklang ngiti lang ang sumilay sa kanyang labi.

"What do you want? Hindi ka pa rin ba kuntento sa mga babaeng lumalapit sa'yo?"

Nagtaas ako ng kilay at mahinang tumawa.

"Are you jealous, Cinderella?"

"Maraming namamatay sa maling akala," sarcastic pa niyang sabi at mabilis na tumayo.

Pero bago pa man siya makalayo ulit sa akin ay mabilis ko siyang hinapit sa baywang at saglit siyang nagpumiglas. Naamoy ko ang kanyang hininga at pigil ang sarili kong hinigpitan lang ang hawak sa kanya. Damn, her beauty was so electrifying... And, she smelled heavenly.

"Ano bang gusto mo para tantanan mo ako?!" galit pa niyang hinampas ako sa may dibdib.

"Have sex with me, Cinderella," maagap na sagot ko naman.

"I am not a prostitute! Ilang beses ko bang dapat sabihin 'yan sa'yo?!" inis pa niyang sabi and I didn't understand why I am enjoying teasing her.

"Well then, kiss me."

"Kapag ibinigay ko ba ang gusto mo titigilan mo na ako?" irita pa niyang tanong at saglit akong napaisip.

"Well that depends on how you'll kiss me." Tumitig ako sa kanyang bahagyang nakaawang na labi and an urge to kiss her was growing stronger.

"Pay me."

Just as I expected.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now