"Natalia, pagsilbihan mo 'yung gwapong customer natin d'un," utos pa nang masungit kong amo sabay nguso sa 'di kalayuang lalaki na nakaharap sa may bintana. Mukhang aral din kay Nanay Tere 'to kaya't hindi rin niya ako tinatrato ng tama.

"Opo." Tumango ako at mapaklang ngumiti.

Isinuot ko ang aking apron at saglit na humarap sa salamin para tingnan ang aking sarili. Halata na sa mukha ko ang pagod at ramdam ko talaga 'yon sa buong katawan ko.

Dali-dali kong kinuha ang menu at piraso ng mga papel at ballpen bago tuluyang lumapit sa lalaking mukhang naka-americana pa. Mayroon palang kumakaing naka-americana dito? Weird.

"Magandang tanghali po, sir. Ano pong gusto ninyong kainin?" Pinilit kong pasiglahin ang aking boses pero agad din akong nanigas sa kinakatayuan ko nang lingunin niya ako. Shit.

"What a small world, isn't?" nakangisi pa niyang sabi at agad akong napatingin sa pasa niya malapit sa labi.

Pinilit kong magpaka-kaswal at nagkunwaring walang naaalala.

"Ano pong gusto ninyong kainin?" pag-uulit ko pa at diretso naman siyang umupo para titigan ako.

Pinilit kong makipagtitigan nang diretso sa kanyang kulay bughaw na mga mata habang hinahagod niya ng kanyang daliri ang ibaba ng kanyang mapulang labi. Higit pala siyang mas gwapo kapag ganito kaliwanag. Maputi at makinis ang kanyang balat. Mamula-mula rin ang kanyang pisngi na para bang nagre-react din sa init ng panahon. Mukha siyang artista sa gwapo at impossibleng walang babae ang lilingon sa kanya. Hindi na kataka-taka kung bakit siya hambog.

"Ang sipag mo naman." Kinindatan niya ako at kung puwede ko lang sana siyang layasan ay ginawa ko na.

"Ano pong gusto ninyong kainin?" muli ay pag-uulit ko pero nananatiling nakangisi siya sa akin at tinititigan ako mula ulo hanggang paa.

"Ibang-iba pala talaga ang hitsura mo sa araw, miss. Cinderella," may diin pang pagkakasabi niya sa pangalang Cinderella.

"Ano po bang order ninyo?" Pinilit kong ngumiti kahit na alam kong hilaw na hilaw 'yun. Ano ba kasing ginagawa niya dito?

"Hmm, what's your specialty?" pormal namang sagot niya habang hindi inaalis ang titig sa aking mukha. Nakaka-concious tuloy at kahit pa hindi ko nakikita ang aking pisngi ay alam kong namumula iyon.

"Best seller po namin ang ginataan at sisig. Pero masasarap din naman po ang ibang ulam namin dito."

"Hmm..." Mataman pa siyang tumitig sa akin at nakangising kinagat ang kanyang labi. "So, masarap ka rin ba?"

Agad na nag-init ang pisngi ko sa kanyang sinabi at gusto ko sanang dagdagan ulit ang kanyang pasa sa may labi. Bastos.

"Kung wala po kayong oorderin ay babalik na ako sa puwesto ko." Inirapan ko siya sabay talikod. Agad kong nasalubong ang titig ng aking amo na nakakunot ang noo sa akin.

Sinenyasan niya ako na para bang pinababalikan ang bastos na lalaking iyon pero wala akong gana sakyan ang trip niya. Gwapo sana manyakis naman!

Pero ganoon na lang ang gulat ko nang may biglang humawak sa aking baywang at halos manindig ang balahibo ko sa katawan nang maramdaman ang labi sa aking punong-tainga.

"I need to go, Cinderella. Hope to see you again tonight."

Pumaling ako sa gawi niya at gayon na lang ang gulat ko nang bigla niya akong halikan sa labi! Napatanga na lang ako at nakangisi pa siyang lumayo habang kagat ang kanyang labi.

"Have a good day!" pahabol pa niyang sabi at 'di ko maintindihan kung bakit biglang kumalabog ang puso ko nang wala sa oras.

"Boyfriend mo ba 'yun, Nat?" Noon na lang bumalik ang diwa ko at ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng aking pisngi.

"Huh, e..." nangapa ako nang sasabihin dahil sa totoo lang ay hindi ko rin alam ang dapat na isagot. Ang bastos talaga ng lalaking 'yun.

"Sus! Deny ka pa!" iiling-iling pa niyang sabi at tila diring-diri na napatitig sa akin. "Alam ba niya ang trabaho mo? Masasaktan ka lang, Natalia. Paglalaruan ka lang n'un at nasisiguro kong matapos kang pagsawaan ay itatapon ka lang. 'Wag kang umasa na uso pa ang fairy tale ngayon. Pero tama ang Nanay Tere mo, 'wag mo sayangin ang ganda mo. Gamitin mo 'yan para kumita nang malaki."

Napayuko ako at nagpigil na umiyak. Wala man lang bang magmamalasakit sa akin? Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya at tahimik na lang na tumalikod. Lahat na lang ng mga tao ay alam kung anong klase ang trabaho ko. At sa totoo lang ay naaawa na rin ako sa sarili ko pero wala akong magawa. Hindi ko kayang iwan si Trina. Kailangan ko pang mapagtapos sa pag-aaral ang nag-iisang tao na talagang minamahal ako.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now