CHAPTER 23

179 11 0
                                    

John 14:6

No one comes to the Father except through Me.



*****


SHARIAH POV


"What if ang ilagay na lang nating pictures ay mula nung bata pa sya hanggang ngayon?"


Napatingin ako kay Ronnie nung bigla syang magsalita. Mahigit isang oras na kami dito at hindi pa din kami makapagdecide kung anong mga pictures ang ilalagay namin sa slideshow.


"Ang tanong, may mga pictures ka ba nya nung bata pa sya?"


Napakamot sya sa batok nya.


"Wala. Baka ikaw meron. Mas matagal kayong magkakilala eh diba?"


Napaisip naman ako. May mga pictures ng kami nung bata pa kami kaso sya ang nagtatago nun eh.


"Wala eh. Si Steph meron. Kaso baka mahalata nya kapag hiniram ko ang album nya."


"Oo nga noh."


Pabagsak syang sumandal sa upuan at tumingin sa kisame ng opisina ko. Ginagawa nya yan kapag nag-iisip sya ng mga ideas. Napatitig na lang ako sa kanya habang nakatingala pa din sya at nakapikit.


Tama nga ata sila, first love never dies dahil hanggang ngayon, mahal ko pa din ang mokong na ito.


Paano kaya kung hindi ko sinunod ang mommy nya? Paano kaya kung tinuloy ko ang planong pagsagot sa kanya? Kami pa din kaya hanggang ngayon?


What if's. Yan na ata ang pinakamahirap na kalaban kapag magmomove on ka. At inaamin ko, kaya hindi pa din ako makamove on ay dahil sa mga what if's na nakatatak na sa isipan ko.


What if sinunod ko ang dikta ng puso ko noon, masaya kaya kami ngayon?


"Masyado ka na atang nalilibang sa pagtitig sa akin."


Bigla syang nagmulat ng mata at tumingin sa akin. Nagtagpo ang mga tingin namin na nagdulot sa tiyan ko ng maraming paruparo. Para silang may party sa tiyan ko.


Agad akong nag-iwas ng tingin at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa monitor ng pc ko.


"Assuming!"


Napatawa na lang sya sa sinabi ko kaya sinamaan ko sya ng tingin. Sakto namang bumukas ang pinto ng opisina ko at ibinungad nito si Rheicy.


"Naku Shah, sorry. Hindi na ako kumatok. Nasanay na kasi ako sa opisina ni Ronnie na basta na lang pumapasok dun. Sorry."


Nginitian ko na lang sya meaning it's okay. Umupo sya sa kabilang chair sa harap ni Ronnie.


"So kamusta?"


Masayang tanong sa amin ni Rheicy. Nagkatinginan kaming dalawa ni Ronnie.


"Anong ginagawa mo dito?"


Seryosong tanong ni Ronnie kay Rheicy.


"Chinecheck ko kayong dalawa."


"Ahm excuse me, magpapaorder lang ako ng makakain natin."


Tumango silang dalawa kaya tumayo na ako sa upuan ko at lumabas nang opisina ko.





RONNIE POV


"Ano na naman bang trip mo Rheicy?"


Yan agad ang tanong ko kay Rheicy nang makalabas si Shariah.


"What?"


"Bakit may pictures ka naming dalawa ni Shariah?"


Ngumisi naman sa akin si Rheicy.


"Well, sinubukan ko lang ang magiging reaction nyong dalawa kapag nakita nyo yun. And I guess, wala na sa inyo yung nakita nyo. Nakamove on na kayo pareho."


Pabagsak akong sumandal sa upuan ko at matamang tinitigan si Rheicy. Ito namang si Rheicy ay nakangiti sa akin.


"You're unbelievable."


Yun na lang ang sinabi ko sa kanya na lalo namang nagpalawak sa mga ngiti nya. Sana makahanap na ng lovelife si Rheicy para hindi na sya nakikialam sa buhay ko.


2nd chance -the book 2Where stories live. Discover now