CHAPTER 20

191 11 2
                                    

Colossians 3:15

Let the peace of Christ rule in your hearts, since as members of one body you were called to peace. And be thankful.



*****

SHARIAH POV


Napamulat ako bigla at napahawak sa ulo ko. Arghh. Ang sakit sakit ng ulo ko, parang binibiyak na.


"Oh gising ka na pala."


Napatingin ako ng biglang pumasok sa kwarto ko si Steph.


"Ang aga mo namang pumunta sa bahay ko. Anong ginagawa mo dito?"


"Excuse me. Nasa kwarto kita babae."


Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at dun ko narealize na hindi nga ito ang kwarto ko. Teka, bakit wala ako sa kwarto ko? Bakit nandito ako kina Steph?


Inalala ko kung anong nangyari kahapon kaso ang huli kong naaalala ay nasa bar ako. Napahawak na lang ulit ako sa ulo ko dahil sumasakit na naman ito.


"Oh ito ang pain reliever."


Inabot sa akin ni Steph ang isang capsule. Umiling lang ako at nagderetso ako sa banyo para maghilamos.


"Inom ka kasi ng inom tapos ayan, hang over."


Panenermon sa akin ni Steph. Sinundan pa talaga nya ako dito sa banyo nya para lang sabihin sa akin yan.


"Alam ba ng parents ko na dito ako natulog?"


"Oo. Tinawagan ko sila kagabi. Teka nga Shah, bakit kayo magkasama ni Ronnie kagabi? Sya ang naghatid sayo dito kagabi at lasing na lasing ka."


Natigilan ako sa sinabing iyon ni Steph. Si Ronnie ang naghatid sa akin? Paano?


"Teka. Si Ronnie? Paano?"


"Aba malay ko sayo. Kaya nga tinatanong kita kung bakit kayo magkasama eh."


Lumabas ako sa banyo at naupo sa may kama ni Steph. Pilit ko pa ding inaalala kung paanong si Ronnie ang naghatid sa akin kagabi. Sa pagkakaalam ko kasi, pagkatapos naming kumain ay pumunta si Ronnie sa bahay ni Rheicy samantalang ako naman ay nagderetso sa bar.


"bestie, seryoso ka ba talaga na si Ronnie ang naghatid sa akin?"


"Anong akala mo sa akin, tinitrip ka? hay naku Shah. Ano bang nangyayari sayo? Lasing na lasing ka kagabi. May problema ka ba? Si Ronnie mukang balisa din kagabi. May nangyayari ba na hindi ko alam?"


Ano bang nangyari kagabi? Baka may nasabi na ako kay Ronnie na hindi maganda. Tsk. Shariah naman eh. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?

2nd chance -the book 2Where stories live. Discover now