CHAPTER 19

171 14 3
                                    

Proverbs 15:18

A hot-tempered man stirs up dissension, but a patient man calms a quarrel.




*****

RONNIE POV


"Yan na ang lahat ng pinabibili mo."


Yan agad ang bungad ko kay Rheicy pagkarating ko sa kanilang bahay. Pagkatapos kasi naming kumain ni Shariah ay nagderetso na agad ako kina Rheicy para ihatid ang mga pinamili namin.


"Wow! Thanks."


Nakangiting sabi sa akin ni Rheicy habang tinitingnan ang mga pinabili nya.


"What is it this time?"


Seryoso kong tanong sa kanya. Natigil sya sa ginagawa nya at tumingin sa akin na nagtataka.


"I know you Rheicy. Alam kong sinadya mo na kaming dalawa ni Shariah ang magkasama para mamili ng mga yan."


Ngumisi sa akin si Rheicy. Lumapit pa sya sa akin at pinitik ang noo ko.


"Kung ano anong iniisip mo eh. Ako naman dapat ang kasama ni Shariah, nagkaroon lang ng emergency. Alangan naman na hayaan ko syang mag-isa kaya tinawagan kita. Bakit? Disaster ba ang pagsasama nyo?"


"Tss."


Yun na lang ang sinabi ko at tumalikod na sa kanya.


"Aalis ka na agad?"


"Oo. Masyado mo na akong naabala. Bye."


Lumabas na ako ng bahay ni Rheicy at sumakay na ako ng kotse ko. Papaandarin ko na sana ang kotse ko kaso biglang nagring ang phone ko. Pagtingin ko dito ay nagulat ako dahil si Shariah ang natawag. Agad ko itong sinagot.


"Shah?"



"hui Ronnie..haha..ikaw pala ang natawagan ko? Destiny na bang matatawag yun?  hahaha.."


Bigla akong kinabahan sa boses ni Shariah.


"teka, lasing ka ba?"


"ako?..haha..hindi ah"


Dinig na dinig ko sa kabilang linya ang tugtugan sa paligid kaya ang hinala ko ay nasa isang bar si Shariah.


"Nasaan ka Shah? Pupuntahan kita."


Sa pagkakaalam ko ay umuwi na si Shariah dahil yun ang sabi nya kanina. Pero sa tingin ko ay wala sya sa kanila ngayon.


2nd chance -the book 2Where stories live. Discover now