Chapter 13

192 12 1
                                    

SHARIAH POV

arghhhh..hang over..ang sakit sa ulo..napabangon ako sa kama ko..8pm na pala..shocks..ngayon ako dapat pupunta sa Batangas..kaso tanghali na..

"mabuti naman at gising ka na..hang over??", bungad sakin ni mama nang pumasok sya sa kwarto ko..

"sorry Ma.."

"its ok honey..pero sana next time..wag kang iinom ng hindi mo kaya..hindi sa lahat ng oras, nandyan ang mga kaibigan mo para ihatid ka dito sa bahay..you should take care of yourself..", pangaral sakin ni mama..tumango na lang ako dahil kapag nagsalita pa ko ay hahaba pa ang sermon nya..

After akong bigyan ni mama ng gamot ay lumabas na ito ng kwarto ko..at dahil sa mahal na mahal ko ang mga gamot, ipinatong ko lang ito sa mesa ko at nagpunta na ng banyo para maligo..

"ma..alis na ko", paalam ko kay mama..tutuloy ako sa Batangas ngayon kahit tanghali na..

"ok na ba ang pakiramdam mo?"

"opo..im fine"

"gusto mo pasamahan kita sa driver?",

"no need ma..i can manage", nakangiti kong sabi sa kanya..

"sige..mag ingat ka anak hah..bye"

Sumakay na ko sa kotse ko..medyo malayo layong byahe to..paaandarin ko na sana ang kotse ko nang magring ang phone ko..

"hello",

"kamusta ang hang over?",

"Jeff..ayos lang..kaya pa naman..napatawag ka?"

"busy ka ba ngayon?"

"ah pupunta ako ng Batangas"

"ganun ba..pasama ako.."

Napatawa naman ako kay Jeff..parang bata lang ehh..

"sige..nasaan ka ba ngayon?..dadaanan kita.."

"wag..baka mapisa ako.."

"ano ba Jeff..sasama ka ba o tinitrip mo ako?"

"ito naman hindi na mabiro"

Sinabi sakin ni Jeff kung nasaan sya ngayon kaya bago ako pumunta ng Batangas ay dinaanan ko muna sya..sya na din ang nagprisintang magdrive..ayos din pala ang pagsama ng lokong ito..

"anong gagawin mo sa Batangas?", pagbasag ni Jeff sa katahimikan..

"titingnan ko yung resort kung maganda ba ang kinalabasan ng renovation"

"naks naman..kelan ka pa nahilig sa mga ganang bagay..dati ang gusto mo lang ay si Matteo Do, si Hello Kitty at mga libro..umaasenso ka na ahh..",

"minsan kasi kailangan mong mag explore ng ibang bagay..hindi mo kailangang istock ang buhay mo sa nakasanayan mo.."

"wow..at ngayon may hugot ka pa..nasaan na ba ang Shah na kilala ko?"

"sira ka talaga Jeff", tinawanan nya lang ako..tss..

"pero minsan..kailangan mong balikan ang mga bagay na nakasanayan mo..dahil in the first place..ito ang unang nagpasaya sayo.."

Napatingin naman ako sa kanya..seryoso na sya ng sinabi nya yun..napailing na lang ako..

"it's not bad to look backward..pero minsan nga lang..dapat mong tanggapin na hindi na maibabalik ang dati..pero pwede namang magsimula ulit.."

"teka lang hah..bakit yata parang iba na ang pinag uusapan natin?"..tumawa lang ulit sya..tss..minsan may pagkaweird din tong tao na to..hindi ko magets ang mga sinasabi nya..

After ng magulong usapan na yun ay tumahimik na ulit kami..sya ay nakafocus sa pagddrive habang ako ay nakatanaw lang sa bintana ng kotse..dalawang oras din halos ang binayahe namin..

"so anong tingin mo?", tanong ko kay Jeff nang matapos ko syang ilibot sa buong resort..

"well..maganda sya.."

"yun lang?"

"hahaha..it's nice Shah..pwede mo na itong buksan in public..."

Napangiti naman ako sa sinabi nya..wala naman akong masyadong binago sa resort..nung binili kasi nina mama to ay may bahay na talagang nakatayo..yung bahay na yun ay sobrang laki..kaya ginawa ko itong hotel..tapos nagpagawa din ako ng dalawang pool sa tabi ng bahay..pero syempre yung pinakataas ng bahay ay hindi ko ipapagamit sa mga magiging guest..dahil ito ang kwarto ko kapag gusto kong magstay sa Batangas..

"so kailan ang opening?",

"excited?..pag iisipan ko pa..", sabi ko sa kanya..marami pa kasi akong inaayos sa restaurant ni Mama at company ni Papa..sakin na kasi nila ito pinapamanage..

"sana as soon as possible..",

Nginitian ko lang sya..at tumingin ako sa dagat..sunset na pala..hayyy..ang ganda ganda talaga ng sunset..

2nd chance -the book 2Where stories live. Discover now