Chapter 14

210 10 2
                                    

SHARIAH POV

"Shah..anong nangyari?",

Pauwi na kami ngayon ni Jeff..after kasi naming manood ng sunset ay niyaya ko na syang umuwi..tiningnan ko lang sya nang nagtataka..

"ang alam namin nun..1 week after ng graduation ang alis mo..but then nalaman na lang namin na right after ng graduation ay umalis ka na..tapos dapat susunod sayo si Ronnie..pero hindi sya sumunod at dito sya nag aral sa Pilipinas..ang alam ko magkakatuluyan kayo dahil mahal mo din sya..anong nangyari?"

"hindi meant to be", tipid kong sagot..

"mahal mo pa?", hindi ako nakasagot..ano bang dapat kong sabihin?..nagkibit balikat na lang ako..

"kung mahal mo pa..bakit hindi mo subukan na balikan?",

"masaya na sya..guguluhin ko pa ba?", balik tanong ko sa kanya..

"paano ka nakakasiguro na masaya nga sya?.."

Napaisip ulit ako..paano ko nga ba nasabi na masaya na sya..dahil sa malapit na syang ikasal?

"alam mo Shah..ganan na ganan ka din nung inakala mong si Steph ang gusto ni Ronnie..yan ang hirap sayo ehh..ang hilig mo mag assume kaya lagi kang nasasaktan"

"aray hah..magpasintabi naman..", biro ko sa kanya..napakaprangka masyado ehh..

"minsan talaga..kailangan isampal sayo ang katotohanan para magising ka.. "..

"bakit ba napakaseryoso mo Jeff?"

"dahil hindi sa lahat ng oras..kailangan idaan sa biro ang lahat.."

"at hindi sa lahat ng oras, kailangan seryosohin ang mga bagay bagay..minsan kailangan mo ding idaan sa biro para hindi masyadong masakit..", ganting sabi ko naman sa kanya..

Napangiti sakin si Jeff..nahawa na ko sa pagiging seryoso nya..

"bakit ba lagi na lang gumugulo ang usapan natin..kung saan saan na napupunta..", tatawa tawa kong sabi..

"relate na relate ka naman sa mga sinasabi ko"

"hindi kaya..magdrive ka na nga lang dyan",

Tumawa lang sya at hindi na umimik pa..parang ayoko na tuloy syang kausapin..kung ano ano nang nasasabi ehh..gabi na nang makauwi kami pero dahil sa nangongonsensya itong si Jeff ay nagderetso kami sa mall para kumain muna..tutal ay dinner time na din naman..sa jollibee lang kami nagpunta..kuripot kasi tong kasama ko..

"anong gusto mo?", tanong nya sakin nang makahanap kami ng bakanteng table..

"spaghetti, fries, burger at creamy shake.."

"kaya mong ubusin lahat yun??", tanong sakin ni Jeff..napatawa na lang ako..

"oo naman"

"sige..oorder lang ako"

Umalis na si Jeff at nagpunta dun sa cashier para umorder..

"alone?", napatingin ako dun sa babaeng nagsalita..at nagulat ako dahil si Rheicy ang nasa harap ko..kasama si Ronnie..

"ah hindi..kasama ko si Jeff", sabi ko sa kanya na tinuro ko pa si Jeff na kasalukuyang umoorder na..

"i see..if you don't mind..pwede ba kami makishare sa table?..wala na kasing bakante ehh..", sabi ni Rheicy..napatingin naman ako kay Ronnie na parang hindi mapakali..

"sure", nakangiti kong sabi..

"thanks..hui Ronnie..umorder ka na..yung sakin tulad pa din ng dati", nakangiting sabi ni Rheicy kay Ronnie..

"tss", yun lang ang sinabi ni Ronnie at umalis na para umorder..

Sinundan ko naman ng tingin si Ronnie..nakasalubong nya si Jeff na pabalik na dito..nag-usap pa sila saglit..

"ah Shariah..sorry hah..dun sa nagawa ko sayo nung highschool pa tayo..im really sorry.."

"sus..ang tagal na nun..wala na sakin yun", nakangiti kong sabi sa kanya..

"oh kamahalan..eto na po ang pagkain nyo..", sabi ni Jeff habang dala yung tray na naglalaman ng pagkain namin..may kasama syang isang crew na may hawak ding tray..

"salamat", nakangiti kong sabi sa kanya..

"seriously?..Shah..sayo lahat yan?", takang taka na tanong ni Rheicy..

Napatawa na lang kami ni Jeff..dumating na din si Ronnie na dala ang inorder nya..isang palabok lang ang kay Rheicy samantalang kay Ronnie naman ay spaghetti at chicken..tapos yung sakin ay spaghetti, burger, fries at creamy shake..ang kay Jeff ay palabok din..parang napahiya naman ako..ang dami kong pagkain..

2nd chance -the book 2Where stories live. Discover now