Chapter 8

187 9 0
                                    

SHARIAH POV

"R-rheicy..long time no see", bati ko din sa kanya..bakit nya kasama si Ronnie?,.

"well..hindi mo ba kami ipakikilala sa kasama mo?", nakangiting sabi ni Rheicy..si Ronnie ay tahimik lang..

"ah sya si Carlos..kaibigan ko..", natutulala ako sa mga pangyayari..

"hi Carlos..im Rheicy and this is Ronnie..my fiance'..", nakangiting sabi ni Rheicy..

Huminga ako nang malalim..sya pala ang babaeng sinabi ni Tita sakin dati..napatingin ako kay Ronnie na nakakunot ang noo..napatingin din sya sakin pero sya agad ang unang nag iwas nang tingin..

"well nice to meet you!", tugon ni Carlos..

"ah seriously..kaibigan ka lang ni Shariah?..i guess..boyfriend ka nya",

"im looking forward to that idea..", makahulugang sabi ni Carlos..anong ibig sabihin nya sa sinabi nyang yun..

"Rheicy..lets go", naglakad na si Ronnie..tss..kelan pa sya naging bastos?..

"nice to meet you again..and Shah..magkikita pa tayo for sure..so bye!", sumunod na si Rheicy sa nauunang si Ronnie..at napabuntung hininga na lang ulit ako..

"maghapon kong pinaghirapan ang mga ngiti mo..tapos sa ilang minuto lang, nawala na dahil sa lalaking yun"

"Carlos naman..tara na nga!"

Nakasakay na ako ngayon sa kotse ni Carlos..hayyy..nakakapagod ang araw na to.tahimik lang ako habang nagddrive si Carlos..ang liit talaga nang mundo..sa dami nang magiging fiance' ni Ronnie..si Rheicy pa..eto ang dahilan ko kung bakit iniwan ko si Ronnie..hindi na dapat ako apektado..isa pa limang taon na ang nakakalipas..pero bakit ganito..nasasaktan ako..knowing na any moment pwede nang makasal si Ronnie..

"Shah..nandito na tayo", hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami nang bahay..niyakap ko sya at nagthank you bago bumaba nang kotse..

"mahal mo pa din sya?", natigilan ako sa tanong nya..tumingin ako sa kanya at sya naman ay deretso lang ang tingin..

"Carlos..ano bang klaseng tanong yan?.."

"sabagay..it's been 5 years..kaya imposible na may gusto ka pa din sa kanya..sige na..pumasok ka na sa inyo..",

Nginitian ko lang sya at bumaba na nang kotse..nagthank you ulit ako at pumasok na sa loob nang bahay..pagkarating ko sa kwarto ko ay napasalampak na ako nang higa..hindi pa din ako makaget over sa mga pangyayari..at kusa nang tumulo ang luha ko na kanina ko pang pinipigilan..unti unting nagplay sa utak ko yung mga panahon na ako pa ang mahal ni Ronnie..lalo na yung mini concert nila kung saan nagtapat sya sakin..at yung time na nagmakaawa sya na bigyan ko pa sya nang chance..at yung time na iniwan ko syang nasasaktan..lahat lahat kusang inalala nang utak ko..ang unfair lang..dahil sya nakamove on na..samantalang ako..nabubuhay pa din sa nakaraan..ito na ata ang karma ko..pero bakit ganito..ang lupit naman nang karma..limang taon na nya akong pinapahirapan..ganun na ba talaga kalaki ang kasalanan ko?..inisip ko lang naman yung kabutihan nang taong mahal ko..bakit kailangang magdusa ako nang ganito..nakakapagod na..nakakapagod nang umiyak at umasa na baka may 2nd chance pa..kaso wala na ehh..isinampal na sakin ang katotohanan na wala na talagang pag asa..na kahit anong gawin kong pagsisisi, hindi na nya ako mahal..dahil matagal ko nang itinapon ang pagmamahal na binigay nya sakin noon..siguro nga everybody deserves a second chance pero hindi lahat nabibigyan nang pangalawang pagkakataon..

2nd chance -the book 2Where stories live. Discover now