Chapter 4

203 10 1
                                    

RONNIE POV

Nagbalik na sya..yan ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Nandito na ako sa opisina dahil nung nakita ko sya sa may pintuan ng resto ni Steph, automatic na naglakad ang mga paa ko paalis sa lugar na iyon..

"akala ko ba nasa opening ka nang resto ni Steph?",

Bungad sakin ni Rheicy nang pumasok sya sa opisina ko..si Rheicy ang gustong ipakasal sakin ni Papa dahil anak sya ng kaibigan nito..muntik pang maiannounce ni Papa ang engagement namin..buti nalang napigilan ko..matagal na kong nahingi nang tulong kay Rheicy para hindi na ituloy ang kalokohan ng mga magulang namin..pero lagi nya lang akong tinatawanan..

"hindi ka ba tinuruan na kumatok muna bago pumasok sa opisina ko?", sarkastikong sabi ko sa kanya..ano na naman kayang kailangan ng babaeng to..

"at kelan pa naging sagot sa tanong ang isa pang tanong?..paki explain..", taas kilay nitong sabi..hindi kami magkaaway..ganan lang talaga kaming mag usap..

"get out!", sabi ko sa kanya nang hindi tinitingnan..

"she's back right?", agad akong napatingin sa kanya..ngiting ngiti ito na animo ay nanalo sa laban namin..hindi ako umimik at bumalik na lang ulit sa ginagawa ko..

"awww..hindi ka na apektado?..nakakatuwa naman", lalong lumawak ang ngiti nito na parang may iniisip pa..pinagmasdan ko ang ngiti nya at hindi ko nagustuhan ang ngiting yun..

"wag na wag mo na ulit syang sasaktan or else-------",

"saktan ULIT??..hindi ko sya sinaktan dati..kinulong ko lang", pagputol nya sa sinasabi ko..ngumisi ito sakin..agad namang nag init ang dugo ko..

"pwede ba Rheicy..kung may binabalak ka..wag mo nang ituloy..", maawtoridad kong sabi sa kanya..mejo tumaas na din ang boses ko..nagulat din sya ng bahagya..

"oh..concern ka??..matapos kang iwan at saktan 5 years ago??",

"get out of my room..now..", kalmado kong utos pero alam kong ramdam nya ang pagkainis ko ngayon..

"well..sasabihin ko lang naman na napag isip ko nang tumutol sa engagement natin..pero napag isip ko din na wag na muna..maglalaro muna ako", nakangiti nitong sabi at akmang lalabas na nang opisina ko..kaso may naalala pa ata kaya humarap ulit ito sakin..

"at isa pa pala..she's still single..if you want to know.."

Tuluyan na itong lumabas nang opisina ko..sumasakit na ang ulo ko sa kamalditahan ng babaeng to..

arghhhh

SHARIAH POV

"sige na guys..please.."

Nandito ako sa mall ngayon kasama sina Steph, Ian, JB at Jeff..nakipagkita ako sa kanila para sabihin na sila ang gusto kong tumugtog sa surprise party ko kina Mama at Papa sa wedding anniversary nila..

"bestie..G Clef ang gusto mong tumugtog dun..ehh kulang kami ohh",

Napabuntung hininga ako..oo nga pala..parte na nang G Clef si Ronnie..

"so kapag pumayag si R-ronnie..papayag na din kayo?,..pagbibigyan nyo na ko?", sabay sabay silang tumango..bakit ba kailangan kong magpakahirap ng todo para sa party na to..kung hindi ko lang mahal ang mga magulang ko ehh..

2nd chance -the book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon