Dahil sa mga sinabi ni Janine lalo akong napaiyak.


Ramdam ko yung sakit! Sakit dito sa puso ko, pakiramdam ko unti unti akong nadudurog sa sakit! Bumalik lahat sakin ang mga alaala na inakalang magkakaroon nang katuturan, na inakala kong may patutunguhan, na inakalang in the end ako ang pipiliin nya, na ako ang mamahalin nya. 


Damn that fucking AKALA word! Ang sakit na kasi T_____T


Sa huli ako pa rin ang naiwang mag isa! Ako pa rin ang luhaan. Ako pa rin ang nasasaktan.


"Tama na Kate! Yung sipon mo kumalat na sa damit ko" sabi ni janine.

Hinampas ko sya sa balikat sya.


"langya ka! Epal mo :3 nagdadrama ako!" sabi ko sa kanya. 


Pagkatapos nya akong paiyakin tapos aasarin lang pala ako.


"Wala ka naman kasi dapat na iiyak dyan, para ka kasing timang! There is someone wanted to see you na alam kong ikatutuwa mo" sabi ni Janine.


Napakunot ako ng noo ko at napatingin sa direksyon na tiningnan ni Janine.


It was her!


It was


Nicole!


But how?


But why?


Bakit sya andito?


Anong ginagawa nya dito?


Nakita kong nakatingin sya sakin at kitang kita ko ang pagpatak ng mga luha nya sa mata nya.


Gusto ko syang lapitan! Gusto ko syang yakapin. Gusto kong punasan ang mga luhang yun na hindi ko alam kung para saan.


Nasasaktan akong makita syang ganyan, makita syang umiiyak sa harap ko..


"I guess kailangan nyo ng mag usap! Just to make things clearer! Para matigil na sa pag ka emo itong si kate at tigilan nyo na yang kadramahan nyong dalawa! Naiiyak ako! Iwanan ko na nga kayo!" sabi ni Janine at saka ito umalis na halatang nagpupunas din ng luha sa mata nya.


Nanatili lang akong nakatingin at nakatitig kay Nicole.

Ramdam ko ang pag ihip ng hangin na dumaan sa amin.


Sobrang tahimik namin at nakatingin lang kami sa isat isa.


Tanging ang pag ihip ng hangin, ang paghampas ng alon ng dagat sa bato ang naririnig ko. At kabilang na din sa naririnig ko ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin ako sa kanya.

This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)Where stories live. Discover now