CHAPTER 35

20.4K 460 31
                                    

Nicole's POV

I was at the venue.

Nasa harap ng restaurant!

I'm almost 30 minutes late.

Hinatid na lang ako ni Cheska dito kasi nga sobrang late na ako.
Sana andyan pa sya sa loob.

Patakbo akong pumasok sa loob ng restaurant.

All the tables are ready. The food! The venue is ready.

Pe-pero nasaan si Kate?

Nasaan sya?

Pumunta ako sa may mesa. At saka napaupo.

Hindi nya na yata ako nahintay!

Hindi na siguro.

Napayuko ako at saka napatulo ang luha ko.

Kanina pa ako umiiyak. Napaka iyakin ko talaga. Sobra! Bakit ba ako ganito?

Nakayuko nang biglang may humawak sa may balikat ko.

"Kate?" Sabi ko.

Napalingon ako. At sobrang disappointed. Dahil hindi si Kate ang nakita ko.

"Haide?" Nabanggit ko nalang.

When I saw Haide, parang nadagdagan yung pain na nararamdaman ko. Dahil ba alam kong ang babaeng nasa harap ko ang babaeng sinabihan ni Kate na mahal nya ito.

"A-anong ginagawa mo dito?" Sabi ko Kay Haide.

"I'm here to watch! Pero just like what happened before. Hindi na naman natuloy." Sabi nya.

Anong hindi natuloy kaya ang sinasabi ni Haide. I don't understand.

"W-what do you mean?" Tanong ko Kay Haide.

"Remember the time? Nung sinundo kita at pinagbihis kita? That was the time na dapat sasabihin ni Kate ang gusto nyang sabihin sayo." Sabi nya.

"A-anong sasabihin nya?"

"MyGod Nicole! Ganun ka ba kamanhid? What do you think ang sasabihin nya kapag nag prepare sya ng dinner for the both of you, na kayong dalawa lang? A romantic date Nicole. You been hurting Kate for so long pero ininda nya lahat just to show you how much you mean to her. Pero manhid ka yata kaya hindi mo maramdaman kung gaano ka nya iniingatan. Sa sobrang pag iingat nya na hindi ka masaktan, sya yung nasasaktan!" Paliwanag ni Haide.

Dahan dahang tumulo ang mga luha ko sa mga narinig ko.

"I-i don't know! I-im sorry" sabi ko nalang.

Sa sobrang pag iingat nya na hindi ka masaktan, sya yung nasasaktan!

"Sorry? Sorry? Yun lang ang kaya mong sabihin Nicole? What about the pain she suffer?"

"Yo-you don't understand!"Sabi ko.

"I don't understand? Oh yeah! Dahil ang naiintindihan ko lang ay si Cheska ang mahal mo. Kate is broken the last time she love a girl named Danica. You don't know the whole story right?" Sabi ni Haide.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

Whose Danica?

Biglang nilabas ni Haide ang phone nya at pinakita ang isang picture.

The picture is Kate . Danica . and Cheska.

"Sya si Danica. Si Danica ang babaeng minahal ng dalawang taong nagmamahal sayo ngayon Nicole. Danica choose Cheska like you did. Sobrang nasaktan si Kate sa nangyari, Kate is so in love with Danica. But suddenly. Danica's left Cheska, because she need it! Dahil yun ang kailangan. May sakit si Danica kaya kahit masakit na iwanan nya si Cheska ginawa nya pa rin, dahil babalik sya kapag okay na sya. Pero palala na ang sakit ni Danica. At nalaman nya ang about sayo at ni Cheska. Because she want Cheska to be happy hinayaan nya si Cheska na mapalapit sayo. Pero napansin nya na si Kate ay malapit din sayo. At naalala nya ang pain na dala nya kay Kate. She sent me here. Para paibigin si Kate. Yeah! You heard it. I'm one of the close friend of Danica. Nagustuhan ko si Kate but I can feel it that she really loves you, so I decided na pagkakataon na naman ni Kate na sumaya. Na kailangan nang matapos ang pain na nararamdaman nya. But history repeat itself." Mahabang kwento sakin ni Haide.

"I love her!" Sabi ko habang nakayuko.

"I know you love Cheska."

"You're wrong! Wala kang alam Haide. Mahal ko si Kate. I choose Kate over Cheska. So don't even try to judged what you see, dahil hindi mo alam ang nararamdaman ko!" Sagot ko naman sa kanya.

Nakita kong na shock sya. I saw it in her face.

"I-im sorry! I-i didn't know! Then bakit di mo sya puntahan ngayon? She's leaving! At kahit ako hindi ko alam kung saan sya pupunta."

"W-what? A-alis sya. Waaah! Waaait! Alis na ako." Sabi ko.

At saka ako nagmamadaling lumabas ng restaurant at andoon pa si Cheska.

Sumakay ako sa kotse ni Cheska nang wala ng sabi sabi.

"What happened?" Tanong nya.

"Mamaya na. Hatid mo ako sa bahay ni Kate! Now na. Kailangan ko syang maabutan." Sabi ko Kay Cheska.

Hindi nalang sya nagtanong at agad na pinaandar ang ni Cheska ang kotse nya.

"Cheska! Bilisan mo please! Kailangan ko syang maabutan." Sabi ko sa kanya.

Kinakabahan ako na naiiyak na ngayon.

Nakarating na kami sa bahay ni Kate.

Agad akong bumaba ng kotse ni Cheska at saka nag door bell.

Lumabas ang isang katulong nila.

"Bakit po?"

"Nasaan po si Kate?, andyan po ba sya?" Tanong ko agad doon sa katulong.

"Kakaalis lang po nya."

"Saan daw po sya pupunta?"

"Hindi nya po nabanggit!"

"Si-sige salamat po."

Umalis na ako at agad na sumakay sa kotse ni Cheska.

"Let's go!" Sabi ko.

"Saan?" Tanong ni Cheska

"I dont know. Kakaalis lang daw ni Kate." Sabi ko.

"Calm down Nicole. Calm down please!"

Pinaandar ni Cheska ang kotse na hindi namin alam kung saang direksyon kami pupunta.

One hour na kaming nag iikot at hindi ko alam.

Napatigil kami.

"Let's go home Nicole!" Sabi ni Cheska.

Umiling ako habang tumutulo ang luha ko "No! I want to see her. I want to tell her how much I love her. I want her." Sabi ko Kay Cheska.

"Tama na Nicole! We don't even know kung saan tayo magsisimulang maghanap. Umuwi na tayo." Sabi sakin ni Cheska.

"No! Ayoko! Hahanapin ko si Kate! Hahanapin ko sya." Sabi ko.

Bigla akong hinila ni Cheska palapit sa kanya at saka nya ako niyakap.

"Please Nicole! Umuwi na tayo. Promise. Hahanapin natin si Kate. Tutulungan kita. Kailangan mo ng magpahinga." Sabi ni Cheska sakin.

Napayakap naman ako sa kanya at saka ako umiyak nang umiyak.

Iniuwi ako ni Cheska. Sa bahay na din sya nag stay para mabantayan ako.

Bakit nangyayari to?

Gusto ko lang naman maging masaya.

Authors Note: Pagtyagaan nyo ang update. hahaha. Dahil BH ako. Walang forever. Haha. DeJoke. Hahaha

This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon