CHAPTER 9

27.8K 804 129
                                    

NICOLE'S POV

TOK TOK TOK!

Naalimpungatan ako sa pagkatok sa may pintuan ng bahay ko.

Walang pasok ngayon kaya trip ko matulog! Ayoko naman lumabas kasi wala naman akong makakasama.

Tok! Tok! Tok!

Aaayst! Sino ba to?

Ang aga aga naman oh!

Napatingin ako sa orasan na nasa side table ko.

8:05 AM

Gusto ko pa matulog!

Tok! Tok! Tok!

Ang kulit naman! Aayst!

Ngayon lang to.

Sino ba kasi ang bisita ko? Wala naman akong ini expect na bisita ngayon :3

Saka wala namang bumibisita sakin e.

TOK! TOK!

Lalong lumakas ang pagkatok sa may pintuan kaya napilitan akong bumangon.

Nakoooo! Ayoko naman masira yung pinto ng bahay ko.

Pagbukas ko ng pinto

O_________O

"Kate? Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Instead na sagutin nya ang tanong ko ay tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa pabalik sa ulo ulit.

At ngayon ko lang na realize na nakasando lang ako at nakasuot ng pajamang manipis. Bukod dun ay hindi pa ako nagsusuklay at yung hininga ko pwede ng insecticide :3

"Goodmorning :) i brought you a breakfast!" Sabi nya. Saka ipinakita sakin ang dalawang paper bag na dala nya na may mga lamang pagkain.

"U-upo ka!" Sabi ko.

Pumasok sya at saka ako pumasok ulit sa kwarto ko.

Naligo ng mabilisan at saka nagbihis ng pambahay.

Kung saan ko sya iniwanan ay wala na sya dun

Alam nyo kung nasan?

Nasa kusina na.

Naghahanda ng pagkain.

"Hi :) " sabi nya.

Dinala nya ang mga pagkain sa mesa.

"Lets eat!" Alok nya pa.

Sinabi ba nyang? Lets eat?

So ? kasalo ko sya kumain?

Naupo nalang ako at kumain.

Habang kumakain kami ay napapatingin ako sa kanya.

"What?" Sabi nya. Nang mapansin nya na tumitingin ako sa kanya.

"Ano kailangan mo?" Direktang tanong ko sa kanya.

Nakakapagtaka lang kasi na pupunta sya dito sa bahay na walang dahilan. Na para lang kumain. Haler! Mayaman kaya sya.

"Pambawi ko kasi to." Sabi nya.

Pambawi?

Ano ba sinasabi neto?

Anong pambawi?

"Ha? Pambawi saan?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

Sinubo ko yung pagkain

" Diba kasi di kita nahatid? Kasi nainip kana yata kakahintay sakin e. Sorry ha?" Paliwanag nya.

Muntik ko ng matapon yung pagkain na nasa loob ng bibig ko.

This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon