CHAPTER 13

26.3K 689 60
                                    

Kate's POV

Tok! Tok! Tok!

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang malakas na pagkatok sa may pintuan ng kwarto ko.

Nahiga ulit ako sa kama ko. Saka nagtalukbong ng kumot.

Tok! Tok! Tok!

Aaayst! Sino ba yun?

Tinanggal ko ang kumot na nagtatakip sa mukha ko.

"PASOK!" sigaw ko para marinig ako mula sa labas ng pintuan.

Mula sa pintuan ay lumabas ang isa sa katulong sa bahay namin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Uhmm. Ano po kasi may bisita po kayo sa labas." Sabi nya habang nakayuko na parang natatakot sakin.

Alam kasi nila na ayokong iniistorbo ako kapag nasa kwarto ako.

Pero teka! Anong sabi nya ? Ako may bisita? Napataas ang isang kilay ko saka ako napatingin sa may orasan sa may side table ko.

8:13 am

Seryoso? Ganitong oras?

"wala akong ini expect na bisita ngayon." Sabi ko.

"Yun din po yung sabi nya." Sagot nung katulong.

"Sino daw ba sya? Mamaya kung sinu sino pinapapasok nyo." Sabi ko.

"Nicole daw po pangalan nya. Classmate mo daw po sya." Sabi nya.

Nicole? Si Nicole?

"Shiiiiit! Okay pakisabi susunod nako." sabi ko.

Saka ako nagmamadaling bumangon at saka dumiretso ng banyo para maligo.

After a few minutes at natapos na din akong mag ayos.

Tingin sa salamin.

Maganda na ako diba?

Ahmm. teka. Ano kayang kailangan ni Nicole?

Palabas palang ako ng pinto at pababa ng hagdan. First time Kong kabahan sa kanya. Yung pakiramdam na hindi ko alam kung anong kailangan nya sakin.

Pababa na ako ng hagdan at natatanaw ko na sya na nakaupo sa may sofa.

Pagkakita nya ay bigla syang ngumiti sakin.

^_________^

That smile . Really look so cute on her.

Pero kailangan Kong magmatigas.

Naupo ako sa may tapat nya.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Okay ka lang ba? Maayos ba pakiramdam mo? Ilang araw kang hindi pumasok. Bakit? Anong nangyayari sayo?" Sunod sunod na tanong nya sakin.

Concern ba sya?

Pero bakit?

Akala ko ba okay na sya kapag wala ako. Na mawawala ang bwisit sa buhay nya kapag wala na ako. Na mas makakahinga sya ng maluwang kapag hindi nya na ako nakita.

"Okay naman ako." Sagot ko.

Bigla syang tumayo at saka tumabi sakin. Saka nya hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"You look pale." Hinawakan nya ang noo at leeg ko. "hmm.  Medyo mainit ka saka para kang pinagpapawisan ng malalamig."

Panu naman ako hindi pagpapawisan ng malamig? Eh hinawakan nya ako tapos ang lapit na nang mukha nya sa mukha ko.

This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)Where stories live. Discover now