BONUS CHAPTER :)

18.3K 433 6
                                    

Kate's POV

All the flowers are ready.

Pupuntahan ko na ba sya?

Lakad sa kaliwa

Lakad sa kanan.

Shocks! Natotorpe ako.

"Ano ba yan Kate, nahihilo na ako sayo eh!" Pagrereklamo ni Haide sa akin.

"Kinakabahan kasi ako. Paano pag hindi nya tinanggap yung bulaklak na ibibigay ko?" Tanong ko naman sa kanya.

Oo nga! Paano kapag hindi nya nagustuhan? Waaa!

"Ano ka ba? Hindi naman ganung klaseng tao si Nicole right?" Sabi nya.

Kunsabagay! Hindi naman pala maarte si Nicole.

Kaso hindi talaga yun ang pinoproblema ko ii. Kundi yung kaba na namamahay dito sa dibdib ko.

"Aalis na ako. Susunod nalang ako sayo huh? Balitaan mo nalang ako. Hindi ako makakapasok ngayon! May lakad akong importante." Sabi nya at saka nya ako hinawakan sa magkabilang balikat ko. "Kaya mo yan Kate! Go for it!" Pagpapalakas nya ng loob.

Tumango nalang ako sa kanya at nagpaalam.

Pumunta na ako sa school at nasa kotse ang bulaklak na binili ko para kay Nicole.

Nasa room kami pero Hindi sya kumikibo at parang ang lalim ng iniisip nya.

Break time na pero hindi ko pa rin nabibigay ang bulaklak na para sa kanya.

Nakita kong lumabas sya at saka ko sya sinundan. Nakita kong dumiretso sya sa may garden at saka naupo sa isang bench doon.

Pagkakita ko sa kanya ay bumalik ako sa parking lot para kunin ang bulaklak.

Bumalik ako sa kinauupuan ni Nicole. Andun pa rin sya. Okay! Great!

Lalapit na sana ako nang maramdaman ko na naman ang paglakas ng kabog ng dibdib. Pisti naman ooh!

Bigla akong umatras at saka napasandal sa isang pader doon at saka napatingala.

Ano bang gagawin ko?

Lalapit lang naman ako sa kanya. Pero bakit parang ang hirap gawin.

Lumapit ako Kay Nicole at saka humarap sa kanya. Napaangat sya ng tingin sa akin.

"Ooh! Bulaklak!" Sabi ko at saka ako tumalikod.

Waaaah!!! Erase Erase.

Ano ba tong iniisip ko?

Ang korni naman nun. Jusko! Parang naligaw lang ako nun.

And then a bright ideas comes on my mind.

Tinext ko nalang ang sasabihin ko sa kanya at saka ko hinila ang sinumang babaeng dadaan sa harap ko para utusan na ibigay Kay Nicole ang bulaklak.

Waaa! Inabot na talaga ako ng pagkatorpe. Jusko! Huhu.

Bumalik ako sa room namin kasi nagtext na si Haide na nasa room na daw sya.

Kakabukas ko lang ng pinto nang bumungad na agad sa akin si Haide.

"Helloooo. :) Kumusta? Ano nangyari? Anong sabi nya? Nagustuhan nya ba? Nag usap ba kayo? May chance ka daw ba? What?" Sunod sunod na tanong sakin ni Haide.

Paano ko ba sasabihin sa kanya yung ginawa ko? Kasi naman pesteng pagka torpe ko umatake na naman oh!

"Eey! Ano kasi eh! Hindi ako yung nagbigay ng bulaklak. May inutusan ako para magbigay." Sabi ko Kay Haide.

"What? Bakit? Haayst! Haay naku Kate! Dapat ikaw ang nagbigay nun. What if akalain nya na si Cheska ang nagbigay sa kanya nun?" Sabi ni Haide.

Waaa!, diko alam! Huhu. Bakit ba diko naisip yun? Tanga mo talaga Kate!

Naupo kami ni Haide.

"Okay! Ganito nalang huh? Yayain mo syang mag date. A dinner date. Okay? A romantic date okay?" Sabi sakin ni Haide

Hindi ako marunong ng romantic date. Huhu.

"Pero hindi ako marunong nun"

"Ano ka ba naman Kate. Just asked her to eat dinner, watch movie. That's all." Sabi ni Haide.

"Ganun lang ba yun?" Tanong ko sa kanya.

The last na dapat magdidinner kami ay si Haide ang nag ayos ng lahat. Hindi daw sya pwede ngayon kasi may lakad sya. Kanina pa ito may lakad si Haide.

"This time Kate. Sabihin mo na sa kanya ang nararamdaman mo. Okay?" Sabi ni Haide

Tumango nalang ako sa kanya.

"Okay! Let's begin." Sabi nya. "Isipin mo ako si Nicole."

"Nicole, there is something I want you to know. I love you.  I really do. Sobrang saya ko na nakakasama kita. At aaminin ko na ayaw kitang nakikitang nasasaktan. If you give me a chance para mahalin ka. I won't let you cry." Sabi ko

"Hahahaha. You're kidding right?" Sagot ni Haide.

Pumikit ako at saka ko inisip na si Nicole ang kaharap ko.

"I'm not! I love you. I do really love you." Sabi ko.

"Talaga?"

"Yes! I love you!"

"Then, prove me!" Sabi ni Haide.

"I LOVE YOU! MAHAL NA MAHAL KITA. I LOVE YOU SO MUCH!" Sigaw ko. "Okay na ba Haide?" Tanong ko pa sa kanya.

Screaming is really makes you feel better.

Biglang pumalakpak si Haide.

"Galiing! Dapat ganyan huh? Tanggalin mo na yang kaba sa dibdib mo. Para Kay Nicole." Sabi ni Haide.

"Salamat Haide."

Ngumiti sya sa akin.

Biglang nag ring ang phone ni Haide.

*ring ring ring*

"Excuse me Kate, I'll get this call okay?" Paalam ni Haide.

Tumango nalang ako.

"Okay! Yeah! Stay there! I'll be there." Narinig kong sabi ni Haide.

Sino kaya yun? Maybe just a family member.

"Sorry Kate. I gotta go! Tandaan mo lang mga sinabi ko. And be Strong okay?" Sabi ni Haide sa akin.

Tumango ako sa kanya.

Umalis na si Haide at saka ako naupo sa isang tabi.

I'll do anything for you Nicole.

This time. Hindi na talaga ako matotorpe.

Authors Note:
Thank you sa mga nagbabasa :) Nag cocomments at nag vovotes din :)

This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)Where stories live. Discover now