CHAPTER 26

20.8K 527 26
                                    

Nicole's POV

"Bilisan mo Nicole! Ang bagal bagal mo talaga maglakad." Sigaw sakin ni Kate.

"Oo na. Waaait! Ang bigat kaya nang pinadala mo sakin." Sigaw ko naman sa kanya.

Oo tama kayo! Magkasama kami ngayon sa resort nya. Kung paano nya ko napapayag hindi ko rin alam. Mukhang pagsisisihan ko yata na sumama ako dito. Huhu

Looord! Gabayan nyo ako dito. Waaaa!

Bigla syang lumapit sakin.

"Akin na nga. Ako na nga magdadala nyan." Sabi nya saka kinuha ang dala ko.

Naglakad na kami sa sand at saka kami pumunta sa may bahay nya dun.

Seryoso? Dito kami mag e stay? In Five days? Magkasama kaming dalawa lang dito?

Pumasok kami doon at saka nya binuksan ang isang kwarto dun.

"Dito ang kwarto natin." Sabi nya sakin.

NATIN?

Sinabi nya bang NATIN?

"WHAT?" Napalakas kong sabi sa kanya.

Ngumiti sya sakin. "Syempre joke lang yun. Dalawa ang kwarto dito. Isa sayo at isa sakin. Okay na po?" Sabi nya sakin.

Lagi akong aatakihin sa puso sa babaeng to. Hindi kasi inaayos ang mga sinasabi e.

"Magbihis kana may pupuntahan tayo :)" sabi nya sakin. At saka binigay sakin ang bag ko.

Kinuha ko ito at saka ako pumasok sa kwarto na para sa akin.

Napatingin ako sa kwarto. Maganda sya. May mga picture doon. Napatingin ako sa mga picture.

Sino ang babaeng ito?

Bale ang nasa picture ay si Kate, Yung Babae na hindi ko kilala at si Cheska.

Inilapag ko ang gamit ko sa may kama at saka ko kinuha ang picture na nasa side table.

Tinitigan ko ang Babae. Hmmm .. Maganda sya. Simple lang pero maganda sya. Sino kaya sya? Kasama din sa picture si Cheska.

Teka! Speaking of Cheska. Hindi man lang ako nakapag paalam sa kanya na pupunta ako sa lugar na ito. Kasi naman si Kate, ang mga desisyon biglaan. Haaayst! Well wala naman talaga akong balak sa Five days vacation na ito e.

Pero talaga sino ang babaeng to?

Tiningnan ko ang picture at saka tinitigan.

Hmmm .. Mukhang masaya sila dito. And ibig sabihin close pala talaga si Cheska at Kate. Sa tingin ko matagal na rin ito kasi short hair pa ang buhok ni Kate dito unlike ngayon na long hair na talaga na sadyang bumagay talaga sa kanya.

"Aalis na tayo, magbihis kana!"

Napatingin ako sa Boses na nanggaling mula sa may pintuan. Nakita ko si Kate na nakatayo doon at naka cross arm.

Lumapit sya sakin at saka kinuha ang picture na hawak ko.

"Andito nga pala ako para kunin ito" sabi nya habang hawak hawak ang picture na yun. "At para sabihin din sayo na you should wear your swim wear, Hindi pwede ang Hindi naka swimwear dito." Dagdag nya pa.

o_____O What? Swim wear? Seryoso sya? Pero wala akong dala. Short lang dala ko na pang swimming pwede na siguro yun.

Tumango nalang ako sa kanya at saka sya lumabas ng kwarto at saka nya ito isinara.

Binuksan ko na ang bag ko at naghanap ng masusuot.

Alin ba susuotin ko? Kulay yellow kaya? Or itong purple? Or this Orange? Red? Or Blue?

This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)Where stories live. Discover now