CHAPTER 12 REPEAT.

25K 635 60
                                    

Sorry guys. Kulang pala yung na update ko na Chapter 12 . Naiiyak ako. Mahaba yung sinulat ko gamit phone tapos biglang nawala pagka publish ko :3 Sorry po!

Nicole's POV

Its been 2 days.

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nong mangyari yun.

Simula nang araw na yun. Parang biglang nagbago yung ikot ng Mundo ko. Yung magulong mundo na kinasanayan ko biglang natahimik.

This is what I called. "Strangers Again."

Gusto ko syang kausapin pero parang sinasabi ng isip ko na hindi.

Na wag ko syang kausapin.

Napatingin ako Kay Kate na nakaupo sa may unahan. Wala syang kibo. Hinihintay ko sya na tumingin sakin pero hindi sya tumitingin sakin.

Natapos ang klase na parang ibang iba na yung Kate na nakilala ko noon sa nakikita ko ngayon.

Too different!

Tiningnan ko lang sya habang palabas ng room. Dumaan sya sa may part ko kasi nasa likod ko lang ang pinto. Pero parang isa akong hangin na hindi nya nakikita.

Aaayst!

Nasa room ako. Break time ngayon. As usual. Wala naman akong nakakasama e. kaya nagpaiwan nalang ako sa room na mag isa.

Inikot ko ang paningin ko sa buong classroom.

Ganito na ngayon ang life ko. Nakakabingi yung katahimikan. Nawala na yung ingay! Padang ngayon. Wala na. Wala na.

Napabuntong hininga ako.

Nag iisip ako ng biglang may humarang na kamay sa may mata ko.

Laaa. Sino to ?!

Teka !!

Ngumiti ako. Alam ko na kung sino to. Si Kate to. Manunumbalik na ba ang ingay ng buhay ko? Ang magulong mundo ko?

Pilit Kong tinatanggal ang kamay na na nakatakip sa may mata ko.

"Aaayst! Ano ba??" Tinatanggal ko pa rin.

"Ano ba Kate!" Sabi ko.

Unti unti ng lumuwang ang kamay nya.

Napangiti ako. Akala nya siguro hindi ko alam na sya yun.

Maybe ito na rin ang right time para makausap ko sya.

Lumingon ako at ....

"Cheska?" Pagulat na sambit ko.

Hindi pala si Kate. Si Cheska pala. Sya pala yun.

Ngumiti sya sakin. At saka tumabi sakin.

Tiningnan ko sya.

"You miss her!" Sabi nya habang nakatingin sa unahan na parang malalim ang iniisip.

Miss ko ? Sino ba tinutukoy neto?

"Huh? Sino?" Tanong ko.

"Si Kate." Sambit nya.

I tooked a deep breath at saka din napatingin sa may unahan kung saan nakatingin si Cheska.

"Syempre .  . . Hindi! Panu ko ba mamimiss yung ganung klaseng tao? Masaya na ako ngayon. Maayos na ang buhay ko. Wala nang magulo. At natahimik na yung mundo ko. I don't miss her!" Sabi ko.

Bigla akong naguluhan sa mga salitang nasabi ko.

Hindi ko ba talaga sya namimiss?

Totoo bang masaya ako na wala sya?

Na walang magulo sa buhay ko na nakasanayan ko na ng ilang taon.

Kaya ko ba?

Masaya ba talaga ako?

Napabuntong hininga nalang ako sa nasabi ko. Ayoko ng bawiin pa yun.




Kate's POV

Nasa labas ako ngayon at napag desisyunan ko na bumalik na sa room dahil malapit na din naman magsimula ulit yung klase namin.

Siguro naman wala pang tao dun kasi may 15 minutes pa bago magsimula ulit ang susunod na klase namin.

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil magkatabing nakaupo si Cheska at si Nicole. Siguro hindi nila alam na nasa likod nila ako dahil hindi man lang sila lumingon.

Napansin ko na pareho silang nakatingin sa white board. Anong meron? May contest ba ng paunahang matunaw ang white board ?

"Si Kate." Sabi ni Cheska na ikinagulat ko.

Panu ako napunta sa usapan nila?

Tama ba pagkakarinig ko? Ako ang pinag uusapan nila.

Napatingin ako Kay Nicole ng magsimula na itong magsalita.

"Syempre .  . . Hindi! Panu ko ba mamimiss yung ganung klaseng tao? Masaya na ako ngayon. Maayos na ang buhay ko. Wala nang magulo. At natahimik na yung mundo ko. I don't miss her!" Sabi ni Nicole na hindi ko malaman kung ano ang impresyon ng mukha nya dahil nakatalikod sya.

Bawat salitang narinig ko kay Nicole ay parang unti unting pagsikip ng dibdib ko. nang nararamdaman ko.

Wala talaga akong halaga kay Nicole. She think that im just a mess in her life. Na isa lang akong pang gulo sa tahimik nyang mundo.

Now i know.

Now i know.

Dahil sa sakit na nararamdaman ko ay lumabas ulit ako at napalakas yung pagsara ko ng pinto.



Nicole's POV

Masyado kaming seryoso sa pag uusap namin ni Cheska Nang marinig namin ang biglaang pagsara ng pinto.

o_______O

Ano yun ?

Laaaa!! Baka may multo dito. waaaah!! Ayooooko!

After a couple minutes ay nagdatingan na ang mga classmate namin kaya bumalik na din si Cheska kung saan sya nakaupo.

Dumating na ang professor namin pero wala pa rin si Kate. Nasan na kaya yun? May balak bang pumasok yun?

Pero natapos na ang klase namin. Walang Kate akong nakita. Hindi sya pumasok.




This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)Where stories live. Discover now