Tumawa naman siya.

"Oh sayo na!" sabi niya at nilalapit sa bibig ko ang strawberry.

"Tumigil ka nga Regine!" sabi ko sa kanya.

"Isang kagat lang!"

"Ayoko! Tumigil ka nga ang harot mo." pwede banag manapak ng babae? Kahit isang beses lang?

Hindi parin siya tumigil. "Isang kagat lang tapos hindi na ako manggugulo promise!" arrrrggghhhh! Shit naman oh.

"Fine! umalis kana agad ha!" sabi ko sa kanya.

Tuwang tuwa naman siya at dahan dahan niyang sinubo sakin yung Stawberry.

Saktong pagkagat ko ay nakita ko mula sa gilig ng mata ko na nabuksan ang pinto.

Lumingon ako doon.

Si Stef.

Halatang nagulat siya.

Ngayon ko nalang ulit siya nakita... Gusto ko siyang yakapin pero..... Galit ako sa kanya.

Hindi ako nagsalita maging si Regine ay nakatingin lang kay Stef at maya maya'y nagsalita na siya.

"A-ano...N-nagtext si Mommy Line.. D-di k-ka d-daw niya m-matawagan.."

Hindi siya nakatingin samin habang nagsasalita. Pagtapos niyang sabihin yon ay agad siyang umalis.

"Ooops?" sabi ni Regine at pumasok na siya sa kabilang kwarto.

Umalis na rin si Regine at naiwan akong mag isa doon. Hindi ako pupuntang Baguio. Dto lang ako sa Condo ko.

*END OF FLASHBACK*

Nung araw naman na nakasama namin sila Stef at Brandon sa Restaurant, tinext ako ni Regine non.

Sinabi niya na niyaya siya ni Brandon na kumain sa labas.

Sabi pa niya na tutulungan niya akong pagselosin si Stef.

Meron din daw siyang pagseselosin kaya parehas daw kaming makikinabang.

Nagalit ako nun dahil mag de date sila. Kaya pumayag ako.

Nagulat din ako nung hinalikan ako ni Regine. Alam ko plano niya yun.

Nakita ko kasing kanina pa nakatingin saming dalawa yung lalakeng katapat ng table namin.

Malamang yun yung pinapaselos ni Regine.

Sinakyan ko lang si Regine nun dahil gusto kong ipamukha kay Stef na hindi ako naaapektuhan sa halikan nila ni Brandon.

Nakakapagtaka nga na bigla silang umalis.

First time kong masampal.

Pero hindi ko maramdaman yung sakit ng sampal ni Stef dahil ang nararamdaman kong sakit ay wala sa mukha ko kundi nasa dibdib ko.

Pinagmukha niya akong tanga non. Gusto niya pang magpaliwanag. Hindi ko na yun pinakinggan dahil wala ring kwenta.

Natigil ako sa pag iisip sa mga nangyari nang nag ring ang cellphone ko.

"Kuya asan ka???" tanong ni Steffan.

"Condo bakit??"

"Pupunta ako dyan. Wag kang umalis."

Anong kailangan nun? Hindi naman kasi siya pumupunta dito.

Maya maya lang ay may nag doorbell.

My Knight (de la Vega Brother's)Where stories live. Discover now