KABANATA 23

30 1 0
                                    

-The sister-



(Stef's POV)


8am na.


Tinext ko si Sir Brandon na malilate ako.


Nakahiga parin ako sa kama.


Mahapdi at namamaga ang mata ko.


Nilalagnat din ako dahil mahigit isang oras akong nakatulala sa lugar kung saan ako iniwan ni Matthew kagabi habang umuulan.


Tumulo na naman ang luha sa mata ako.


"Shit!" pinunasan ko yon at bumangon na.


Papasok parin ako kahit nilalagnat ako.

Baka anong magawa ko sa sarili ko pag andito lang ako sa loob.


Naligo parin ako. Magpapakamatay ata ako nito.


Black dress ang suot ko. Kasi nga namatayan ako. Namatay kagabi ang puso ko.

And White heels.


Nilalamig ako pero ok lang.

Masakit ang ulo ko pero tinitiis ko.

Para naman mabaling ang sakit na nararamdaman ko sa ulo ko. Para hindi ko maisip at maramdaman na nasasaktan ako.


Binati ako ni manong guard ng nakangiti at tumango lang ako sa kanya.


Pakadating ko sa 30th floor ay nakita kong nakatayo sa harap ng bintana si Sir Brandon at napalingon sakin.


"Good morning Sir." sabi ko at agad pumunta sa desk ko.


Pansin kong nakatingin lang siya sakin.


Binuksan ko agad ang laptop at ginawa ang mga dapat kong gawin.


Naramdaman kong lumapit siya sakin pero hindi ko siya pinansin.


"Are you mad? I'm sorry sa nagawa ko..." this time napatingin na ako sa kanya. Bakas ang sinseridad sa mukha niya.


"Ok lang. tapos na yon." walang gana kong sabi. Hindi naman ako galit sa kanya. Mejo naiinis ako dahil doon ay nag away kami ni Matthew.


Kumirot ang puso ko nang maalala ko na naman siya.


"Nasa labas kasi si Cheska..." Huh? Who's Cheska?


"Cheska???" tanong ko sa kanya.


"Ex.... Kaya Sorry kung ginamit kita para mapaalis siya...." Iniwas niya ang tingin sakin.

My Knight (de la Vega Brother's)Where stories live. Discover now