KABANATA 9

28 1 0
                                    

-Ano ba tong pinasok ko?-



(Stef's POV)


"Kailangan mo ba talagang mag apply pa??!!" pang ilang tanong na ni Kuya yan sakin. Dapat kona atang irecord ang paulit ulit kong sagot na OO.


Nagluluto na ako ng agahan namin. Alas sais na ng umaga at 8am akong pupunta sa pag a applyan ko.


Mas maganda na ang maaga.


"Yes Kuya." walang gana kong sagot.


"But-" nilagyan ko ng mighty bond ang bibig niya. Joke.


"But...but...but... Mahilig ka sa but!" sabi ko and I rolled my eyes.

"Kuya... Kailangan kong gawin to... Para sa ikakaunlad ng Pilipinas." natatawa kong sabi sa kanya.


Ni hindi man lang tumawa! Laglag na nguso niya sa mesa.


"Dapat sinusuportahan moko..." nagtatampo tampuhang sabi ko.


Kumakain na kami at dina ako nagsasalita kahit alam kong tinitingnan niya ako.

Nakayuko lang ako at kunwaring nagtatampo. Hahaha


"Fine. Pero make sure na hindi ka papahirapan ha?" sabi niya sakin pero diko siya tiningnan.


"K." nag effort pakong sumagot niyan! pawis na pawis kuko ko!


Tahimik na ulit hanggang sa matapos kaming kumain.


Pagkainom ko ng milk ay tumayo na ako at inilagay ang pinagkainan ko sa lababo.


"Ako na maghuhugas..." sabi niya.


"K." sagot ko ulit sa kanya. Lalabas nako sa room niya para makabalik na sa room ko at makapag prepare na.


Bubuksan ko na sana ang pinto palabas ng hilain niya ako at niyakap.


Nagpipigil ako ng ngiti. Effective ang tampo tampuhan ko. Bwahahahahaha


"Stop it. Ayoko lang kasi na nahihirapan ka... Basta pag may problema in case na makapasok ka dun.. Sabihin mo agad sakin ha?" sabi niya sakin.

Oh my Kuya!


"K." Pigil na pigil ang tawa ko.


Bumitaw siya sa pagkakayakap kaya napaharap ako sa kanya ng nakagat labi na pinipigilan ang pag tawa.


"Pinaglalaruan moko ha!" sabi niya ata agad naman akong natawa.


"Hindi kaya! Sige Kuya magsha shower pako. Pagkatapos kong mag apply pupuntahan agad kita. Bumaba na naman yung lagnat mo ehh." nakataas ang kilay ng kumag. Hahaha

My Knight (de la Vega Brother's)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt