KABANATA 15

30 2 0
                                    

-Mangga-



(Stef's POV)


"Kuya!" pagka lingon niya ay sabay na nag click ang Camera.

Umiling lang siya at ngumiti.


"Kuya marunong kang umakyat ng puno?" nasa ilalim kami ng puno ng mangga. Sobrang lamig parin mabuti't naka long sleeve ako. Kaso naka short. Hahaha la kwents.


"Oo naman. Bakit gusto mo ng mangga?" pagkatanong niya ay tumango ako at agad naman siyang tumayo.


*CLICK*


Kinuha ko ang litratong lumabas at inilagay ito sa bag. Kanina pa ako picture ng picture. Hindi naman nagrereklamo si Kuya.

Kelan ba siya nagreklamo? Hahahaha Nung nakaraan?


"Kuya dahan dahan ha." paakyat na siya ng puno.


"Marunong akong umakyat kaya hindi ako mahuhulog." sabi niya at agad kumapit sa puno para makaakyat.


"Hindi.. Baka masira kasi yung damit mo. Sayang naman." pagkasabi ko ay lumayo agad ako. Baka sipain ako nito e paniguradong lilipad ako. Hahahaha


"Sa damit ka pala nag aalala." asus Hahahahaha


"Yup." natatawa kong sabi sa kanya.


Nakaakyat na siya sa taas. Sayang naka pants siya. Dapat naka short para ano... Hahahahaha

Para presko! Kuuu! ano na namang iniisip niyo!


Nakaupo siya ngayon sa malaking sanga. Hindi ko alam na may lahing unggoy pala siya.


*CLICK*


Nilagay ko ulit sa bag ang picture.


"Edi ikaw na kumuha ng sarili mong mangga."


"Hala!!!!!!!! Ang daya naman ehh!!!!!" pumapadyak padyak pako. Paasa!


Nakita kong may hawak na siyang mangga. Tapos kinuha sa bulsa ang keychain na may susi at.... small knife!


Seryoso talaga siya?

Di niya talaga ako bibigyan??? Rawwwwwwrrrrrr!


"Ayun kuya oh malapit lang ihulog mo nalang." turo ko sa kanya at agad naman siyang tumayo saglit at naabot nga yun. Ugh! Tangkad talaga!


Pagka abot niya ay imbes ihulog ito, tumalikod siya sakin at umupo ulit sa sanga.


"Kuya!!!!!!!!!!!" niyanig ang mundo. Hahaha


Hindi na nagsasalita yung gung gong! Ang naririnig ko lang ay ang pag nguya niya ng mangga! Nananadya pa talaga dahil obvious na obvious maka nguya para marinig ko!

My Knight (de la Vega Brother's)Where stories live. Discover now